Kabanata 46

1.1K 26 26
                                    

Brad's POV

Sabay kaming lumabas ni Ouen mula sa locker room. Panira talaga ng araw 'yang magmumukha niya. Hays.

"Wait."

Hindi naman ako tumigil pero bumagal ang aking paglalakad. Hinihintay ko ang sasabihin niya.

"Si Pau."

Mabilis kong pinihit ang aking sarili at kumaripas ng takbo pabalik sa loob ng locker room.
Pagpasok ko ay kaagad kong binuksan lahat ng vacant locker, bwisit nasaan ba ang locker ni Ouen dito?

Ang kasunod na locker ay siya na kung saan naroon si engot. Pagbukas ko doon ay dinamba niya ako. Wala itong malay at pawis na pawis.

"Paula!" Maagap na inalalayan ni Ouen si engot kaya naman bahagya ko itong tinulak.

"Fuck off, ikaw ang may ideya nito 'di ba? Ang tanga mo." Sabi ko saka na binuhat si engot.

Mabigat pa yata sa barbell 'tong babaeng 'to.

"Tutulungan na kita." Sabi ni Ouen at akmang hahawakan si engot kaya naman pinandilatan ko ito ng kamay.

"I said fuck off. Tabi!"
Ang tigas ng ulo, kaya naman kahit hindi pa siya tumatabi sa daanan namin e binangga ko siya upang makadaan ako.

Pagdating sa clinic ay nadatnan ko pa na nandoon si Miley, ngunit mukhang paalis na ito.

"What happened?" Tanong niya at sinundan ako hanggang sa ilapag ko si engot sa kama.

Dalawang beses na akong napadpad sa clinic, at dahil pa sa dalawang babae na gumugulo sa buhay ko.

"Mark, baby. What happened? Is she sick?" Tanong ni Miley na hindi ko man lang masagot sagot.

Hindi ko naman pwedeng sabihin kung ano ang nangyari.
Baka mamaya, madulas ako at kung ano-ano na ang masabi ko.

Mataman kong tinitigan si engot habang nilalagyan siya ng oxygen.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Miley sa aking braso.

Humarap ako sa kaniya.
"Ok ka na? Nasaan na ang tito at tita mo?" I asked.

Tumango muna siya bago sumagot.
"Yah, I'm fine. Nasa kotse na sila, they are waiting for me. Kailangan ko daw kasing umuwi sa bahay."

Napatango-tango naman ako.
"Sige, mag-ingat ka." Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay lumapit ako ng bahagya sa nilulugaran ni engot.

"Ok na po ba siya?" Tanong ko.

"Yes, she just needs some rest. Masyado ata siyang nagpagod?"

Hindi ako nakasagot sa nurse, hindi napagod si engot. Nasuffocate siya at kagagawan ni Ouen 'yun. Kahit kelan talaga, he's a jinx.

"Baby, ok naman na si Paula. Can you go with me sa house? Please?"

Napalingon naman ako, nandito pa pala si Miley.

"She's still unconcious, maiiwan muna ako dito. Pero kung gusto mo ihahatid nalang kita hanggang sa parking lot?"

Umisding naman siya at sumimangot.
"Paula is already ok, ako hindi. You'll choose that girl over me?" Sabi nito saka pa ngumuso.

"She's my cousin. Kargo namin siya kapag may nangyari sa kaniya."

"Right, cousin."

Hinilot ko ang aking sentido.
"Ihahatid na kita, oo na sasama na ako."

"Nurse, pakibantayan muna po si Pau. Babalik po ako agad." Habilin ko doon sa nurse bago lumabas ng clinic.

"Babalik ka pa? Huwag na. I'll call Ouen nalang para siya ang magbantay. Samahan mo muna ako sa house, pretty please?" Sabi ni Miley at ipinagdikit ang kaniyang dalawang palad.

Napabuntong hininga naman ako. "Sandali lang ako, ok? But don't call that Ouen."

Ngumiti naman siya ng pagkalapad lapad.
"You really can't say no to me." Sabi nito saka pa ako niyakap.
"Nagseselos ka parin ba kay Ouen? Baby, you know that I love you very much." Aniya.

Nagseselos ako kay Ouen? Kanino? Kay Miley o kay Pau? Argh!

"Tara na, naghihintay na ang tito at tita mo."

Habang nasa sasakyan kami, tahimik lamang ako. Samantalang si Miley e may kinakalikot sa phone niya.

"Ok lang talaga sa iyo, hijo? Hindi ka ba naaabala nitong si Miley?" Tanong ni tita Bianca.

"It's fine, tita. Hindi naman po iba si Miley." Sagot ko.

"Aww, that's why I love this man, tita. Hindi siya tumingin sa iba kahit pa noong nasa America tayo." Pagmamalaki ni Miley sa akin.

Sana, hanggang sa huli e kayang kaya kitang ipagmalaki.
Tumigil ang sasakyan sa malaking bahay.

"Come on, dito ka na mag lunch." Nakangiting saad ni tito Bernard.

Pagpasok namin sa bahay e isang malakas na tili ang sumalubong sa amin.
"Aaaaaaah! Noooo, get out! I want my mommy!"

"Erica! Whay are you shouting?!" Suway ni tita Bianca doon sa batang babae.

"Mommy~" tumayo ito sa pagkaka-upo at sinalubong ang kaniyang mga magulang.

"What is my princess' problem?" Tanong naman ni tito Bernard sa bata.

"Yaya is forcing me to eat!" Sagot nito at nagcross arm pa.

Nagtinginan ang mag-asawa. Mukhang may mapapagalitan.

"Erica, you shouldn't do that. That's rude." Sabat naman ni Miley.

"Am I talking to you?" Bara nitong si Erica saka pa umirap.
"I hate you, I hate yaya, I hate food, I hate you all!" Sigaw nito bago pa siya mag walk out.

"Ako na ang bahala sa kaniya. Sige na, kumain na kayo." Sabi ni tito Bernard saka na sinundan ang kaniyang anak.
"Erica!"

Umupo si tita Bianca sa sofa at dumapo ang kaniyang palad sa kaniyang noo.

"That Erica is really pain in the ass." Sabi ni Miley at sinundan pa iyon ng pag-ikot ng kaniyang mga mata.

"Lahat naman ng mga ganiyang edad e ganiyan umakto. For now, siguro hindi pa niya alam ang salitang maturity." Sabi ko.

"You are right, hijo. Siguro kung hindi ako naging pabayang ina, may anak na akong matured. Sigurado akong kasama niyo rin siya ngayon kung nagkataon. Napaka bait at napaka bibo kasi ng anak kong iyon." Mapaklang napangiti si tita Bianca.

"Nasaan po ba siya?" Tanong ko.

Hindi kaya nag adik 'yun at pinarehab nila kaya sinasabi niyang naging pabaya siya?

"I don't know, pero ang alam ko e buhay pa siya. We are still searching for my Sam." Punong puno ng kalungkutan ang kaniyang mga mata.

Sam? Parang narinig ko na ang pangalan na iyon. Hindi ko lang alam kung saan.

"Ano ba yan, masyado na tayong nagiging seryoso dito. Kumain na tayo, baka mamiss ko pa bigla si Sam." Singit ni Miley saka na ako hinila.

Sa harap ng hapag kainan nagpatuloy ang aming kwentuhan.
Hindi kasi sumabay sa amin si tita Bianca dahil sasabayan nalang daw niya ang kaniyang anak at ang kaniyang asawa.

"Gusto ko mang maka dinner date ang mga magulang mo, ngunit may hindi pagkakaintindihan ang tito Bernard mo at si Mr. Cha." - tita Bianca

"Pwede pa namang maayos iyon 'di ba, Mark?" Si Miley.

"I guess." Mahina kong sagot.

"And oo nga pala, may sakit ang daddy mo. Siguro this week e madalaw namin siya at makapagsorry na rin." Sabi ni tita Bianca.

"Ano po ba ang nangyari?" Tanong ko

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon