"Pakinggan mo muna ako." -Brad
Ang tono ng boses niya ay punong puno ng sinseridad. Talaga namang napaka seryoso nito.
Tumahimik ako at mataman siyang tinitigan."Hindi ko na kasi kinakaya 'tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa pagmumukha mo kanina, naiinis ako pero ayokong tigilan na titigan ka."
Biglang nawala ang dila ko, feeling ko e naniningkit ang aking mga mata.
"Kailangan ko pa bang iexplain sa'yo word by word? K-kailangan bang may gawin ako para maintindihan mo na talaga?"
And finally, I found my tounge.
"A-ano bang sinasabi mo? Kung gusto mong iexplain bawat salitang babanggitin mo, edi gawin mo." Sabi ko saka umiwas ng tingin.He chuckled at lumapit siya sa akin kaya naman napa atras ako.
"H-hoy, mang mamaniac ka nanaman!" Suway ko sa napaka pilyo niyang kilos.
Dumikit na ako sa pintuan ng cubicle samantalang siya ay palapit parin siya ng palapit.
Hanggang sa bumukas ito at nakulong ako sa cubicle na kasama siya.Pumikit siya ng mariin, pagkatapos ay tinitigan niya ako.
"Alam mo bang muntik na kitang halikan kanina? But because those load of idiots know that we are cousins, pinigilan ko ang sarili ko." Sabi nito sa akin.
Napayuko ako at pilit na isinisiksik sa katiting kong utak ang mga pinagsasabi niya.
Bakit ba sa lahat ng taong magkakagusto sa akin e siya pa?Sasabog na yata ang puso any minute sa sobrang kaba.
"I think, I like you. I like you for the very first time I saw you."
Napatingala ako sa kaniyang sinabi.
"H-ha?""Gusto kita, nagustuhan kita mula pa noong una kitang makita."
Inirapan ko naman siya.
"Hindi mo naman kailangang itranslate dahil naiintindihan ko. Ang ibig kong sabihin doon sa "Ha?" ko e paano nangyari iyon? Noong una mo akong makita, nasa poso ako at naliligo at..." natigilan ako sa aking sinasabi saka pa siya sinamaan ng tingin."Huwag mong sabihing naakit ka sa sexy body ko nun?" Pagpapatuloy ko.
Hindi ko alam kung bakit natawa siya.
"Of course not. Bigla mo kasi akong nginitian noon, tanda mo?""Sus, e inirapan mo nga noon ako e." Sabi ko naman.
"Yes, ginawa ko iyon. Gusto ko kasing kainisan mo ako, until now. Ayokong magpakita ka ng maganda sa akin na maging dahilan para mahulog ako lalo. Kaya, lagi kitang binubwisit. Kaso..."
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Kaso?""Kaso, makulit ka e. You always care for me. You always make me feel that I have to be concern to you. Everytime na nasa kotse tayo, you add spice on my boring life." Saka pa siya ngumiti.
"Ayaw mo nga na salita ako ng salita 'di ba?" Pabebs kuno.
"Kasi you make me feel excited, sa bawat ikukwento mo ay mas lalo akong nagiging interesado sa'yo that is why I am commanding you to shut up." Sagot niya.
Sandali siyang tumahimik at umiwas ng tingin.
"Pero si Miley..."Napabuga siya ng malalim na hininga.
"Truth is, I don't know if I still love her.""Hindi ka pa sigurado, kaya hindi muna ako aasa sa'yo. Saka, hindi ako gusto ng mama mo para sa'yo. Hamak na katulong niyo lang naman ako kaya malabong maging posible na magkagustuhan tayo sa isa't-isa."
Totoo naman diba? Sino ba naman ako? Wala ako na kahit anong maipagmamalaki. Ay meron pala ang hinaharap ko, choooos~
"That doesn't matter. Bigyan mo ako ng one week para identify itong nararamdaman ko. One more week, hihiwalayan ko si Miley for you."
Napaiwas ako ng tingin. 'yung kaba ko e sobrang kakaiba na. Hindi na yata ito kaba. Hindi rin ito nerbyos.
Nag-uumpisa ito sa letrang "K""K-kinikilig ako." Wala sa sarili kong nausal.
Ngumiti si Brad at pinitik ang noo ko.
"Napaka open mo naman sa nararamdaman mo." Natatawa niyang sambit."At least alam mong hindi ako manhid." Pagmamalaki ko pa, 'yung itsura ko talaga na akala mo e naging top 1 ako sa klase.
"Buti naman at hindi ka manhid." Sabi niya at saka pa inilapit ang kaniyang mukha sa akin.
Konting konti nalang dadampi na ang labi niya sa labi ko.
"A-ahm, nasabi mo naman na lahat ng gusto mong sabihin diba? Kaya, bye."Sinubukan kong tumakas mula sa maliit na espasyong kinatatayuan namin pero mas lalo itong naghamon.
Hinigit niya ang aking braso at tuluyan na akong isinandal sa pader.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, ni hindi nga ako makakurap dahil sobrang lapit ng kaniyang mukha.Sumilay ang ngiting hindi ko inaasahan sa kaniyang labi at hindi ko rin inaasahan na hahalikan talaga niya ako.
Napapikit ako nang maramdaman ko na ang mainit niyang labi.Sandali lang iyon kaya kaagad akong dumilat. Habol ang aking hininga sa sobrang kaba.
"Para kang troso, hindi ka man lang marunong gumanti sa halik ko."Sinamaan ko naman siya ng tingin. Sasagot na sana ako nang marinig namin ang nagsisidatingang mga kalalakihan sa locker room. Paktay!
"Grabe, nakaraos din tayo sa ballroom ballroom na 'yun." Sabi ng paparating.
Kaagad kaming lumabas ni Brad doon sa cubicle at lalong kumabog ng pagkabilis bilis ang aking puso nang madatnan namin si Ouen na nangunguna sa pagdating.
"Oh, anong ginagawa niyo diyan?" Tanong niya nang makita niya kami ni Brad.
"Ah, eh a-ano... pinagalitan ko kasi itong si Brad. Hindi niya tinapos 'yung... 'yung sayaw." Rason ko.
Pagkatango ni Ouen ay saka na niya ako hinatak patungo sa harapan ng mga pahabang locker.
"A-anong gagawin ko? B-baka...--"
"Pumasok ka, wala namang laman 'yang locker ko." Putol nito sa akin.
"Paula, pumasok ka na." Sabat ni Brad.
Wala naman na akong ibang choice kung hindi pumasok doon.
Pinagkasya ko ang sarili ko sa loob nito. Jusko Lord, ano nanaman bang katangahan 'to? Mukha akong tanga na nakabaluktot dito."Uy, pres! Ano? Anong grade namin sa ballroom?" Rinig ko ang mga usapan doon sa labas.
Grabe, hindi na ako makahinga sa sobrang liit ng espasyo dito at sobrang liit din ng butas kung saan pumapasok ang hangin.
"Mamaya sasabihin ko sa inyo." Sigurado akong si Ouen 'yun.
Umiikot ang paningin ko. Feeling ko ay mawawalan ako ng malay dito. Wala na akong malanghap na hangin.
Sinalo ko ang aking dibdib at marahas na napasandal.ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
BINABASA MO ANG
Alipin with Benefits
Teen FictionThe story behind Sammuel Laxa Santos. Malalaman kaya niya ang kaniyang nakaraan? Magiging masaya kaya ang buhay niya? Mark Brad Cha, are you Sammuel Santos? ----- Kung naguguluhan ka, basahin mo ang istorya ng kaniyang mga magulang: Seducing the sed...