1.4

66 3 0
                                    

Dumiretso na ako dito sa locker room pagkatapos kong ayusin ang lahat ng ginamit namin kanina sa practice.

Napalingon ako sa pintuan ng locker room nang biglang gumawa ito ng ingay, ibig sabihin merong nagbukas o merong papasok.

"El--Captain? Ikaw pala." Ngumiti lang ako sa kanya tapos ibinalik ko din ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko.

Sinusubukan ko namang wag magpaapekto sa kanya pero wala eh.

"Kai.." Bulong niya sa bandang likuran ko.

"Capt kung may sasabihin ka--"

"Bakit ka ba nagkakaganyan?" Mahinahong tanong niya habang nakatayo pa rin sa bandang likuran ko.

Dahil nga tapos na ako sa ginagawa kong pagaayos, hinarap ko na siya para matapos na.

"Panong nagkakaganyan Capt?"

Ano bang problema namin? Mali, mali. Siya lang pala ang may problema.

"What is happening to you Mira!" Medyo tumaas na ang tono ng boses niya pagkasabi niya nun.

"Capt.." Napahawak pa ako sa sentido ko dahil pinapasakit niya ang ulo ko.

"Do you think wala akong alam sa mga pinaggagagawa mo?!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Anong mga pinaggagagawa? Wala naman akong ginagawang masama o labag sa batas!

"Ugh!"

Hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan ng frustration niya. Baka meron lang silang away ni Claire ngayon kaya ako ang napaglalabasan niya ng sama ng loob.

"Capt, diretsahin mo nalang po ako."

"Who is Jasper for you?"

Is he? No. Teka.

"Jasper? Bakit? Anong meron sa kanya Capt?"

"Who is he for you?!"

"Bakit ka ba nagagalit diyan! Capt naman. Gusto ko si Jasper! Okay na? Pwede na ba akong umalis?!"

"Gusto mo siya." Parang hindi pa siya makapaniwala na nasabi ko iyon.

Bakit? Bawal ba?

"Kaya ka pumapayag na gawin kang rebound Mira? Yun ba yun?!"

Ayan na naman tayo sa rebound rebound na yan eh.

"Bakit Capt? Wala naman akong nasasagasaang tao ah? Single naman siya! Kung rebound niya man ako, edi rebound na! Pambihira!"

Ano bang pakealam niya sa akin? Ano pa ba ang relasyon namin?

"Mira masasaktan ka lang sa huli. I know Jas--"

"Wala ng bago doon Capt. Mula noon pa naman lagi na akong nasasaktan sa dulo kahit na ginawa ko naman ang lahat para gustuhin din ako ng taong mahal ko."

Yun na ang huli kong sinabi bago ako nagmamadaling umalis sa kwartong iyon para pumunta na sa klase ko.

Bakit nasasaktan pa rin ako? Kausap at kaharap ko lang naman siya kanina pero bakit ang sakit niya sa puso at utak?

Ilang araw ng hindi nagrereply si Jas sa mga text at chat ko. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Kamusta na kaya siya?

Medyo excited akong pumasok ngayon dahil nga magkaklase at magkatabi kami ni Jas sa klaseng ito.

Wala naman sana akong pakealam kahit na sabihin pa nilang ang babaw ko dahil pumapayag akong gawing rebound lang, pumapayag akong maging panakip butas lang. Pero iba na kasi ang usapan kapag sobra sobra nang ipinamukha pa yun sayo.

A.K.A Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon