Ngumiwi ito bago ako saguting muli.
"Bianca is your mother. I am your dad."Bumibilis ang pintig ng aking puso. Bakit niya ito sinasabi? Bakit ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo?
"Brad! Brad!"
Mabilis akong lumingon nang marinig ko ang boses ni eomma."Brad, I am your mom. This is me."
Ilang saglit lamang ay naramdaman ko na parang palubog ako sa tubig.
"Sam!" Sigaw ni tito Bernard.
Pilit kong inaabot ang kaniyang kamay ngunit nawawalan ako ng lakas. Tuluyan na akong kinain ng tubig, ipinikit ko ang aking mga mata.
"BRAD!"
Ikinagulat ko ang napakalakas na boses kaya ako napamulat.Tumambad sa aking harapan si Paula na may hawak na timba at eomma na alalang alala.
Hingal na hingal akong nakatingin sa kanila."My goodness, Brad! Wait for me, I'll call Dr. Zuniga." Sabi ni eomma at lumabad ng kwarto ko.
Inilipat ko ang aking tingin kay engot. Hindi siya kumikibo at nanginginig ang mga kamay.
"Nag-alala ka ba?" Tanong ko.
"Ano pa nga ba, ha? Ano bang nangyayare sa'yo at lagi kang binabangungot? Nakadalawang timba na kami ng tubig hindi ka parin nagigising, muntik ko na ngang ihampas itong mismong timba sa'yo para magising ka e." Sabi niya at sa aking palagay e malapit na siyang maiyak.
Napangiti ako kasabay ng aking pagbangon. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinisil pisil ito.
"Edi sana hinampas mo para nagising ako kaagad." Natatawa kong sabi.
"Buti nalang at naisipan kang icheck ni ma'am Elise. Bakit ka umiiyak at laging humihingi ng tulog? Sino bang napapanaginipan mo?" Tanong niya.
Ilang segundo akong nanahimik. Si tito Bernard at tita Bianca, sinasabi ng panaginip ko na sila ang mga magulang ko.
"Si tito Bernard, 'yung guardian ni Miley. Siya ang nasa panaginip ko." Mahina kong sagot.
"B-bernard?"
Tumingin ako sa kaniya at tumango.
"Napanaginipan ko siya, hindi ko alam kung bakit kami nasa dagat at mukhang may aksidenteng nangyari. But the shocking part is, sinabi niya na siya ang daddy ko at mommy ko ang asawa niya." Pahayag ko.Napaawang ang kaniyang labi.
"B-brad, totoo niyan narinig ko ang mama at papa mo na..--""Brad, Dr. Zuniga is here. Paula, lumabas ka muna." Biglang eksena ni eomma.
"Let's talk later." Sabi ko at binitiwan na ang kaniyang kamay.
Lumabas naman si Pau sa kwarto ko at ang tanging natira lamang na kasama ko ay si eomma at si Dr. Zuniga.
"I don't need Dr. Zuniga." Kaagad kong saad.
"But you are always like that, anak. Maybe you should undergo into a psychological treatment." Sabi ni eomma.
"I am not depressed, stress or what do you call it and for the record I am not crazy. Paalisin mo na siya." Utos ko.
"But, Brad...--"
"Please, ikaw ang gusto kong makausap eomma, hindi ang doctor na iyan." I said.
Tumingin si eomma kay Dr. Zuniga at tumango hudyat na maaari na itong umalis.
Paglabas na paglabas nito e mataman kong tinitigan si eomma."What's wrong?" Tanong nito sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Eomma, tell me about my childhood." Sabi ko habang nakatungo.
"Well, we raised you a very good boy. You are the most precious son I had compare to...--" bigla siyang natigilan.
"I am not asking how good I am. And what did you say? The most precious son you had compare to whom? Hindi lang ba ako ang anak niyo ni appa? May kapatid ba ako sa labas? Anak niyo ba talaga ako?" Sunod sunod kong tanong.
"Brad, what are you talking about? Alam mo, epekto lang iyan ng napanaginipan mo." Sabi ni eomma at hinahaplos haplos ang aking noo.
"That's the point, epekto ng panaginip ko. Lagi ko silang napapanaginipan, same scenario same person. Nawalan ba ako ng memorya kaya ba wala akong maalala sa childhood days ko?"
Napapikit ng mariin si eomma.
"I've told you nth times, you are traumatized about the plane crash that's why you don't remember anything." Paliwanag nito."How can you explain tito Bernard and tita Bianca who always appear whenever I am dreaming about that plane crash?" Mabilis ko itong sinagot at hindi ko naiwasang magbuhos ng gabutil na luha.
Ilang segundong natahimik si eomma. Umiiling ito at walang sawa na humahaplos sa aking pisngi.
"Listen to me, ok? Listen to me, anak. That makes no sense, panaginip lang 'yun and maybe...--"
"Maybe what? Eomma, thirteen years na akong nagkakaroon ng ganoong panaginip. Maybe because I really have a connection with them. I heard that their son was lost the same age with me."
"That does not mean na ikaw 'yung nawawala nilang anak!" Sigaw niya sa akin.
"Pero bakit lagi sila ang napapanaginipan ko!? Hindi lang 'yung plane crash scene, different places with tita Bianca and I even call her mom. How can you explain that thing to me?" Tanong ko.
Umiiling lamang ito at hindi sumasagot.
"What now, mom? Kinuha mo lang ba ako sa kanila? Hindi niyo ako tunay na anak? Tell me!" Sigaw ko.
"No! I am your mom, your only mom! Sa akin ka nanggaling! Not that Bianca, not to anyone, sa akin lang!" She shouted.
Tumango ako. "Ok fine, let's put it in this way. Conduct a DNA test of tita Bianca, tito Bernard and me. If the result is negative, I will dump my thoughts." Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay kaagad akong bumangon at lumabas ng bahay.
Sumakay ako sa kotse ko at kaagad na pinaharurot patungo sa bahay nina Miley where tita Bianca stay. Kahit na naka pantulog at basang basa ako, wala akong oras na sinayang, makapunta lamang sa kanila.
Pagdating ko doon ay kaagad akong sinalubong ni Miley, halatang kabisado niya ang tunog ng aking sasakyan."I knew it, hindi mo ako matitiis." Miley said.
Akmang yayakapin ako nito ngunit nilagpasan ko lamang siya."Where's your tita Bianca? Si tito Bernard mo?" Tanong ko pagkapasok ko sa kanilang bahay.
"Why are you looking for me?"
Ang boses na iyon ang gumawa ng paraan upang kumilos ng kusa ang aking dalawang paa.
Wala akong sinayang na oras, niyakap ko si tita Bianca. As if I am feeling my own mother's warm love, hug, caress, name it."May problema ba, hijo?" Tanong nito at inalo ang aking likuran.
Hindi ako nakasagot dahil pinangunahan ako ng aking iyak.
Kaya pala excited akong yakapin siya noong una ko palamang siyang makita.
Kaya pala iba ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko silang dalawa ni tito Bernard. Ito ba ang tinatawag na lukso ng dugo?"Mommy." Tawag ko sa kaniya at lalong hinigpitan ang aking yakap.
BINABASA MO ANG
Alipin with Benefits
Teen FictionThe story behind Sammuel Laxa Santos. Malalaman kaya niya ang kaniyang nakaraan? Magiging masaya kaya ang buhay niya? Mark Brad Cha, are you Sammuel Santos? ----- Kung naguguluhan ka, basahin mo ang istorya ng kaniyang mga magulang: Seducing the sed...