May lalaking sumalubong sa amin, malaki ang pangangatawan nito at binuhat ang aking mga gamit.
"Uy teka, manong! Saan mo naman dadalhin ang gamit ko?" hinabol ko ito at pinilit na agawin sa kaniya ang aking mga bagahe.
"Siya ang body guard namin. Hayaan mo na sa kaniya ang mga gamit mo. Ihahatid ka niya sa magiging kwarto mo." sabi nung babaeng amo ko.
Kwarto ko? Sawakas! Magkakaroon na ako ng sarili kong kwarto!!! Feeling ko nagniningning ang aking mga mata!
"Siya nga pala, I am Elise, my husband Jude and this is Brad my son." Sabi ni ma'am Elise.
"Son? Araw po?"
"Tanga, anak na lalake. Nag-aral ka ba ha taga bundok? Psh, I can't believe na isang tangengot ang magiging P.A ko." sabi nung Brad at umirap.
"Brad, your manners! Buti pa sana kung nag-aaral ka rin diba?" sabi ng kaniyang papa.
"Oo nga. Kahit papaano naman ay nakakaintindi ako ng ingles 'no!" singit ko rin.
"Whatever."
Pagkasabi niya nun ay nauna na siyang pumasok sa bahay nila.
Ano daw? Water? Tubig? Luh, anong connect ng sinabi ko sa tubig?
"Parang tanga 'yun." Bulong ko sa aking sarili.
Pagpasok ko sa aking kwarto, ay agad akong humilata sa kama.
"Haaaa! Ang sarap, ang lambooot ~ jackpot!" sigaw ko at inangkin ang buong kama.
"Sawakas magkaka-kama na ako 'yung sariling sarili ko na!"
Daig ko pa ang kinikilig sa sarap ng higa ko.
HaaaaayKakapikit palang ng aking mga mata ay may kumatok na.
Inis akong tumayo at pinagbuksan iyong kumakatok."Bakit po?" tanong ko dun sa babaeng nakataas ang kilay na nakabihis katulong.
"Tinatawag ka ng amo mo. Huwag kang sitting pretty diyan." Mataray na sabi niya sa akin.
"Hala, hindi naman ako naka-upo. Nakahiga kaya ako." bulong ko naman.
"Ano kamo?"
Ngumiti naman ako ng nakakaloko at tumango.
"Sabi ko, susunod na po akoooo. Hehehe!" sabi ko at linagpasan naman siya.Alam ko naman na sinong amo ko kaya kumatok na ako sa pintuan ng Brad na 'yun.
Pagbukas ko ng pinto ay naka upo siya sa maliit niyang sofa at nakaharap dun sa maliit na T.V na may di pindot na ewan. (m/a: computer po)
"Nandito na ako." sabi ko.
Para namang nagulat siya sa aking presensya. Pinatay niya iyong maliit na T.V tas galit na humarap sa akin. Aba! Siya na nga nagpapatawag sa akin ah? Siya na nga 'tong nang-istorbo galit pa sa akin.
"Hindi ka ba marunong kumatok?!"
Sinigawan pa ako o."Kumatok kaya ako."
"Pwes, kapag ganun maghintay ka na sumagot ako!"
Umirap naman ako sa kaniya at lumabas muli. Kumatok ako at hinintay ko siyang pagbuksan ako o marinig man lang na sumagot.
"Ano ba! Pumasok ka!"
Pumasok na ako ng nakangiti.
"Ano? Ok na?"Napapikit naman siya ng mariin.
"Alam mo, napaka mo. Kapag ako nabwisit sa'yo, hahalikan kita!" saka pa ako inirapan.Luh! Si Paulo nga hindi pa ako nahalikan e! Sira ulo pala 'to e!
Onga pala, 'di ko pa nabanggit si Paulo ^__^"Pangit mo naman. Makaalis na nga!"
Akmang tatalikuran ko na siya nang higitin niya ang aking braso.Ikinaggulat ko ang kaniyang ginawa. Anak ng... tinotoo nga niya!
*Wapaaak!*
Isang malutong na sapak ang natikman ni Brad mula sa akin.
"Hoy! Brad Pit ha! Hindi porket amo kita e gagawin mo na ang lahat ng gusto mo!" singhal ko sa kaniya.
