Chapter 10: She's grounded!

1.3K 21 0
                                    

Naghinang ang kanilang mga paningin. Biglang nagbawi ng tingin si Pitonia. After what happened last night nahihiya na siyang humarap dito. Parang may mga daga na nagri-wrestling sa loob ng puso niya kapag kaharap ito. Nakatulong pa nga na hindi niya ito nakita sa agahan kanina. But theres something strange inside her that very strong and hard to resist. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Inabala niya ang sarili. Paglingon niya abala narin ang binata sa ibang bagay. Nagtatawanan ang mga ito kasama ang mga tauhan. Hindi man lang ito nakikitaan ng kaartihan sa pakikisama sa mga tao doon. Sabay sabay na kumain ang mga kalalakihan sa may mahabang lamesa na sagana sa mga fresh foods. May buko din na nakahelera na nagsisilbing juice nila. Ginawaan ito ng mga trabahador ng desenyo tapos binutasan lang ng maliit at may straw na doon kung iinomin.

Matapos ang masaganang pananghaliyan ay nagpahinga muna ang mga tauhan sa hasenda. Tahimik na nagtungo sa may puno ng narra si Pitonia. Naglatag siya ng banig doon saka payapang sumandig sa malaking puno. Wala naman siyang nakikitang kapahamakan malinis ang paligid.

Nakaidlip na si Pitonia habang nagbabasa ng english novel. Madalas niya itong gawin kapag nagpapaantok at effective naman ang ganitong paraan para makatulog kaagad. Hindi niya namamalayan ang papalapit na si Brienton.

Malayang pinagmasdan ng binata ang asawa ng unlce niya.  Iniisip nito kung ano ba talaga ang nagustuhan ng dalaga sa uncle niyang parang ama nalang nito kung totousin. " Pag-ibig nga naman," sabay iling iling. May dala itong guitara naupo sa tabi ng natutulog na si Pitonia. Tumogtuog ng maraan. Hindi naman siya mahilig kumanta kaya hinayaan lang niya ang tunog nun mas maganda daw pakingan kaysa sabayan pa ng liriko. Inaasahan niyang magigising si Pitonia pero wala atang epekto ang pagtugtog niya lalo pang lumalim ang pagtulog nito. Inayos niya ang higa nito para hindi mangawit ang leeg.

"Pabaya kang babae ka." Sermon niya sa natutulog na si Pitonia. May hawak itong libro. Nakapatung lang sa dibdib nito.  Kinuha din niya ang jacket niya at nilagay sa mga hita nito. Dahil hindi man lang nag-abalang takpan iyon. Walang pakialam ang isang ito basta makatulog lang. Mayapa ito habang natutulog walang bakas na problema sa maganda nitong mukha. Alam niya sa panahon ngayon kailangan muna nito magtago para sa ikakabuti ng lahat. Tumayo siya at may tinawagan sa cellphone.

" Yes uncle, she is fine. Opo, alam ko po iyon." Mataman itong nakikinig sa nasa kabilang linya.

Texas, USA.

" Salamat naman at sumunod siya sayo. Alam kung galit siya sayo pero sana pagtyagaan mo pa siya hijo. I mean both of you. Habang hindi pa nagiging maayos ang lahat." Paalala ni Jon sa pamangkin na nasa kabilang linya.

" Opo, walang problema." Napangiwi siya sa sinabi. Alam niyang hindi nila tanggap ni Pitonia ang bawat isa. Lalo na ngayon na muntikan ng may maganap dahil sa dahon na tinimpla nito. Mas kailangan niyang dumistansiya sa asawa ng tiyohin kundi.

"Ay nako-"

"May problema ba hijo?" Si Jon na muling nagsalita sa kabilang linya.

"Wa-wala uncle. Babantayan ko siya ng mabuti. Huwag na po kayo magalala."

"Salamat, pero maaring hindi muna niya malalaman na naguusap tayo?"

"Po? Ah...sigo po." Anya na biglang naguluhan sa tiyohin.

"Hon, its time for your medicine." Tinig ng nasa kabilang linya. Na ikinakunot ng noo ng binata kung bakit may tumawag na hon
sa uncle Jon niya. Hindi asawa nito si Pitonia? Naguluhan siya sa mga pangyayari. Ang alam niya nasa Texas ito para magpagaling sa sakit.

" Sige hijo, tatawag nalang ako ulit dyan kapag may pagkakataon. Ikaw na ang bahala kay Pitonia. Mas kailangan ka niya ngayon. Thank hijo."

"Opo," kahit na may kakaibang inis na siyang nadarama. Para bagang may itinatago ang tiyohin niya. Ayaw muna niyang husgahan ito dahil malayo ito sa kanya. Pero paano kung totoo ang hinala niya? Kawawang Pitonia? Napapailing na ibinaba niya ang phone saka pumasok muli sa kabahayan only to find out...

" Tsk, ay kung ibang lalaki lang aksama mo. Malamang wala na iyang perlas mo." Naiiling niyang sabi. Nalihis na naman kasi ang itinakip niyang jacket dito. Kita na niya ang panty nito na puti. Napamura siya ng sunod sunod matapos itong tumihaya at lumabas ang pusod nito. Nalihis ang suot nitong t-shirt kaya kitang kita niya ang makinis nitong pusod. Binuhat na niya ito ng tuloyan at naghanap ng kumot pagkatapos.

Naalala niya ang bilin ng tiyohin na siya na daw ang bahala sa teenager at pasaway nitong asawa.

Texas, USA.

"Siya parin ba ang kausap mo, Jon?" Ani Lakam kay Jon.

" No, its my nephew Brienton. I asked him to look after my wife." Matapat niyang sabi.

Nalungkot si Lakam sa pahayag niya pero wala siyang magawa sa bagay na iyon. Mahal din naman niya si Pitonia kahit paano. At ngayon mas kailangan nito ng taga-bantay and he believe Brienton is the only way. Lalo pa at sabay sabay ang mga pangyayari maging ang kumpaniyang hawak niya dito sa America ay mukhang natutun ng iba pa niyang kaaway sa negosyo. Mas kailangan niya ng dobling pagiingat.

" Its okay, she is your wife." Saka malungkot na ibinik sa tukador ang mga gamot niya. Wala na siya sa hospital sa ngayon. Mas minabuti niyang dumito muna sa bahay ni Lakam para mas mabanatayan siyang mabuti. May tiwala siya sa babae.

" I'm sorry. Promise aayusin ko ang lahat sa takdang panahon. Kung mahihintay mo ako." Anya.

Nagkibit balikat ito at nagtungo sa may living room at uminom ng gatas. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Jon saka ito linapitan. Ramdam niyang nagtatampo ito sa kanya.

"Sorry,"

"I'm good. Don't worry mawawala din naman ako sa buhay mo oras na bumalik ka na sa tunay mong asawa."

Hinawakan niya ito sa kamay. Binawi iyon ni Lakam.

"Kumakain ng agahan si Pitonia at muli wala na naman sa hapag kainan si Brienton. Nasa bukid daw ito kasama ng mga tauhan nila. Nagtaka siya na may mga lalaking may mga baril na nakabantay sa labas ng bahay. Ramdam niyang takot din ang katiwala nila pero hindi na siya nagtanong pa. Baka mas lalo itong matakot.

" Manang punta na po ba tayo sa may anihan ng mangga?" Kausap ang matandang katiwala na abala sa ginagawa sa may kusina.

" Eh maam bilin po ni sir Brienton na dumito nalang muna kayo habang nasa bukid siya."

"Ho?"nagataka siya kung paano? Kung bakit hindi na siya maaring lumabas ngayon ng bahay.

"Pasensya na maam. Ako ay hindi din maaring lumabas dahil babantayan din kita."

"Si-sige po. Salamat." Wala sa sarili niyang sabi saka pumasok na sa loob ng silid. Nakatunga-nga siya maghapon. Bored na bored na sa kakahintay sa binata.

"Oh bakit ko naman pagaaksayahan ng oras ang chablo yung iyon hempt!" Saka nag-marcha palabas ng silid.

To be continued...

I Love My Uncle's Wife (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon