Do you ship Ouen and Pau? (Media)
PauEn o PauRad? Lol hahaha sounds jejemon eh?ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Brad's POV
Isang linggo na ang nakalipas, at alam ko na kung ano ang desisyon ko sa dalawang babaeng gumugulo sa utak ko.
"May sasabihin ako sa'yo mamaya, kaya kung may balak ka mang ibang gawin icancel mo na." Seryoso kong sabi sa kaniya.
We are on our way to school, at alam kong ilang beses ko na siyang nakita sa school uniform niya pero... heto nanaman ang puso ko, excited nanaman.
"Pwede mo namang sabihin na ngayon. Ano bang pinagkaiba ng mamaya at ngayon?" Sabi niya.
"Spelling." Sagot ko naman.
"Toothpick ka talaga kahit kelan." Sabi nito saka pa niya ako inirapan.
Natuwa naman ako sa inasal niya kaya ginulo ko ang buhok nito.
--pagkatapos naming mag lunch ni Miley, inaya ko siya sa rooftop ng SHS building.
Nauuna ako sakaniyang maglakad kaya naman humabol siya at sumabit sa aking braso."My boy friend is really romantic." Aniya pagkatungtong namin sa pinakamataas na bahagi ng building.
"Look oh, ang ganda pala ng view from here." Sabi pa niya at lumapit sa edge ng rooftop.
"Miley, let's talk."
With that words, lumingon siya sa kinatatayuan ko at nakangiting lumapit sa akin.
Nang makalapit na siya sa akin, saka na ako nagsalita."Let's have a break. Take kitkat."
(CHAROOOOT LANG HAHAHA HETO NA TALAGA LEGIT NA 'TO.)
"Miley, I think I was fall out of love."
Paula's POV
Nakita ko si Brad at Miley na naglalakad papunta sa building nina Ouen.
Para bang may sariling utak ang aking mga paa kaya sinundan ko sila hanggang sa tuktok ng building.Nagdalawang isip ako kung sisilip ba ako kung anong pinag-uusapan o ginagawa nila.
Naalala ko tuloy kanina 'yung sinabi ni Brad. May sasabihin daw siya sa akin, hindi kaya sasabihin na niya na ako ang pipiliin niya at hihiwalayan na niya si Miley?
O baka naman ako ang hindi niya pipiliin?
T-teka, ano namang pake ko kung hindi niya ako piliin? Psh, hindi ko naman siya pinapapili.
Pero bakit nafefeel ko na gusto kong marinig na ako ang gusto niya at hindi na si Miley? Hays! Ano ba 'yaaaan!
Bahagya kong binuksan ang pinto, 'yung saktong maririnig at makikita ko sila.
Pero sa ginawa kong ito, nagsisi ako kung bakit ko pa sila sinundan, kung bakit ko pa sila pinakinggan sa usapan nila."I'm sorry, I will always be at your side. I promise." Sabi ni Brad at niyakap ang umiiyak na si Miley.
Ibig sabihin, siya ang pinili niya. Sus, edi siya! Kala mo talaga may pake ako. Sus!
Mabagal akong naglalakad pababa ng hagdan. Wala ng tao sa hallway. Haay.
"Hey, Paula!" Tawag ni Ouen sa akin.Kaagad akong lumingon at ngumiti.
Ngiti na halatang peke talaga."Are you ok?" Tanong nito sa akin.
Nakangiti parin ako ngunit nagtutubig na ang mga mata ko.
Lumapit siya sa akin at dumapo ang kaniyang mga kamay sa aking balikat.
BINABASA MO ANG
Alipin with Benefits
Roman pour AdolescentsThe story behind Sammuel Laxa Santos. Malalaman kaya niya ang kaniyang nakaraan? Magiging masaya kaya ang buhay niya? Mark Brad Cha, are you Sammuel Santos? ----- Kung naguguluhan ka, basahin mo ang istorya ng kaniyang mga magulang: Seducing the sed...