1.2

117 3 0
                                    

Umubo ako ng peke para naman mapansin nilang may ibang tao na dito sa gym.

"Ayan na ata siya Capt." Sabi nang lalaking may glasses.

Bakit siya nakasalamin? Hindi ba siya nahihirapan kapag naglalaro?

"Ikaw ba ang sub-coach ni Sir J?" Tanong ni Eleazar sa akin habang bumababa.

Akala ko wala akong kakilala sa sino man sa kanila pero nagkamali ako. Ang liit nga naman talagang mundo oo.

Tumango nalang ako sa kanya dahil baka pumiyok pa bigla ang boses ko kapag nagsalita ako.

"Siya si Cawawa?" Tanong naman ng lalaking kasalukuyang nagbubukas ng gatorade kay Eleazar.

Tumango lang naman ang loko, gaya gaya.

"Cawawa nga talaga siya." Bulong ng isa pang lalaking bumababa din mula sa pwesto niya.

Sa isang iglap biglang napunta nalang silang lahat sa harap ko. Prenteng nakaupo sila sa posisyon na komportable sila samantalang ako ay nasa gitna nilang lahat, kinakabahan at hawak hawak parin ang string ng bag.

"Talk." Utos ng kapitan.

"Ano bang gusto niyong sabihin ko?" Sagot ko dahil malay ko ba sa dapat kong sabihin.

"Ang panget mo." Sabi ng naka-man bun ang buhok kaya inulit ko ang sinabi niya.

"Ang panget mo." Seryosong sabi ko pa, masunurin ako eh bakit ba.

May ibang natawa tapos meron din namang nagtaas ng kilay. Taray!

"Umayos na tayo, kayo. Sige na Mir--Miss Cawawa, introduce yourself." Pag-awat ng kapitan.

Ahh. So dapat pala hu u kami sa isa't-isa, okay. Madali naman akong kausap.

"My name is Mira Kaileen Cawawa--"

"Ayy akala ko panget ang pangalan mo." Sabat ng lalaking may maliit na silver earrings sa kaliwang tenga niya na hindi nakalampas sa mata ko.

"Akala ko din eh." Simpleng sagot ko bago ko itinuloy ang kung ano mang sinasabi ko kanina.

"As I was saying, may name is Mira Kaileen Cawawa. MK, Mira, Kaileen ang tawag ng marami sa akin.." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata ni Eleazar.

"As my gratis work, S.A ako ni Sir J kaya ako nandito."

Alam ko namang hindi sila interesado sa kung anumang lalabas sa bibig ko kaya wala na akong idinagdag pa.

"Any questions?" Tanong naman ni Eleazar.

"Tara na Cap, magpractice na tayo." Sabi ni man bun.

"O dismissal na?" Excited na sabi naman ni glasses.

Saka ko na tatandaan ang mga pangalan nila kapag nakuha ko na sa Sports Committee mamya.

"You're dismissed." Simpleng sagot ni kapitan.

"No you're not." Matigas na sabi ko. "Vacant niyong lahat ngayon at schedule ng practice niyo.."

"Pakealam mo?"

"Lalaking silver earrings baka nakakalimutan mong parte na rin ako ng team na ito?"

"Do I look like I care?" Sagot niya nang makalapit siya sa akin.

"You don't." Tinulak ko ang dibdib niya kaya napaatras siya ng konti.

"Ano bang alam mo sa pagcocoach Cawawa?" Tanong ni man bun.

"Baka naman isa ka lang sa mga babaeng ginagawang pampaganda ang basketball?" Pag-aakusa naman ng isa pang lalaki.

"Kayo ba? Hindi niyo ba--Nevermind. Malay ko sa pagcocoach." Pag-amin ko.

A.K.A Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon