Tinuruan ako ni Sese kung paano galawin 'yung malaking cell phone niya at nalaman ko na kung anong tawag dun, iPad daw. Ganun din naman 'yun e. Pinalaki lang.
"Noona! Let's go out! Pasyal tayo!" sabi ni Sese na tumatakbo na papunta sa pintuan.
"Hindi pwede baka pagalitan ako. Hintayin mo na magising si hyung mo." sabi ko at agad na linapitan siya.
"Ayoko siyang kasama!" ngawa niya saka pa sumimangot.
"Why, Sese? 'cause I'm more handsome than you?" natatawang sabat nitong lalaking naka damit ng maayos. Hindi na boxer lang ang suot.
"See, noona? He's so boastfull!" – Sese
"Kahit 'di ko naintindihan 'yung boastfull na 'yun feeling ko bad word 'yun. Hayaan mo siya, huwag mo na lang siyang pansinin habang namamasyal tayo." Suhestiyon ko.
"Tumayo na kayo diyan. Pupunta tayo ng mall may bibilhin din ako." sabi niya at nauna ng lumabas ng bahay.
"Basta kapag inaasar ka niya, kunwari wala ka nalang narinig. Pretend that you are deep." Bilin ko kay Sese bago umalis.
"What's deep? Do you mean deaf? Bingi?" pang tatama pa niya sa akin.
"Sus, pareho din naman 'yun kapag pinakinggan. Kunware bisaya na lang ako. Basta huwag ka nalang umangal tatampalin kita." Banta ko sa kaniya.
Natuwa naman ako nang makita ko siyang ngumuso. Who would be thought na magugustuhan ako ng batang 'to? O pak! Nag English ako. bwahahahaha!
Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lamang na nilalaro ni Sese 'yung iPad niya. Ayoko namang kausapin itong si Brad dahil hanggang ngayon ay masakit parin ang loob ko sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi niya.
Pagdating namin sa mall ay dere-deretso ang lakad ko at sinundan lamang sina Brad sa entrance. Bastos pa 'yung guard dahil bukod sa hinipuan niya si Brad bigla pa akong hinarangan.
"Ma'am, doon po ang female." Sabi nung lalaking guard at tinuro 'yung line kung saan naka pila lahat ng babaeng papasok sa mall.
Inirapan ko naman 'yung guard na lalaki saka sumingit sa pila. Nagulat ako nang biglang hawakan nung babae 'yung bewang ko.
"Hoy! Bastos ka ha!" singhal ko rito. "Ke babaeng tao nanghihipo." Sabi ko at galit na naka tingin sa babaeng guard.
"Eh ma'am, chinecheck ko lang po baka may dala kayong baril o patalim." Pag dadahilan pa niya.
"Ang galing mong magdahilan ah! Mukha ba akong may dala ng ganun? Tomboy ka 'no!" sabi ko habang tinataasan siya ng kilay.
Pahaba ng pahaba 'yung pila sa entrance dahil sa akin. Aba! Manigas sila diyan! Kailangang patikimin 'tong bastos na 'to ano.
"Naku ma'am! Babaeng babae po ako! Eh ma'am, hindi lang naman po ikaw ang allowed na ganunin. Lahat po para makasiguro sa security ng mall."
"Reason ka pa diyan! Huwag mo na ulit gagawin 'yun ha! Sa susunod magtanong ka na lang kung may dala ba akong baril o kutsilyo. Kapag nanghipo ka ulit magdadala na talaga ako kahit kutsilyo lang nang maputulan kita ng kamay." Banta ko saka ko na siya linagpasan.
Nakita ko naman 'yung dalawa na naka tayo at parang gulat na gulat.
"Tara na, mukha kayong nakakita ng multo diyan." Sabi ko at hinawakan na ang kamay ni Sese.
"Baliw ka ba? Why did you do that? You look stupid. Hindi ka ba nag-iisip?" sermon ni Brad at inirapan pa ako.
"Syempre babae ako 'no. Kapag ba hinipuan ka ng iba hindi ka magagalit?"
BINABASA MO ANG
Alipin with Benefits
Teen FictionThe story behind Sammuel Laxa Santos. Malalaman kaya niya ang kaniyang nakaraan? Magiging masaya kaya ang buhay niya? Mark Brad Cha, are you Sammuel Santos? ----- Kung naguguluhan ka, basahin mo ang istorya ng kaniyang mga magulang: Seducing the sed...