1.10

74 3 1
                                    

I wasn't expecting this. Hindi ko man lang na-orient ang sarili ko kung sakali man na magkaroon ng ganitong eksena sa buhay ko.

Eleazar was my first love. Nagkachat, nagkatext, nagkatawagan tapos naging friends. Madalas akong pinagseselosan ng girlfriend niya noon pero hindi niya naman ako tinatakwil, wag ko nalang daw pansinin ang pag-iinarte ng mga chicks niya.

Kung baka hindi niya ako iniwasan pagkatapos ko siyang pagsabihan tungkol kay Bea siguro tatlong taon na ang pagkakaibigan namin.

Dahil nga mahal ko siya ayun! Go with the flow lang ako. Kahit na sobrang obvious niya hindi ko na lang pinansin.

Nagtetext lang siya kapag busy si Bea. Tumatawag siya kapag hindi na sinasagot ni Bea ang tawag niya. Nagchachat siya kapag siniseen siya ni Bea. Ayokong maging kabit pero sabit naman ako.

Hanggang sa nagbreak sila at naging mabuting kaibigan pa rin ako. Naging saksi ako sa mga pagrereklamo at pag-iyak niya. Umasa ako noon na baka mapansin naman niya ako kasi ako naman ang kasama niya. Pero wala eh.

Nagkabalikan sila ni Bea.

"Kami na uli Mira!"

"Oo nga eh. Iba nga ang saya mo." Walang gana kong sagot.

"I'm so happy! Finally!"

"Sigurado ka na bang hindi ka na niya ipagpapalit? Hindi na second option? Hindi na--"

"Mira naman, she has her reasons."

"Reasons niya mukha niya." Punong-puno na ako.

"Hindi ka ba masaya para sa akin? Para sa amin?"

"Masaya? Huh. Wow. Sige Eleazar! Magiging masaya ako para sa inyo!" Hirap na hirap na akong pigilan ang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko habang nakayakap siya sa akin.

Huli na ito, huli na.

Sinubukan ko namang suportahan siya, yun nga lang sobra na kasi talaga.

"Mira! Hindi na naman siya nagrereply! Kahapon pa--"

"Busy diba?" Tamad na sagot ko sa kanya. Alas dose na ng madaling araw kaya wala ako sa mood dahil ayaw na ayaw kong ginigising ako para sa mga walang kwentang bagay.

A.K.A Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon