"BERDENG BILOG"
Pagkabigo aking naramdaman,
nag aantay ng berdeng kulay sa gilid ng iyong pangalan.
Labing anim na oras nang ikaw ay mawala,
Pakiramdam ko ay tila nag wawala,
Nag wawala dahil ika'y wala.
katakatakang isipin,
Ikaw ang nais ko pag gising,
Hanggang sa pag tulog nais kong ikaw ay makapiling.
Nararamdaman ko tila ay kakaiba,
Nakakapanibago dahil ako ay nangangamba,
Nararamdaman mo ang pangunahing importante,
Hayaan mo aking iniibig ikaw ay maging komportable.nikoleta
BINABASA MO ANG
Tinta
RandomNagawa ko ang mga tulang to batay na din sa mga karanasan sa aking buhay, hindi naman masyadong perpekto ngunit ito ay galing sa kaibuturan ng aking damdamin. Enjoy! Sana magustuhan niyo :) N I K O L E T A ✒✒✒