Pinunasan naman niya ang kaniyang bibig sabay sabi ng...
"Ang baho ng bibig mo." sabi niya at muling naupo na sa kaniyang upuan.
Abaaa! Inamoy ko naman ang hininga ko.
Ay, oo nga hahaha! Natuyuan lang ako ng laway 'no! Sa haba ba naman ng biyahe namin!
"Sira ulo ka! Ni boyfriend ko nga hindi ako hinalikan! Magnanakaw ka! Manyak!" sigaw ko sa kaniya.
Nakakunot noo naman siyang humarap sa akin.
"May boy friend ka?""Oo naman 'no! Anong akala mo sa akin?!"
"Psh, nauntog." Mukhang natatawa pa siya nang sabihin niya 'yun at inirapan ako.
Asar talaga 'to e! Hindi kaya ako mamatay sa sama ng loob dito? Makapanglait parang napaka perpekto niya! hmp
"Umupo ka dito." Utos niya sa akin.
Hindi naman ako mahirap kausap kaya umupo ako sa tabi niya. Hindi sobrang lapit, basta sa tabi niya."Tumayo ka pala. Ikuha mo ako ng pagkain."
Hindi na lang ako naimik at kumuha ng pagkaing nakahain sa mesa. Trabaho ko 'to e kaya hindi ako magrereklamo.
"Ano 'yan?" tanong niya.
"Carbon daw. Ay ano, ewan basta may Carbon." Sagot ko naman.
"Carbonara."
Tingnan mo 'to, alam naman pala tinatanong pa =___= psh!
"Ayoko niyan. Ikuha mo ako ng iba." Sabi niya na nakaharap padin dun sa maliit na T.V
Hay nako! Bumalik ako sa baba at kumuha ng ibang pagkain.
"Eto o. Pasta daw.""Ayoko din niyan."
Napa-irap naman ako sa kawalan."Sabihin mo na lang sa akin kung anong gusto mong kainin mo." irita kong sabi.
"Kahit ano, basta masarap."
Padabog naman akong bumaba ulit at nagtanong dun sa manang na nasa kusina kung ano ang iba pang pagkain at 'yung gustong gusto ni Brad Pit.
"Kanina ka pa pabalik-balik ha, hija?" sita nito.
"E manang, ayaw niya dun sa mga dinala ko e." sagot ko.
"Heto na lang. Lagyan mo ng gatas 'yang Quaker oats."
Ginawa ko naman 'yung sinabi niya. Dinamihan ko na din para hindi mabitin ang walang hiya.
"Ayan na, quack quack daw." sabi ko at inilapag sa maliit na mesa na nasa kaniyang harapan.
"Anong quack quack pinagsasabi mo? Quaker tanga." sabi niya at sumubo na dun sa aking dinala. "Ikuha mo ako ng tubig dun sa baba." Utos nanaman niyaaaaaaa!
Muli, padabog nanaman akong bumaba at kumuha ng tubig.
Nakakaasar na ha!"O, tubig." Sabi ko at umupo ng muli.
"Juice pala, juice."
Nakakainit na ng ulo 'to ah!
"Ano ba lahat ng kailangan mo? Sige juice, gusto mo ba ng suklay? Lambanog? O baka gusto mo rin ng baygon? Masarap 'yun!""Basta juice kung gusto mo ng baygon ikaw uminom! Ano ba, andami mong sinasabi ah!" singhal niya sa akin.
Inirapan ko siya at muling bumaba.
"Manang juice daw po. May juice po ba 'yung kumag na 'yun?" tanong ko."Diyan diyan sa ref."
Napakamot naman ako ng ulo. Anong ref? saamin kapag ref 'yun 'yung tawag dun sa lalaking sumusunod sa mga player kapag may liga ng basketball sa amin e.
BINABASA MO ANG
Alipin with Benefits
Teen FictionThe story behind Sammuel Laxa Santos. Malalaman kaya niya ang kaniyang nakaraan? Magiging masaya kaya ang buhay niya? Mark Brad Cha, are you Sammuel Santos? ----- Kung naguguluhan ka, basahin mo ang istorya ng kaniyang mga magulang: Seducing the sed...