1.8

60 3 0
                                    

Moment with Kapitan.

Naputol ang pananahimik ko dito sa bleachers habang nakikinig ng Milagro ni Jason Dy dahil sa nilalang na bigla biglang nagpractice ng lay up kahit na wala pa ang mga teammates niya.

Tinignan ko lang siya saglit pero dahil nga napaka-uncomfy sa feeling pumikit nalang ako habang nakasandal sa pangalawang level na upuan.

Nilaksan ko na rin ang volume para hindi ko marinig ang tunog ng pagbounce ng bola na nangingibabaw dito sa gym.

Bigla akong napamulat ng mata at napaupo ng maayos ng may naramdaman akong pumatong sa binti ko.

"Kap!" Sigaw ko kaya bigla siyang napamulat ng mata.

"Wag kang malikot. Tss."

Inaano ba ang isang ito? Siya pa talaga ang may ganang magalit.

"Bumangon ka nga diyan! Hindi ako unan! Mamya may--"

"I don't give a damn to anyone Mira.."

Nabitawan ko pa ang earphones ko na hawak ko dahil sa pagkagulat.

"Kaya please lang, let me rest."

"Kapitan, kung gusto mo palang mag--"

"Hanggang ngayon ba hindi mo kayang manahimik?!"

Aba't! Loko talaga ang isang ito ah!

Itutulak ko na dapat ang ulo niya pero natigilan ako nang maramdaman kong medyo mainit siya.

"Kapitan may lagnat ka?"

Tinapik niya lang ang kamay ko kaya tinanong ko uli siya pero tumagilid lang siya.

Dahil nga mukhang gusto at kailangan niya talaga ng pahinga, hinayaan ko nalang siya sa pwesto niya kahit na hindi ako komportable.

Ganyan naman siya palagi. Ayaw na ayaw niyang kinokontra siya at kapag hindi nasusunod ang gusto niya.

Alam kong mali pero hindi ko mapigilan ang sariling mapatitig sa kanya, limang minuto lang naman.

Mabuti nalang at pamalit na damit lang ang laman ng bag ko kaya medyo malambot naman kapag ginawang unan.

Gustuhin ko mang magtagal pa dito sa court para samahan siya pero kailangan ko ng pumasok.

Tuwing miyerkules na practice kasi ng The Kings late na akong dumadating dahil nga conflict sa sched ko. Kaya nga hindi ko inaasahan na maagang darating si Eleazar.

Tinanggal ko ang notebook at ballpen na nasa bag ko at dahan-dahan kong inangat ang ulo ni kapitan para maipatong ko ang ulo niya sa bag ko.

Ang kalat talaga ng nilalang na ito.

Binuksan ko ang cellphone niya yun nga lang may password.

Bea Casteñada

Huh? Bakit mali?

Noon naman first lang ng mga babae niya at surname niya ang nilalagay niyang password.

"Mira.."

Agad naman akong napatingin sa mukha ng nilalang na nasa harapan ko.

"Mira Cawawa ang password ko"

Kahit na alam kong malaki ang posibilidad na marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko lumapit pa rin ako sa kanya para mailagay ang earphones sa tenga niya.

"Para mas makapagpahinga ka ng maayos.."

Bulong ko bago ako tumayo para sana umalis na pero..

"Mira.."

Napatingin naman ako agad sa kamay niyang nakakapit ng mahigpit sa pulso ko.

"Mira.."

"Alam kong ayaw mo sa clinic kapitan kaya hahayaan nalang muna kitang magpahinga dito sa gym.."

Hinubad ko na din ang suot kong blazer at ipinatong sa katawan niya.

"Mira.."

"Umayos ka kapitan may klase pa ako. Pa--papapuntahin ko nalang si Bea."

Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at pinatong ko nalang ang kamay niya sa dibdib niya. Magbabayang magiliw nalang siya. Mais.

Hinahabol ko ang paghinga ko pagdating sa classroom. Buti nalang hindi pa dumadating si Sir Kakay.

Sa bandang likuran na ako umupo dahil doon nalang ang merong bakante. Makikita ko naman siguro si Sir mamya dahil matangkad naman ako kahit papano.

Nagsend na ako ng message kay Bea kaya baka pinuntahan na niya sa ngayon ang love life niya.

Haaay. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Anong klaseng trip ang meron siya? Gawin daw ba akong password? O baka naman ibang Mira yun?

He's still the same Eleazar I knew since we were kids. Pero, haay. Wala naman ng halaga yun.

A.K.A Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon