Electricfan

73 0 0
                                    

"ELECTRICFAN"

Araw araw paikot-ikot,
Bawat oras nililikot.
Minuminutong nag iinit,
Sa panahon nating kay init.

Pananggga lamang ikaw,
Ngunit pawis ay umaapaw.
Ikaw na kay galing,
Pag ikaw ay tinitigan, ako'y napupuwing.

Pangangailangan sayo'y habang buhay,
At kahit kailan hindi ipag papalit sa pamaypay.
Ikaw man ay hindi umikot,
Ako'y gagawa ng paraan kahit kamay ko'y iikot.

Kaibigan, mapalaki o maliit ka man,
Ika'y lalapitan upang mapawi ang aking nararamdaman.
Nararamdaman kong init sa aking katawan,
Electricfan ang iyong pangalan.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon