Sa piling mo ako'y walang bahala,
pag sasama ng bawat isa ay ka'y saya.
Tayo ay pinag buklod ng may kapal,
wari mo'y alipin ng pag mamahal.
iisang bubong ating sinisilungan,
hiling sana ay kasama ka ng pangmatagalan.Oh ama! saan ka hahayo?,
Iwasan mag pagabi, mag hahapunan tayo.
Unang hakbang ngiti mo ang sumalubong,
Matatamasang damdamin sayo ay sasalubong.
Maraming salamat ama!
Tiyan ng bunso mo ay walang sing saya.Araw ang lumipas,
Pagtakbo mo ay paspas.
Anong nangyari ama?
Ginagawa mo ba ay tama?
Luhang inilalabas ni Ina,
Nakakayanan mo pa ba?Dugo at pawis iyong sinasayang,
Tila ba sa buhay nating ay may kalang.
Ina hintay lang,
Pag tatapos ko ay makakamtan.
karangyaang pinag kaitan,
Bilang sapilitang pag lisan.
BINABASA MO ANG
Tinta
RandomNagawa ko ang mga tulang to batay na din sa mga karanasan sa aking buhay, hindi naman masyadong perpekto ngunit ito ay galing sa kaibuturan ng aking damdamin. Enjoy! Sana magustuhan niyo :) N I K O L E T A ✒✒✒