❤❤❤Chapter 12❤❤❤

7 3 0
                                    

Hello Guys! Si Piggy Author ay muling nagbabalik! Tagal kong nawala noh? Namiss niyo ba ako? (Lol, walang nakaka-miss -.- ) Medyo magulo dates ng updates ko ngayon pero aayusin ko na lang ito next week. Balik E.S.U. tayo. (Oo nga pala, walang tayo. Lol)

By the way, Happy Father's Day sa lahat ng Ama at Lolo ng mga Wattpaders!

Enjoy Reading!

Love lots,
Mystique_blue07 (Piggy Author)

Chapter Twelve: Suspicious

Minika's P.O.V.

Matapos kong magpaalam sa kanila ay agad akong nagpunta sa quadrangle. Ano na naman kayang problema? Baka pakana na naman ito ni Phoebe. Hinding-hindi ko na siya papatulan, manigas siya.

Maya-maya pa ay napansin ko na wala masyadong tao sa quadrangle. Ba't naman kaya ako pinapapunta rito? Ni isang teacher nga wala rito eh.

Aalis na sana ako ng biglang may humarang sa akin. Kung tama ang pagkaka-alala ko, ito iyong batang inutusan ni Brixx bago pa kami mag-away.

"Flowers po." sabay-abot ng bulaklak. Para saan naman ito?

"Kay nino galing ito?" tanong ko at ngiti lamang ang itinugon sa akin nito. Agad naman siyang umalis. Weird naman.

Ganoon din ang mga sumunod na eksena, iba't ibang lalaki ang nag-abot sa akin ng bulaklak at bigla na lamang aalis. Hanggang sa umabot na ang bulaklak sa labing-tatlo.

"Kanino kaya ito galing?" tanong ko sa sarili ko. Maya-maya pa ay may narinig ako na tumugtog ng gitara. Tiningnan ko kung saan nangga-galing ang tunog at nakita ko iyon sa stage.

Nakatalikod ang lalaki habang kumakanta at naggi-gitara. Kahit na likod pa lang niya ay kilala ko na. Parang pinako ako sa kinatatayuan ko ng narinig ko na ang boses niya.

"I just wanna say sorry
For the things that I've done to you baby
Would you please forgive me?
Can you give me a chance to prove it?

I'm sorry for my mistakes
If I have a chance to take
I'll gonna make it right
You're worth to fight

Sorry for everything
Maybe it's just a misunderstanding
Maybe you thought I don't love you
But that's not true

Co'z baby I love you
I can't lose you
I just wanna hold you
Forgive me I do..." bigla naman siyang humarap at tumingin ng diretso sa mga mata ko. May bahid iyon ng kalungkutan. Bakit naman siya malulungkot? Siya ba 'yong sinabihan ng 'flirt'?

Puno ng damdamin ang bawat linya na binabanggit niya.

"Forgive me I do..." huling kataga bago niya binitawan ang kanyang gitara. Pero hawak niya pa rin ang microphone.

Humakbang siya palapit sa akin at naka-tingin ng diretso sa aking mga mata. Ano naman bang drama ito?

"Minika, alam kong marami akong nagawang kasalanan sa iyo. Ni hindi pa nga ako nakakabawi ng atraso ko sayo noon pero heto ako ngayon, nasaktan na naman kita." sabi niya habang hawak ang mikropono at hinawi ang buhok sa mukha ko.

"I'm really sorry. Masyado lang akong nadala ng feelings ko kaya ko nasabi iyon sa iyo." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Natulos lamang ako sa kinatatayuan ko at pinagmasdan lamang ang mga galaw niya.

I'm Falling Inlove With My Ex AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon