Ilang araw ang nakalipas, hindi ko na itinuloy ang pag-uwi ng probinsya. Para saan? Dahil nasaktan 'tong puso ko? Sus! Si Paulo lang naman 'yun. Si Paulo lang naman ang nanakit sa damdamin ko. Si Paulo lang naman ang minahal ko ng limang taon. Si Paulo lang naman ang nangako sa akin na kami ang magkasama habang buhay. Si Paulo din ang sumira sa pangakong iyon. At si Paulo lamang ang pinagkitiwalaan ko.
Walang hiyang Paulo na 'yon!
Sa mga nakaraang araw, nakikita ko siyang paligid-ligid sa eskwelahan na kasama si Mia. Kung maka akto pa siya ay parang wala lang sa kaniya ang hiwalayan namin."Uy, tara na. Sasabay daw si Brad sa akin. Tulala ka nanaman diyan, you look weird." Sabi ni choco like Miley saka na naunang maglakad.
Ano namang nakain ng hinayupak na 'yun at sasabay siya sa aming kumain?
"Teka, choco-- ay este Miley!" tawag ko at naglakad patungo sa kaniyang harapan.
"Inaya kasi ako ni Ouen kumain ng sabay e." sabi ko.
"Edi sabay-sabay na tayong apat mag lunch. Sumunod nalang kayo ha, same place!" sabi ni choco like Miley saka na naglakad patungo sa canteen.
Oo nga pala, nangako sa akin si Brad na magiging mabait na siya sa akin upang hindi ako umalis ng mansion nila. Pumayag naman ako doon dahil mas mapapanatag ang loob ko. Tama na ang sakit na naranasan ko noong nagdaang araw.
"PAULA!"
"AAAAH SHIBAL!!!" sigaw ko at malakas na itinulak ang lalaking humawak sa aking balikat.
"A-aray." Daing nito habang naka upo sa sahig.
"Naku! Pasensya ka na, Ouen. Ikaw naman kasi bakit ka nang gugulat?" sabi ko at tinulungan ko na rin siyang tumayo.
Napakamot siya ng kaniyang batok dahil naka tingin sa kaniya ang mga kapwa naming mag-aaral.
"Why you guys staring at me?!" sigaw ni Ouen kaya dali-daling nagsibalikan ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa."Ikaw ha, minumura mo pa ako." Sabi niya habang pinapagpagan ang kaniyang pwetan.
"Gusto mo ako na magpagpag sa pwetan m—ay este, a-anong sinasabi mong minura kita? Hindi ah." Sabi ko at ngumuso.
"Sabi mo shibal ako e." Napa kunot naman ako ng noo.
"Ano bang shibal? Naririnig ko lang 'yun kay Brad e. Sa tuwing naaasar siya sa akin okaya naman ay kapag may katangahan akong ginawa."
Naka ngiti siya at nag 'psh' pa.
"Mura 'yun. It means, shit. Anyway, I'm really hungry na. Let's go?" sabi niya at inilahad pa ang kaniyang palad sa aking harapan.Malugod ko naman iyong tinanggap at taas noong naglakad patungo sa canteen. Ngunit nang makapasok kami sa canteen, unti-unti akong nahihiya. Hindi ko kasi batid kung bakit naka tingin ng mapang husga ang mga tao sa aming paligid.
Nakita ko ng kumakaway si choco like Miley kaya hinila ko ang kamay ni Ouen papunta sa table nila. Papalapit palang kami ay nararamdaman ko na ang tension sa dalawa.
"Akala ko ba si retard lang?" tanong ni Brad kay choco like Miley.
"Stop calling her retard. She's not retarded, Brad." Sabat ni Ouen at naupo na sa kaniyang harapan.
Brad Miley
----mesa----
Ouen AkoGaniyan lang naman ang pwesto namin. Walang reaksyon na naka tingin si Brad kay Ouen nang magsalita ito.
"You don't care what I am going to call her. She's our property, so back off." Sabi nito.
Hindi ko naman na maintindihan ih!
"I thought you're going to treat Paula nice from the day you lied? So, stop calling her retard." Sabi naman ni Ouen na naka ngiti.
BINABASA MO ANG
Alipin with Benefits
Teen FictionThe story behind Sammuel Laxa Santos. Malalaman kaya niya ang kaniyang nakaraan? Magiging masaya kaya ang buhay niya? Mark Brad Cha, are you Sammuel Santos? ----- Kung naguguluhan ka, basahin mo ang istorya ng kaniyang mga magulang: Seducing the sed...