1.1

213 4 0
                                    

"I don't and I assure you that I won't have any emotional attachment sa kahit na kanino po sa kanila."

Sagot ko nalang para matapos na itong interview na mukhang interrogation naman talaga.

Mukhang talent talaga ito ni Dean, ang manindak ng mga estudyante.

"You don't and you won't? How sure are you Miss Cawawa?"

Naaamoy ko talaga ang sarcasm mula sa tono ng pananalita niya.

Kating-kati na akong sabihing "Awat na po Dean, kung ayaw mo po sige na lang."

Pero wag, hindi pwede, magagalit si Sir J. Nakaconfine na nga siya ospital dahil sa aksidente tapos dadagdagan ko pa ng stress niya.

"Sigurado po ako Dean dahil.."

Parang biglang nakagat ko ang dila ko.

"Because?" Napakaimpatient naman ata ni Dean. Tsk.

"Dahil may iba po akong gusto. I'm committed to him kahit na wala po kami sa isang relasyon. Kung hindi po talaga ako qualified Dean pasensya na po."

"Ikaw lang naman ang nakaassign na student assistant ni Mister J kaya I have no choice."

Waaaw. She has no choice. Tss. Sana pala hindi ko nalang pinatulan ang mga tanong niya.

"Andito na si kambal!" Sigaw ni Kuya MX nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Hindi kami kambal, siya lang ang nagpupumulit, hindi nga kami magkadugo eh.

Panibagong interview na naman ang napagdaanan ko habang kumakain ng hapunan. Nabalitaan daw pala kasi ni Kuya MV na pinatawag ako ni Dean, akala nga daw nila may nagawa akong kalokohan. Asa.

Nang malaman nilang ako ang temporary substitute coach ni Sir J natuwa naman sina Kuya MV at Kuya MF yun nga lang naginarte si Kuya MX dahil baka ako pa daw ang maging dahilan ng pagkatalo ng The Kings, ang official basketball team ng school.

Dahil nga supportive na Kuya sina Kuya MV at Kuya MF, pinilit nila akong tumambay sa kusina at doon magreview ng mga rules sa basketball habang naghuhugas ng pinggan si Kuya MX.

Kawawang Kuya MX, kanina pa gustong sumali sa usapan namin pero hindi siya pinapasingit nina Kuya MF.

"Hala!" Napatingin naman agad silang tatlo sa akin dahil sa pagsigaw ko bigla.

"Anong oras na! Hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ko sa kanila.

"Kaileng, boses mo abot sa kabilang subdivision." Saway ni Kuya MF bago niya ipinagpatuloy ang pagtatype ng reaction paper niya ata.

"Pumunta ka na sa kwarto mo Kailengleng dahil gabi na, wag nang magpuyat." Dagdag pa uli ni Kuya MV.

"Ayan ka na naman sa Kailengleng mo Kuya eh!" Pagrereklamo ko.

Ayaw daw kasi niya na pareho sila ni Kuya MF ng tawag sa akin, maarti eh, pero mas malala pa rin ang kaartihan ni Kuya MX.

Ginulo naman ng katabi ko dito sa sahig ang buhok ko at tinulak tulak niya pa talaga ako habang nagaayos ng gamit.

"Bagal mo kumilos kambal, alis na."

Sinuntok ko nalang ng malakas ang braso ng katabi kong si Kuya MX.

"Inaano ka ba!" Sigaw ko sa kanya pero ang maarti tatawa-tawa lang.

Ngayon ko ipapakilala ang sarili ko sa players ng The Kings bilang substitute coach nila. Oo, ako lang ang magpapakilala sa sarili ko dahil kayang-kaya ko na daw yun sabi ni Dean.

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon at talagang kinakabahan ako. Wala kasi akong kakilala sa kahit sino sa kanila dahil nga new set of players sila para sa tournament this year. Taon taon kasi nagbabago ng set of players ang The Kings dahil sa hindi ko alam na dahilan.

Kanina ko pa paulit-ulit na iniisip at pilit na iniintindi ang sinabi ni Kuya MX.

"You should not expect that they will be nice to you kambal. Earn their respect first. Wag mong kakalimutan na lalaki sila kambal, you know how great our ego is."

Boys are not new to me anymore. Waaaw. I englished. Pero kahit anong mangyari kailangan kong tuparin ang binitawan kong pangako kay Sir J.

Habang nakahawak ng mahigpit sa string ng paborito kong drawstring bag, pumasok na ako sa loob ng gym.

Laking gulat ko nang maabutan ko silang lahat sa loob. Nagkalat sila sa bleachers. Hindi sila magkakatabi, hindi din parepareho ang ginagawa nila. Mukhang inaaasahan talaga ang pagdating ng substitute ni Sir J.

A.K.A Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon