1.6

57 2 0
                                    

Hanggang ngayon may hangover pa ako sa sermon na inabot ko sa mga Kuya kaya lutang pa rin ako.

"Hoy babaeng coach!"

Pakiramdam ko biglang bumalik ako sa mundo ng mga tao dahil sa pagsigaw ni man bun na si Delos Santos nga pala.

"Kailangan mo ba ng tubig Delos Santos?" Mahinahong tanong ko dahil hindi ko talaga kayang sabayan ang pagiging suplado niya ngayon.

"Tss. Bahala ka na nga diyan." Sabi niya bago naglakad paalis sa pwesto ko pero tumigil pa siya para sabihing "Bahala ka din kapag natalo kami sa tournament." At nagbanta pa talaga siya.

Tumango nalang ako sa kanya para matapos na at para makabalik na siya sa court.

Napansin kong pumwesto na sina gatorade na Cruz pala ang surname, Laneda, Pe, Fajura, at Ynahe sa perimeter. Magpapractice na naman sila ng three point shooting.

Unang nagshoot ng bola si Cruz dahil siya ang nasa pinakadulo. Pumwesto naman siya sa bandang gitna pagkashoot niya kanina sa gilid para doon na naman magshoot pero dahil hindi pumasok sa ring ang bola si Laneda na naman ngayon ang magshooshoot ng bola.

Paulit ulit lang na ganoon ang gagawin nilang lima. Kapag naperfect ng kahit sino sa kanila ang tatlong tres mula sa iba't ibang pwesto gagapang ang apat na loko sa pagitan ng legs niya habang nakabend siya para mas mababa, yun ay kung naperfect niya.

Pero kapag hindi niya naperfect ang tatlong tres na tira ibibigay na ang bola sa kasunod niya.

"Ganyan ka ba talaga kapag broken hearted ka?"

Dahil nga lutang at tulala ako sa mga naglalaro hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si kapitan, kaya pala.

"Akala ko po ba capt labas ang personal na buhay tuwing practice at laro?" Balik na tanong ko sa kanya.

Alangan namang isalaysay ko pa sa kanya na mild pa lang ito kumpara sa nangyari sa akin noong siya ang

"Exactly. Pero bakit ka nagkakaganyan? Is it because Jasper and--"

"Wala silang kinalaman sa pagiging lutang ko ngayong umaga. Puyat ako okay? Wala pa po akong tulog at matinong kain capt. Kaya please lang?"

Magkatitigan lang kami ni kapitan dahil walang gustong bumitaw sa aming dalawa.

Tss. Utot niya. Bumitaw ka na kaya noon, wala ng magbabago kung may take two pa.

"Babaeng coach oh."

Tumingin na sa iba si kapitan kaya nilingon ko si Buenafloria.

"Ikaw? Pano ka?"

Tanong ko dahil nga ibinibigay niya na sa akin ang burger niya samantalang sa pagkakatanda ko paboritong pagkain niya ang burger.

"Sige na babaeng coach, kainin mo na yan." Sumingit na naman po si Dizon.

"Oo nga, pakipot pa. Tss." Isa pa itong si Delos Santos.

"Oh? May sasabihin ka din kapitan?" Siya nalang kasi ang walang reaksyon dahil si Buenafloria at Gomez ngumiti at tumawa na.

"Umayos ka diyan."

Kahit kelan ka talaga! Umayos mo mukha mo!

Ikaw din Mira! Ayusin mo yang puso mong nagmamalfunction na dahil sa maraming beses na pagkahulog.

A.K.A Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon