"KATAS NG SAYA"
Pakiramdam ay nasa alapaap,
Sa tuwina ikaw ang pinapangarap.
Sing tamis ng arnibal,
Mga salita mo'ng nakakagimbal.Ang mga tala ang saksi,
Sa labi kong nakangisi.
Saya na iyong dulot,
Para sa babaeng kulot.Giliw ko, maraming salamat,
Dahil sayo, araw ko'y naging sapat.
Sapat para problema ko ay maglisan,
Pangako sa buwan, hindi kita iiwan.
Nikoleta
BINABASA MO ANG
Tinta
RandomNagawa ko ang mga tulang to batay na din sa mga karanasan sa aking buhay, hindi naman masyadong perpekto ngunit ito ay galing sa kaibuturan ng aking damdamin. Enjoy! Sana magustuhan niyo :) N I K O L E T A ✒✒✒