1.5

69 2 0
                                    

"Sige na kasi teh, ipakilala mo na ako sa Kuya MF mo." Pangungulit ni Miah sa akin.

Kanina pa ang isa ito.

"Aanhin mo naman si Kuya?"

"Seryoso teh? Malamang! Crush ko ang Kuya mong si Marion Fritz Guerrero!"

Kung anuman ang koneksyon ng sagot niya sa tanong ko ay hindi ko alam.

"Sige! Kapag hindi mo ako pinakilala sa kanya ngayong lunch sasabihin ko kay Jasper na--"

Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka may makarinig pa sa kanya dahil sa lakas ng boses niya, nasa canteen pa naman kami. Pahamak talaga si Miah.

Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.

To: Kuya MF

Kuya? Free ka po? Pwede magpasama sa canteen?

Ipinabasa ko pa kay Miah ang text ko kay Kuya para lang maniwala siya at manahimik na.

Alam ko namang madali akong makikita ni Kuya dito sa canteen tutal naman parang bampira silang tatlo dahil sa lakas ng mga pang-amoy nila.

"Ang dali mo namang mahanap Kailengleng dahil sa amoy mo." Binatukan ko naman agad si Kuya MV dahil sa bungad niya sa akin.

Oh diba? Sabi ko na eh.

"Oo nga. Grabe kambal, naliligo ka pa ba?"

"Umayos nga kayo. Si Miah nga pala--"

"Hi Miah!" Masiglang bati naman ni Kuya MX pagkatapos iabot ang kamay kay Miah.

Ganun din ang ginawa nina Kuya MV at Kuya MF kaya ang labanos na si Miah ay naging pakwan dahil sa kilig.

Medyo nagkakwentuhan pa sila Kuya at Miah bago siya umalis ka sabi ni Miah sulit daw ang break niya.

At dahil nga hindi kami pareho ng klase ni Miah nauna na siyang umalis dahil ayaw pa akong palayasin ng tatlo dito sa mesa.

"Kambal mag-usap nga tayo." Seryosong sabi ni Kuya MX.

Alam na alam ko ang tono na ito.

"Ku--kuyaa.." Bulong ko habang nakatingin kay Kuya MF.

"Sa Engineering Room tayo." Malamig na sabi ng kaninang masaya pang si Kuya MV.

Bakit? May nagawa ba ako?

Kahit wala pa silang sinasabi sa akin naiiyak na ako.

Ayaw na ayaw ko kasing nagagalit sa akin sina Kuya. Kahit na hindi ko sila kadugo pero totoong kapatid na ang turing ko sa kanila kaya hindi ko gustong nagagalit sila sa akin.

Dirediretso lang kaming pumasok sa Engineering Room at pumasok sa opisina ni Kuya MX, si kambal kasi ang Course President nila.

"Kuya.." Nanginginig na ang boses ko habang binubulong ko yun.

Nakatitig lang silang tatlo sa akin.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin Mira?"

Mira.. Mira..

Hindi ko na napigilan ang mga luhang unti unti ng naguunahang lumabas galing sa mga mata ko habang nakatungo ako.

Nakaponytail pa naman ako ngayon kaya useless din naman ang pagtungo ko dahil makikita at makikita nila ang pag-iyak ko.

"Wag mo kaming daanin sa iyak Mira Kaileen. Tinatanong ka namin."

Kay kambal talaga ako pinakatakot kahit na mas madalas kami din ang nag-aasaran.

A.K.A Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon