Kabanata 39

1K 23 6
                                    

"Noona, can I enter my room na?" Tanong ni Sese na nasa labas ng kwarto.

Pinagbuksan ko naman ito ng pintuan at pinapasok. Nagulat nga ako nang kasunod niyang pumasok si Brad.

"Naligo ka na?" Tanong nito sa akin mang makaupo kami sa gilid ng kama.

"Ah, oo. Kakatapos ko lang." Sagot ko habang nagsusuklay.
"Nga pala, Brad. Ok ka lang? Ang ibig kong sabihin, hindi ka ba nilalagnat?" Tanong ko.

"Hindi naman, bakit?" Balik tanong nito sa akin saka pa humiga sa kama.

"Eh kase, iba kinikilos mo ngayon. Ang bait mo kayang kausap. Nagdidiliryo ka yata?"

Bigla namang bumalik sa kaninang pwesto si Brad. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga.

"Ang totoo niyan, nag-away kami ni Miley. Gusto ko munang maglibang at kalimutan ang away namin, para pag good mood na ako pwede ko na siyang puntahan." Sabi niya saka pa tumingin sa akin.

Umiwas naman ako ng tingin. Pwede namang bad mood siya lagi para bad mood din siya kay choco like Miley. Hmp, bad ko talaga.

"Nako ha, hindi mo ako maaasahan sa pacomfort comfort sa'yo. Hindi ako marunong sa advice." Sabi ko naman.

"Hindi ko naman hinihingi ang advice mo 'no. 'Di ka naman marunong ng ganun." Sabi niya at inirapan pa ako.

"Gusto ko lang sabihin na kasalanan mo kung bakit galit siya sa akin ngayon. Kung hindi ka tatanga tanga edi sana naka alis ako ng bahay." Sabi niya saka na lumabas ng kwarto.

Kanina lang napaka kalmado niya ah? Bipolar talaga lalaking 'yun.

"Nye nye nye nye, mag break sana kayo." Sabi ko at umirap.

"Noona..."

"Ano?"

Ngumuso naman si Sese kaya napakunot noo ako.
"Anong nginunguso nguso mo diyan?" Tanong ko sa kaniya.

"Are you angry?" Sa tono ng pananalita niyang napakalambing ay lumambot ang aking puso.

"Hindi ako galit. Basta pahiram sa iPad mo."

Naging blangko ang kaniyang ekspresyon.
"It's ok if you are angry to me." Sabi nito saka na lumabas ng kwarto.

Ang damot ng mga tao. Hmp! Kinabukasan, linggo na at kailangan naming mag practice ni Brad doon sa P.E namin dahil nga magka partner kami doon.

"Tumayo ka ng maayos! Ano ba 'yan, ako nahihirapan sa'yo." Reklamo ni Brad.

"Teka nga, teka nga." Sabi ko at bahagya siyang itinulak upang magkaroon kami ng malaking distansya.

"Ang ayos ayos ng sayaw ko. Ikaw 'tong magulo e. Paano ka hindi mahihirapan e ayaw mong sundin 'yung mismong sayaw. Kung ano gusto mong gawin 'yun lang ang ginagawa mo ng maayos!"

Nabwisit ako saka na lamang pinili na umupo.
Paano naman kasi! Wala pa kaming maayos na practice! Puro sya reklamo, ayaw niya ng ganito, ayaw niya ng ganun. Haaaay!

"Tumayo ka na diyan, hindi na ako magrereklamo." Sabi niya at pinindot na 'yung play sa remote.

Ginaya namin 'yung nasa T.V, hindi na siya gaanong nagrereklamo ngayon. Pero paminsan ay pahirapan bago makuha 'yung step.
Natapos ang araw na ito na puro practice kami.

Nakahiga na kaming pareho ni Sese sa kama habang siya ay naglalaro sa iPad niya.
Bumukas ang pinto at pagpasok na pagpasok ni Brad e pumikit ako para kunwari natutulog.

"Retard." Tawag niya pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto namin ni Sese.
"Huwag ka ng umarte diyan, uutusan kita." Sabi niya.

Sumimangot ako saka na dumilat.
"Ano nanaman? Ang sakit ng katawan ko e."

Ilang segundo lamang siyang nakatitig sa akin, parang may pinagtatalunan siya sa kaniyang isipan.

"I don't care, tumayo ka na diyan at sumunod ka."
Sabi niya saka na lumabas ng kwarto.

Kinamot ko ang aking kilay saka na sumunod sa kaniya.
Padabog akong bumaba sa hagdan.

"Bilisan mo naman, magsasara na 'yun e." Sabi niya saka pa umirap.

Minsan talaga magdadalawang isip ka kung bakla ba si Brad o lalake talaga. Haaays! Ang hilig mang-irap, tamaan sana siya ng masamang hangin nang bumaligtad na ng tuluyan 'yang mga mata niya.

Syempre charot ko lang 'yun 'no.

--nasa sasakyan kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ako umiimik dahil nga pagod ako at masakit ang katawan ko.
Wala ako sa mood.

"Bakit hindi ka nagsasalita diyan?" Aniya.

"Ayaw mo ang madaldal 'di ba?" Sagot ko naman.

"Yah, I mean bakit ka tahimik ngayon? 'Di ba ayaw mo ng tahimik? Sabi mo pa nga boring, 'di ba? Recently kasi nagiging tahimik ka na at hindi ka na nagkukwento ng nonsense." Sabi niya habang naka tingin parin sa daanan.

"Maiinis ka lang kapag nagsalita ako. Ang labo mo rin."

"Hindi lang ako sanay sa pagiging tahimik mo." Sabi nito at itinabi na ang sasakyan.

Wala parin akong gana sa buhay hanggang sa pumasok kami sa isang lugar na makulay. Charot!

"Dalawa." Sabi ni Brad saka na hinatak ang aking kamay.

"Sige na, mag-alis ka na ng damit. Pagkatapos nating magpamassage mag sa-sauna tayo." Sabi niya saka na pumasok sa isang kwarto.

Ano daw? Maghuhubad? Ako? Ayoko nga!
Makita pa nila 'tong sexy body ko.

Lumabas siya doon sa kwarto na nakatapis lamang sa kaniya ay tuwalya.
"Ano pang ginagawa mo? Hindi ka naman pwedeng magpamassage ng naka damit. Huwag ka ng maarte, nang maalis iyang sakit mo sa katawan." Sabi niya saka na pumasok doon sa kabilang kwarto.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon