1.9

49 2 0
                                    

Bakit ba ang bagal kong makarecover sa mga pangyayari? Nakakabanas na eh. Tss.

"Ugh!" Kanina ko pa sinusuntok ang pader ng kwarto ko at kanina ko pa ring sinasabunutan ang sarili ko kaya isang akong ganap na mangkukulam.

Mwahahahahahaha.

Huhuhuhuhu. Sabi ko na nga ba. Kahit ako pinagdududahan ko na rin ang sarili ko.

"Ang panget mo pala talaga MK."

Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang pagmumukha ko sa salamin.

"Tss. MK naman, matagal na yan pero ngayon mo pa lang narealize?"

"Mira naman kasi! Bakit mo pa ba kasi siya binalikan?"

"Syempre! Kukunin mo lang naman ang blazer mo at earphones."

"Sus. Mukha mong panget Mira Kaileen! Manang mana ka talaga sa kambal mong si Miro Xavier! Ang sabihin mo nag-aalala ka talaga sa kanya!"

"Punta punta ka pa haa! Oh anong napala mo? Tapos mababaliw baliw ka diyan?! Dapat nagcucurl ups ka na ngayon eh!"

Haaay. Kahit ako hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Mas mabuti sigurong lumabas muna ako para bumili ng ice cream tutal naman magtatanghali na. Kailangang kailangan ko kasi talaga ang pampafreeze ng utak.

Hindi na ako nagbihis o nagsuklay bago lumabas ng kwarto dahil ako lang namang mag-isa dito sa bahay.

Aba. Kung may tao man eh mag-adjust nalang sila. Stressed ako wag silang ano.

Nakarinig ako ng dahan dahang palakpak mula sa silent prince na si Marc Victor pagdating ko sa kusina.

At ang insensitive na si kambal ayun! Tawa ng tawa!

Ako? Eto! Tumatakbo na pabalik sa kwarto ko!

Bakit nandito si Eleazar?!

Alam ko namang panget ako pero..

"Maganda naman ako kapag bagong gising at kapag pawis na pawis na so keri lang!"

Sige MK! Motivate yourself!

A.K.A Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon