❤❤❤Chapter 4❤❤❤

25 2 0
                                    

Chapter Four: Pretending

Minika's P.O.V.

Nag-aayos ako ngayon para maka-labas. Hindi para magpa-ganda, kundi para mag-disguise. Sa ngayon, hindi pa ako pu-pwedeng makalabas ng bahay ng hindi itinatago ang katauhan ko. Kung hindi dahil kay Blonde Girl, hindi siguro mangyayari ito.

Tsk.

"Okay na." sabi ni Iris habang sisinisipat ang itsura ko. Siya yung nag-ayos sa akin. Naka-wig ako ng brown with matching bonnet at naka-tee-shirt ako with jeans and sneakers. Basta mukhang ball-jointed doll ang outfit ko kagaya ng isang kilalang manika sa Japan. Siya na rin ang nag-make-up sa akin at nilagyan ako ng fake mole sa bandang itaas ng labi.

"Ang ganda ng gamit ko 'no? Bagay na bagay sa iyo. May silbi rin pala ako bilang isang Cosplayer eh. Kakapatahi ko lang n'yan." sabi ni Levi. Hindi ko pa siya naku-kwento dahil bihira lang siya rito sa Manila dahil madalas siyang nasa Japan. Doon kasi naka-destino ang kanyang pamilya at bumibisita na lang siya rito.

Tinawagan siya kanina ni Iris dahil sa tingin niya'y makakatulong sa akin si Levi at hindi siya nagkamali sa bagay na iyon. Kagaya ng ginawa ni Iris, dumaan din siya sa back door para sigurado siyang walang naka-sunod sa kanya.

"Salamat Levi! Kamsahamnida!" Pagpapasalamat ko.

"Gusto ko Japanese!" sabi ni Levi sabay pout.

"Nako, saka na lang. I have to go, bye!" sabi ko at kinawayan na lang sila bago ako sumakay ng taxi.

~•[]•~


Hindi nag-tagal ay nakarating na rin ako sa tinitirhan ni Brixx.

We should talk, Coleman.

~•[]•~


Brixx's P.O.V.

Those reporters! Lahat na lang papasukin, may maibalita lang.

"Tsk." sabi ko at pabagsak na na-upo. Agad namang dumating si Ms. Melanie at lumapit.

"Napa-alis ko na sila Brixx, huwag mo ngang hayaang pangunahan ng damdamin mo ang utak mo, okay? High blood ka kaagad. Parang hindi ka pa nasanay." sabi ni Ms. Melanie na cool lang.

"I'm not the only one who's involved in this issue. It's Minika and I, I'm sure that she already knew about it. Malamang galit na naman siya sa akin. Hindi pa nga niya ako napapatawad eh, another issue na naman. Ugh!" I said ang took a deep breath.

"Let me talk to her. As I can see, mas madali pa nga yatang kausap si Minika kaysa sa iyo. You're stubborn." sagot ni Ms. Melanie at nilahad ang kamay niya para kuhanin ang phone ko. Magsisimula pa lamang siyang mag-tipa ng biglang may nag-doorbell.

"Mukhang reporter na naman." sabi ni Ms. Melanie at siya na ang nag-kusang mag-bukas ng pintuan.

~•[]•~


Minika's P.O.V.

Pag-pindot ko palang ng doorbell ay agad bumungad sa akin ang isang babae na nasa edad siguro ng 30+. Namumukhaan ko siya, siya si Ms. Melanie Monteverde. Brixx's Manager.

I'm Falling Inlove With My Ex AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon