❤❤❤Chapter 1❤❤❤

41 2 0
                                    

Chapter One: He's Back

Minika's P.O.V.

"Ate!" habol-hininga na sabi ng kapatid ko na nagmamadaling pumasok sa kusina.

"Bakit Miki?" tanong ko habang naghi-hiwa ng ampalaya para sa ulam namin mamayang tanghalian. Naka-leave kasi si Aling Lydia ng one month kaya kami na ang nag-aasikaso ng pagkain namin.

"Ate, narinig mo na ba ang balita?" tanong ni Miki. Anong balita?

"Balita? Tungkol kanino? Saan?" tanong ko sa kanya na may bahid ng kyuryosidad.

"Kay Kuya Brixx." tipid na sagot niya at unti-unti na ring bumabalik sa normal ang kaniyang paghinga. Ano namang balita du'n?

"Oh, anong—" naputol ang sasabihin ko kay Miki nang biglang dumating si Danica.

"Beshi!" sigaw ni Danica.

"Oh! Bakit? Hinabol ka ba ng aso? Ang bagal naman ng aso, hindi ka man lang sinakmal o kinagat man lang." tanong ko na may bahid ng sarkastikong tinig dahil hindi naman iyan pupunta agad dito ng tanghaling-tapat kung walang 'importanteng' sasabihin.

"Dumating na si Brixx! Kaninang umaga lang, nakita ko sa balita." sabi ni Danica.

Ah, iyon pala ang importanteng balita? Iyon na 'yon?

"Nakakainis ka naman Ate Nica! Ako na nga magkwe-kwento kay Ate eh." sabi ni Miki habang kinakamot ang ulo. So, parehas pala sila ng ibabalita sa akin? Akala naman nila may pakialam ako.

"Eh ano naman kung dumating na siya? Anong gagawin ko? Mapapa-piyesta na ba ako? May makukuha ba akong isang kilong bigas kapag nalaman ko iyan?" walang-ganang tanong ko.

"Chill beshi, nakakunot na naman iyang noo mo. Napaghahalataan na miss mo iyong tao eh." natatawang saad nito ngunit nawala iyon matapos ko siyang titigan ng seryoso. "Beshi, kapag iyan talaga nag-pakita ipapasapak ko iyan kay Ralph. Huwag kang ma-fall ulit d'yan ah? Nasaktan ka na dati, h'wag mo ng ulitin iyon. Huwag ka na magpaka-tanga ulit, sapat na iyong isang beses lang." bilin ni Danica na parang kanina lang ay excited pa sa ibabalita niya na akala naman niya'y ikakatuwa ko. Ralph is Danica's boyfriend since 1st year highschool. Ang tatag nga nila eh. Napagtiyagaan niya iyong baliw kong kaibigan. Baka nga ginayuma niya eh. Mapapa-sana all na lang ako.

"Okay fine, wala naman na akong balak na makita siya atsaka ang tagal na nu'n! I finally moved on. Kaya sana kayo rin." sabi ko para naman tigilan na ako tungkol kay Brixx. "Umuwi ka na nga, baka mapagalitan ka pa ni Tita Julie." sabi ko kay Danica nang bigla kong maalala na baka hanapin na siya sa kanila. Mabuti naman at umalis na rin kundi baka marami pa siyang itanong sa akin.

"Okay fine. Basta, alam mo na. Iyong mga sinabi ko sa iyo ah?" sabi niya bago pa man siya tuluyang lumabas ng bahay.

Lumabas na rin si Miki para mang-hiram ng notes dahil nagka-sakit ito last week.

Ako nga pala si Minika Shin. I'm 16 years old and 4th year high school student. Ako ay anak ni Madeleine Martinez at Daniel Shin. I'm half Filipino and half Korean at kapatid ko si Miki Shin.

Brixx Coleman was my ex-boyfriend when I was a 1st year highschool student. Siya ay half Filipino and half American. Iniwan niya ako nang biglaan at hindi man lang nagpaalam. Ni wala nga kaming official na break-up or something like cool off. Basta, I decided na wala na kami since wala na rin kaming communication until now. Aasa ka pa ba sa taong wala ng paramdam? So, I made up my mind and forget him.

Short discussion is enough for the introduction.

Maya-maya ay nag-luto na rin ako at dumating na rin si Mama.

"Anak." sabi ni Mama.

"Ma, kung tungkol lang po kay Brixx ang sasabihin niyo. H'wag niyo na pong ituloy. Nakukulili na po ang tainga ko tungkol d'yan." sabi ko dahil alam ko na iyan ang iba-balita nila. Kunsabagay, ibabalita talaga iyon ni Mama dahil bukod sa may dati kaming pinagsamahan ni Brixx ay botong-boto siya rito.

Bakit ba parang ang big deal sa kanila ng pag-dating nito at lahat ay sa balita nila nalaman? Tsk. Nevermind.

"Ma, paki-tawag na lang po si Miki para makakain na tayo." sabi ko para ma-divert yung usapan at makakain na rin.

~•[]•~


Evening

Nanonood ako ng tv ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Tulog na si Mama at Miki kaya ako lang ang nandito. Agad kong inabot ang cellphone at tiningnan ko kung sino ang naka-flash sa screen.

Incoming Call...
+639212154549
Unknown Number

Sino naman ito? Unregistered number. Pero mukhang importante kasi gabi na pero nagawa pang tumawag.

"Hello, sino po sila?" tanong ko.

"Baby..." pagka-rinig ko pa lang sa boses niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I don't know what to react. Hindi ko alam kung papatayan ko ba o tatawagin ko rin na 'baby' kagaya ng naka-gawian. Akala ko ba naka-move-on na ako? Minika, h'wag na magpaka-tanga please lang.

"Oh, ikaw pala. Akala ko ba patay ka na? Ay oo nga pala, hindi agad-agad namamatay ang masamang damo." sabi ko ng may bahid ng inis at sarkastiko.

"Minika... I'm sorry... Hindi ko naman tala—" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Enough! I don't need your explanation! Nagawa mo akong iwan ng walang dahilan!" sigaw ko sa galit. Masyado na akong napupuno. I hope hindi magising si Mama at Miki.

"I just want to say that I'm here in the Philippines." sabi niya casually. Parang kanina lang ang sweet niya ngayon civil na lang.

"What do you want me to do? Magsaya? Magpa-party? Magpa-handa?" sarkastikong sabi ko.

"Meet me at Cafe Altana. 12:00 noon. Tomorrow. I'll wait for you..." sabi niya. "Okay?" tanong niya.

"Okay." sabi ko at pinutol na ang tawag.

Bahala na nga si Iron Man bukas!

So, he's back.

Ano namang gagawin niya rito?

Bakit pa siya nag-balik?

Para saan?

~•[]•~


Thank you for reading!
I hope you enjoyed!
You can also give me stars!
You may now proceed to the next chapter!

Happy Reading!

I'm Falling Inlove With My Ex AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon