1.3

84 4 0
                                    

Ilang linggo na akong sub-coach ng The Kings at magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako masaya sa ginagawa ko.

"Kaileen?"

"Ja--Jasper?"

Hindi ko inaasahan ang biglaang paglapit niya sa akin. Anong kailangan ng isang ito?

"May nakaupo ba dito?" Tanong niya habang nakaturo sa bakanteng upuan na nasa kaliwa ko.

"Wala Jas. Bakit?"

Bigla naman siyang umupo sa tabi ko at ngumiti.

"Dito nalang muna ako uupo Kaileen." Sabi niya na para bang pagod na pagod na siya.

"Sige.." Pagpayag ko nalang kahit na hindi ako komportable.

Major subject nina Jasper ito na kinuha ko lang as elective para sana maging kaklase ko si Miah pero ang magaling na babae iyon biglang dinrop ang subject na ito dahil conflict pala sa sched ng isang major niya.

Bakit naman kaya biglang lumipat ang isang ito dito sa harap? Sa pagkakatanda ko kasi sa likuran siya nakapwesto katabi ang girlfriend niyang si Elaine Demina.

Dahil nga wala pa naman si Ma'am Kath pwede pang gumamit ng cellphone kaya nagpatugtog nalang muna ako habang nakaearphones.

Walang sabi sabing kinuha ni Jas ang earphone sa kanang tenga ko at nilagay sa tenga niya. Pambihira! Ballad version pa naman ni Julian ng Isang Tingin ang nakarepeat one sa cellphone ko ngayon!

Agad agad na binuksan ko uli ang cellphone ko pagkatapos niyang ilagay ang ulo niya sa braso niyang nakapatong sa mesa ng inuupuan niya para sana palitan ang kanta pero ibinaba niya lang uli ang cellphone ko.

Kung paanong napansin niya yun ay hindi ko alam.

Kung nakakamatay lang ang tingin baka hindi na ako nakalabas ng buhay sa classroom kanina. Grabe makatitig ang girlfriend ni Jasper pati na rin ang mga kaibigan niya. Dehado pa naman ako kung sakali man dahil ako lang ang nag-iisang educ major sa klase na iyon.

"Sabay na ako sa'yo pababa." Seryosoong sabi ni Jasper habang hinahabol pa ang paghinga.

"Tumakbo ka ba?"

Ngumiti agad siya bago tumango at huminga ng mas maayos.

"Saan ka na niyan?" Hindi ko matiis na itanong sa kanya.

"Pupunta akong Music Dept ngayon. Bakit?"

"Huh? Ahh. Wala, wala." Sabi ko habang nagkukumpas kumpas pa ng kamay ko.

He patted my head kaya bigla akong natigilan at napalingon sa kanya.

"Sige Kaileen, salamat!"

Ngumiti nalang ako sa kanya dahil hindi naman na niya ako maririnig kahit sumagot pa ako.

Nakauwi na ako't lahat pero hindi ko pa rin maisip ang dahilan sa biglang pagpansin sa akin ni Jasper.

"Tay.." Sabi ko kay bago nagmano kay Tatay nang maabutan ko siyang nanunuod ng laban ng San Mig at Star Hotshots.

Naexcite naman ako bigla kaya patakbo akong pumunta sa kusina para magmano at yumakap kay Nanay.

"Nay si Matmat?"

"Nasa kwarto niyo na Mira."

Nagpaalam na ako kay Nanay na pupuntahan ko muna ang kapatid ko at magbibihis na rin muna ako.

"MN!" Sigaw ko pagkakita ko sa kapatid ko.

"Namiss kita Matmat!"

At dahil nga nagmana siya sa kaartihan ni Kuya MX pilit niyang tinatanggal ang braso kong nakapulupot sa kanya.

"Let me go!" Reklamo ng maarti kong kapatid.

"Aba! Napadpad ka lang sa Cebu hindi ka na marunong magtagalog?!"

"Tss. Alis."

Ginulo ko muna ang bagong gupit niyang buhok na may highlights pa bago ako umalis sa bed niya at humiga na sa bed ko.

"Love pasalubong ko?"

"Nasa ref."

Kita mo na. Suplado pa kunwari pero may pake naman sa akin. Mana nga siya kay Tatay.

"Stop smiling love. Ang creepy ng ngiti mo."

Mas nilakihan ko pa ang ngiti ko para mas mainis siya. HAHAHA.

"It's just a dried mango love. Tss."

"Ang pangit mo kasi love."

Pikon ang love ko kaya sinuot nalang niya ang headphones niya.

Hindi kami madalas na kumpleto dito sa bahay dahil nga sa nature ng trabaho nila Nanay. Kaya sobrang saya ko kapag naaabutan ko ang mga uwi nila.

A.K.A Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon