Chapter 05: Phone calls

1.5K 26 0
                                    

Nagtaka si Pitonia dahil hindi niya kilala ang tumatawag sa phone niya. "Sino kaya ito?" Kausap ang sarili.

"Hello?"

"Hi, alam kung nagtataka ka kung bakit ko nakuha ang phone number mo pero hindi na po mahalaga kung sino ako, may mahalaga lang akong sasabihin sayo. Na tiyak na katatakutan mo." Halata sa tuno ng nasa kabilang linya na kinakabahan ito.


" Bakit ano po ba iyun?" Tumayo na siya ng tuloyan. Iniwan ang pagkain sa lamesa. Biglang naglumikot sa buong paligid ang mga mata ni Pitonia.

" Mag-ingat po kayu sa mga tao sa paligid ninyo. Lalo na sa kapatid ng asawa ninyo na si madam Aurora." Anya  na mukhang takut na takot din.

" Salamat po,  kung sino ka man. Pero alam ko naman po na hindi ako gusto ng pamilya ng asawa ko. But I'm sorry I'm ready sa kung ano man ang binabalak nila laban sa akin. I'm not that stupid." Walang gatol niyang tugon. Matagal na siyang handa sa mga ganitong pangyayari at mukhang magaganap na nga.

" Ang mahalaga po binalaan ko na kayu. Just careful madam," she added.

" Sige po, thanks again." Anya na medyo nairita sa unknown caller. She is not stupid. Agad niyang ini-save ang phone number na iyun at may tunawagang tao. Nakapaweng siya habang nakatutok sa may main door.

Maya maya ay sumagot na ang tinatatawagan niya. " Hellos madam, do you miss me?" nang aasar nitong saad.

" Hi Max, can you do me a favour?"maarti niyang saad sa lalaking nasa kabilang linya.

" Anything madam, but seriously you didn't miss me?" tugon nitong cool na cool parin. May mga monitors sa harapan ng lalaki. Ibat ibang angle ng cameras. Iyung iba ay kuha sa bawat street cctv at mga important buildings.

" Kindly locate this unknown number for me? I need it so badly. And one thing
...na miss din naman kita kahit one percent lang."

" Alright, consider its done. And thaks for missing me." Nakangisi nitong saad saka may pinindot at bumukas ang floor saka bumaba ang upuan na kinauupuan nito sa may under ground. May malaking screen na sumalubong dito. Itinapat nito ang mata sak bumukas ang isa pang pintuan muli itong dinala ng upuan doon papasok. May pinindot itong muli at lumabas ang buong mapa ng bansa. Napatutitig sa may pulang alarm doon kung saan nga ang tumatawag kay Pitonia.



Lumipas ang 30 minutes ay muling tumawag ang kausap niya. " Nasa mansion lang ang caller madam, I'm coming with you. Mukhang naisahan nila tayo this time." Ani Max na ikinatakot niya bigla pero bigla siyang nanindigan. Hindi siya maaring matakot lalo na at dumating na ang takdang panahon. Inaasahan niya na oras na babalik sila ng bansa ay mangyayari ito.

" Okay, salamat. " Tumitig siya sa cctv cameras na nasa may pintuan. Isa lang iyun glass kung pagmamasdan pero mukha iyun ng camera. Lihim itong ginawa ni Jon para masigurong ligtas siya kahit nasa malayo ito. May tiwala naman ito na kaya niyang pangalagaan ang sarili laban sa kung sino man pero hindi mawala ang pag-aalala bilang asawa. At may small device din na connected sa asawa niyang nasa ibang bansa alam nito ang nangyayari pero inaalala niyang may sakit ito ngayon baka makasama lang ang nagaganap. Agad siyang umakyat sa silid niya saka binuksan ang isang paintings. Maingat niyang itinulak iyun saka tumambad sa kanya ang isang magarang silid kung saan makikita ang lahat ng actual cctv footages sa buong mansion. Alam niyang maraming kalaban  sa negosyo ang asawa niya at kailangan siyang bantayan nito kahit nasa malayo. May alam siya sa mga bagay na iyun. Walang itinatago sa kanya ang esposo. Lalo na noong nasa Macao pa sila. Pero laking gulat niya ng makita niyang nasa may hardin nagmula ang tumawag sa kanya kanina. Pero agad nawala sa monitor niya ang nasabing footage. Napahilamos siya ng mukha. Mukhang na-hack ang cctv doon. May pinindot siya at nag-dial ng password to secure the all main cctv cameras bago pa mabuksan ng kung sinu man ang lahat ng cctv. May kinuha siya sa ilalim ng lamesa na mahaba. Isang maliit na pistol iyun saka maliksing nilagyan ng bala. Kinuha niya ang susi habang nakatutok parin sa cctv ang mga mata niya. Nakita niyang may paakyat na nakaitim na mga tao sa likod ng bahay. Mas lalong bumilis ang mga kilos niya.



Paparating naman ang kotse ni Brienton hindi siya mapakali kanina pa. Naalala niya si Pitonia at magdamag siyang hindi nakatulog sa kakaisip dito. At ngayon lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya hindi maunawaan ng binata kung bakit. At para saan?




" Natangal mo na ba ang actual footage?" Anya ng isa sa mga maid si Atashia.

" Opo, nag-iisa siya ngayon at wala rin ang iba pang bantay nito lalo na iyung chef na William kailangan natin siyang makuha. Utos ni madam V." Ani Andres ang master nila.

" Kung sinusuwerti ka nga naman. Wala din si Brienton. So malaya natin siyang ma-kidnap."

" Yes Andres, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Nanilbihan pa ako sa mansion nila sa Macao pero tudo bantay ang asawa nito. But today is her nightmare, poor Pitonia!" Si Atashia ulit. Inayos nito ang sarili saka pumasok sa kabahayan bilang maid. Nag-hiwalay sila ni Andres.

Maya maya pa ay nanlaki nalang ang mata ni Pitonia ng makitang may lalaking patungo sa pintuan ng silid niya. Kinunatak niya si William na nasa mall para mamili ng lulutuin nito para sa lunch. Hindi ito sumasagot man lang." Putcha, I have to do something!" Saka mabilis na ini-shield ang buong kuwarto na kinalalagyan niya. Biglang may malakas na sumabog at alam niyang ang silid niya iyon. Maliksi siyang umakyat sa kisame ng kuwarto may lagusan doon patungo sa rooftop. Isinilid niya ang baril at saka nagpatuloy sa itaas. Pero ramdam niyang hindi siya magiging ligtas doon kung doon siya dadaan. Pagdating sa roof top may babae siyang nasilip doon. " Si Atashia?! What the-"

Biglang may putok ng baril siyang narinig. Nalingat ng kaunti ang babae saka siya pumuslit. Pasakay na siya sa kanyang chopper. " Saan ka pupunta madam?!" Napalingon siya may isa pang babae doon na ngayon lang niya nakita.

" Ikaw iyung kausap ko kanina?" Tanong niyang pilit kinakalma ang sarili. Alam niyang isa sa mga kaaway ng asawa sa negosyo ang boss na mga ito. Hindi nga lang niya alam kung sinu sino sa kanila. Ang mahalaga mailigtas niya ang sarili laban sa mga ito. Nag-isip nalang siya ng paraan.

Samantala nagpalitan ng baril ang mga guard sa ibaba. Dumating si Brienton at hinahanap ang asawa ng uncle nito. " Baka po mapano kayu kung papasok kayu sa loob ng mansion."

" Si Pitonia nasaan?!"

"Hinahanap po namin at mukhang nakuha na nila. Nasupresa din kami sa mga kidnappers na ito sir."

"Tsk! Hanapin natin siya! We need to rescue her no matter what!" Tumakbo na sila sa loob at may mga armado na nga doon. Nakipagpalitan sila ng putok.

Itinaas ni Pitonia sa ere ang dalawang kamay. Hinawakan siya ng dalawang babae saka itinali." Sino ba kayo? Anong kailangan ninyo sa akin?!"

" Malalaman mo mamaya, madam."

" Wow, ang mga traydor kung katulong mga kidnappers pala?!" Matigas niyang saad na ikina inis nung Atashia.

" Wow, kung patayin kaya kita ngayon madam?!"

"Atashia! Leave her to me kung hindi mo mayang itikom ang bibig mo." Anya ng isa pang babae doon.

Dahil sa pagtatalo ng mga ito ay
" Katakot! Etong sa'yo!" Mabilis siyang umikot sa ere at sinipa ang dalawang babae na ikinabigla ng mga ito! Hindi kaagad nakabawi ang dalawang babae ng may mga lalaking lumapit sa kanya. Habang nakatali parin ang dalawang kamay niya.

" Oh magaling si madam, pero please sumama ka nalang sayang ang maganda mong mukha kung masasapak pa namin."

Nag-isip muna siya kung tamang magpatangay nalang muna. Sa huli ay wala siyang choice kundi sumama. Nakangisi ang dalawang nasipa niya.


To be continued...

Nagtaka kayu kung bakit naging action? Hahaha. Basta...just read it.

I Love My Uncle's Wife (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon