Brad's POV
Habang minamassage ako ay dinalaw ako ng antok, lumalim ang tulog ko at heto nanaman ako sa panaginip kong ito.
"Please take care of my mom, daddy. I will punch you po if you hurt her. Ok?"
Nakikita ko nanaman ang sarili ko, ako noong bata pa ako. Nakatayo sa harapan ng isang babae at lalake na naka damit pang kasal. The snow is pouring, but I guess the couple are having a special ceremony.
"Ok po, little Bernard. I will never hurt your lady. I will love her, instead. Ok ba 'yun?" Sabi naman nung lalaki.
"Why are you calling me little bernard?" Tanong ko at lumapit doon sa lalake ngunit hindi nila ako pansin.
The younger version of me smiled and had a fist bump with that man.
Shit, what the hell is this?! Who are they?!
Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng pangingirot sa dibdib, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak.Ipinikit ko ang aking mga mata dahil patuloy na umaagos ang aking luha.
Pagdilat ko ay nasa eroplano na ako.
Seeing my toddler version, sitting between a man and a woman whom I am calling mom and dad."Mommy, daddy, pagdating po natin sa house natin puntahan po natin si Miley. Namimiss ko na po kasi siya e."
Miley? Tama ang narinig ko hindi ba? Binanggit niya ang pangalang Miley.
Gulong-gulo na ako, ano ba itong napapanaginipan ko!Ilang sandali lamang ay may inilagay 'yung lalake doon sa kamay ng batang ako.
It was a bracelet, natatandaan ko ito. I have a bracelet tulad ng isinuot ng lalake sa akin. Pero ang alam ko ay itinapon na iyon ni eomma."Tell me, sino kayo? Anong pangalan ninyo? B-bakit ninyo ako kasama?" I asked, pero hindi talaga nila ako pansin.
Ilang sandali lamang ay nagdilim ang paligid ko at nagsimula nanaman akong mahulog mula sa ere.
"Aaaaaaaaaaaaah!" I shouted.
*splash!*
Gumising ako at hingal na hingal. Tumingin ako sa paligid ko at nakita si promdi na alalang alala, may hawak itong mangkok.Bakit ba hindi siya nacoconcious sa itsura niya? Nakatapis lamang sa kaniya ay tuwalya at hindi pa niya ayusin ang tayo niya.
"Are you ok, sir?" Tanong sa akin nung nanghilot sa akin.
Tinanguan ko naman siya saka na tumayo doon sa hinigaan ko.Hinatak ko ang kamay ni engot at lumipat sa sauna section.
"Sir, doon po ang girls. Hindi po pwede dito si ma'am." Sabi nung babae.
"Magbabayad ako ng malaki, let her stay here." Sabi ko saka na sinarado ang pinto.
Umupo ako sa gilid at hindi ko napigilan ang yakapin si engot habang inaalala ang panaginip ko.
Wala na akong ibang maalala kundi ang pagbanggit ko kay Miley, pagsabog ng eroplano, kasal sa nyebe at... wala na.
Hindi ko na alam ang itsura nung mga mag-asawang kasama ko."Paula..." tawag ko sa kaniya saka na humiwalay sa yakap.
Hindi ito sumagot kaya inilipat ko ang aking tingin sa kaniya.
"Huy." Sabi ko at siniko siya.
"Anong tawag mo sa akin?" Tanong niya.
"Engot, retard, promdi." Sagot ko naman.
"Hindi 'yan! 'Yung kanina!" Singhal pa niya sa akin.
At ngayon ko lang napagtanto na tinawagan ko siya sa sarili niyang pangalan.Hindi ako kumibo at nag iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit nag uumpisa na akong mailang sa kaniya.
"Ngayon palang kita narinig na tinawagan mo ako sa tunay kong pangalan." Sabi nito at randam ko na nakangiti siya.
Tss, ang babaw.
"Ano naman?" Masungit kong sabi.
"Wala lang. Nagtataka lang ako kung bakit mo ako biglang tinawagan sa sarili kong pangalan."
"Alam mo," panimula ko at saka humarap sa kaniya.
Ngunit nang magtama ang aming mga mata ay napansin ko na medyo magkalapit ang mukha namin.Kitang kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha.
Pati pala morena e halata ang pagka pula ng pisngi."Lumayo ka na, itulak mo na ako palayo, umiwas ka na ng tingin, Paula." Sabi ko.
"H-ha?"
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nailapat ko ang labi ko againts her lips.
Kaagad naman niya akong itinulak at lumipat siya ng ibang pwesto."Hoooh, ang init pala dito." Sabi niya at ginagamit niya na pamaypay sa kaniyang sarili ay ang kaniyang kamay.
Hindi siya makatingin sa akin at nanatiling nakatungo.
Nakagat ko ang ibaba ng aking labi at ngayon ko pinagsisihan kung bakit ko siya hinalikan. Shit!ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Paula's POV
Pag-uwi namin galing sa sauna, hindi na kami nagkibuan ni Brad.
Nasa kama na ako, nakahiga at mulat na mulat parin ang aking mga mata.Hinawakan ko ang aking labi, bigla na lamang dumaan sa isipan ko 'yung nangyari kanina.
"Lumayo ka na, itulak mo na ako palayo, umiwas ka na ng tingin, Paula."
Pinapalayo niya ako dahil pinipigilan niya akong halikan? Bakit niya ako hinalikan?
Without any reason, tinakpan ko ng unan ang aking mukha at nagpakawala ng maninipis na tili.
Nakakaramdam ako ng kiliti sa tiyan, kirot sa puso at feeling ko nauumay ang panlasa ko kahit na wala naman akong kinain."Noona, quiet." Antok na antok ang tono ng boses ni Sese.
Inalis ko na ang unan sa aking mukha at hinaplos haplos ang buhok ni Sese nang makatulog na ito ulit.
"Pasensya ka na, si hyung mo kasi e. Ang kulit nya, kanina pa sya laro ng laro sa isip ko." Mahina kong sabi habang patuloy ang paghaplos ko sa kaniyang buhok.
Hindi naman ako nito sinagot dahil paniguradong nakatulog na siya.
Samantalang ako, para akong timang na naka ngiti at wala yatang balak tumigil si toothpick kakatakbo sa isip ko. >___>Ano ba 'yan! Pumikit ako ng mariin at tahasang bumangon.
"Bwisit." Bulong ko."Noona..." reklamo ni Sese. Tila nagising ko ito.
"Sorry, sorry." Sabi ko at tinapik-tapik ang kaniyang hita upang makatulog ito ulit.
"Kasi naman e, may pakisskiss pang nalalaman ang toothpick na 'yun." Sabi ko at tumalikod kay Sese.
Tinakpan ko ng kumot ang buo kong katawan. Ang harot harot ko na! Nakakainis!
"Si Ouen ang gusto ko, si Ouen ang gusto ko, si Ouen ang gusto ko..." paulit-ulit kong sinasabi ang mga katagang ito.
BINABASA MO ANG
Alipin with Benefits
Teen FictionThe story behind Sammuel Laxa Santos. Malalaman kaya niya ang kaniyang nakaraan? Magiging masaya kaya ang buhay niya? Mark Brad Cha, are you Sammuel Santos? ----- Kung naguguluhan ka, basahin mo ang istorya ng kaniyang mga magulang: Seducing the sed...