Kabanata 5

1.8K 37 4
                                    

Walang humpay kong pinaghahampas ang pinto nang makarinig ako ng boses.

"Is anybody there?"

Kahit na hindi ko naintindihan iyong sinabi niya ay sumagot na ako.

"Tulungan po ninyo ako. Hindi po ako makalabas." Pagmamaka-awa ko.

Hindi naman siya sumagot at naramdaman ko ang pagpihit niya ng hawakan ng pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas iyon.

'yung Ouen 'to ah.

"Taga bundok ka ba? Wala bang pintuan sainyo?" tanong niya.

Sa aking palagay ay pang-asar iyon ngunit ang boses niya'y parang seryoso siya sa sinasabi niya.

"Hindi ako taga-bundok 'no! Ahm, malapit lang dun." Sagot ko.

"saka, may pintuan kami. Hindi ko lang alam na patulak pala ito at hindi pahila."

Tumawa naman siya bigla.

"Bakit nandiyan ka ba?" tanong naman siya sa akin.

"Eh, ang sabi sa akin ni Brad dito ko daw siya hintayin." sagot ko naman sa kaniya.

"Boy friend mo si Brad? Bakit diyan? E, under maintenance 'yan." Sabi nito sa akin at sumilip pa sa loob.

"Anong under maintenance? Hindi ko siya boy friend 'no." sabi ko at umirap pa.

Medyo ngumiwi naman siya.

"Halatang hindi ka nga niya, girl friend. Hindi ang tulad mo ang tipo niya. And about the under maintenance, nevermind." Sagot naman niya sa akin na parang natatawa.

May nakakatawa ba dun sa sinabi ko? Saka, sa sinabi niya parang minamaliit niya ang beauty ko. Hmp!

"Hoy, what have I told you? 'Di ba ang sabi ko, stay inside?"

Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita. Si Brad pala. Kung kanina ay halos hubad na siya, ngayon naman ay bihis na bihis na siya.

Aba, sira ulo pala ito e.

"Hoy Brad, muntik na akong atakihin doon sa loob ano! Anong inside inside! Ikaw kaya maiwan mag-isa sa kwarto na patay sindi ang ilaw?!" singhal ko.

Nanlisik naman ang kaniyang mga mata sa akin.

"Are you shouting at me? Oh, I forgot that you actually don't understand English. Sinisigawan mo ba ako?" sabi nito sa akin.

Napatikhim naman ako at umiling.

"H-hindi. Ano ka ba, nagpapaliwanag lang ako."

"Ang harsh mo naman, pre. Sino ba siya? I mean, ano mo ba siya?" tanong naman ni Ouen sa kaniya.

"Don't call me pare, hindi tayo close. Wala kang pakealam sa buhay ko kaya huwag kang magtanong." Sagot naman nitong si Brad at hinatak na ako paalis.

Nang makasakay na kami sa kotse ay napansin ko ang pasa sa kaniyang mukha.

"Huy! Ano 'yan ha? Bakit may pasa ka?" tanong ko.

Nag 'tsk' naman siya at umirap.

"Wala." Maikli niyang sagot.

"Aba, kailangan kong malaman 'no! Baka ako pagalitan ng mga magulang mo kapag nakita nilang may pasa at mga sugat ka. Baka akala niya minomolestiya kita." Sabi ko at hinawakan ang kaniyang panga.

"Don't touch me! Ibabangga ko ito if you did that again! Sanay na sila sa akin kaya you don't have to be worried." Singhal niya sa akin.

"Nag-aalala lang ako sa sarili ko at hindi sa'yo no!" sabi ko naman at inirapan na din siya.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon