❤❤❤Chapter 8❤❤❤

16 3 0
                                    

Chapter Eight: First Date

Minika's P.O.V.

Natapos na ang klase namin ng maayos, hindi na muna sila pinabalik sa classroom at pinag-stay lang sa guidance office. First day palang, gulo na!

Maya-maya ay lumapit sa akin si Brixx, "Minika, sabay tayo umuwi ah. Hintayin mo ako sa gate." sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Ihahatid kita sa inyo." sabi niya. "Pupunta lang ako saglit sa office."

"Bakit mo pa ako ihahatid? Wala naman sa rules iyon eh?" bulong ko sa kanya upang walang makarinig. Wala naman akong pinagsabihan maliban kina Danica at Iris. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko sila kaya walang laglagan.

Actually, may naka-lagay doon at nabasa ko. Pero ayaw ko talaga magpa-hatid. Ayaw ko lang ulit ng panibagong balita, hindi pa nga natatapos itong issue namin eh.

"Hindi mo ba binasa ng buo? Mayroon doon ah." sabi niya. "Ikaw talaga!" sabi nito at ginulo ang buhok ko.

"Eh ayaw ko nga!" inis na sabi ko. Sana effective iyong pagmamaktol ko para hindi niya na ako ihatid.

"Kahit na, gusto kong ihatid ang girlfriend ko eh." sabi niya at napansin kong maraming nakatingin sa amin. Ngayon ko lang napansin na nandito kami sa pintuan ng classroom at nakita ko si Ms. Madrid sa likod ko.

"Talagang dito pa kayo nagpa-public display of affection ah! Ms.Shin and Mr.Coleman? Don't you know that you both violates the school policy and you both deserve punishment?" sabi ni Ms. Madrid habang nakataas ang isang kilay.

"Ms. Shin and Mr. Coleman, follow me." sabi niya at agad naglakad. Sinundan nalang namin si Ms. Madrid.

"Ikaw kasi eh!" sabi ko kay Brixx ng pabulong.

"Ikaw kaya! Ayaw mo pa pumayag na ihatid kita eh. Hatid lang naman." sabi niya at pinandilatan ko nalang. Napansin kong huminto si Ms. Madrid at napatingin ako sa pintuan na ito.

No! It can't be!

Disciplinarian's Office.

Pumasok na kami doon at halos lamunin na ako ng kaba!

I'm dead serious!

First day palang may record na ako.

I hate you, Coleman!

"Mrs. Valderama, ito po si Ms. Minika Shin and si Mr. Brixx Coleman." sabi ni Ms.Madrid.

"Brixx Coleman? Minika Shin?" tanong ni Mrs. Mary Valderama at tumigil na sa binabasa niya.

"Yes, ma'am." sabi ni Ms. Madrid.

"Ano bang problema?" tanong ni Mrs. Valderama.

"Ms. Shin and Mr. Coleman where caught displaying their affection publicly in the front of the classroom door." sabi ni Ms. Madrid. PDA raw eh? Naku! Kung nakita lang ni Ms. Madrid na against ako sa ginagawa ni Brixx kanina.

I'm Falling Inlove With My Ex AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon