NAG BABAKASAKALI

29 0 0
                                    

"NAG BABAKASALI"

Pag mamahalan na ating sinimulan,
Sa pag lipas ng panahon, hiling sana tayo’y pang matagalan.
Sa Panginoon ay hindi na hihiling,
Sapat na kaligayahan aking natatamasa sayong piling.
Mahal mga pangakong iyong isinatinig,
Huwag naman sanang mag laho na parang mundong nayanig.
“HINDI NA KITA MAHAL”
Katagang iyong binanggit,
Tila ba aking kamatayan ay nasa bingit.
Buwan ang patuloy nalipas,
O Aking iniibig nararamdaman mo sakin ay nag wawakas.
Kung ang kahahantungan nito ay hiwalayan,
Mahal, hayaan mo’ng pag ibig ko sayo’y pagbigyan.
Kung ang iyong kagustuhan ay paglaya,
Nararamdaman ko’y hindi mag dadalwang isip sa iyong ikakasaya.
Ako’y hindi mag pupummilit,
Kahit pagpatak ng luha ay walang ‘sing pait.
Mahal, nararamdaman ko sayo ipapaalam,
“MAHAL NA MAHAL KITA”
Subalit, sa kabilang banda ng aking puso,
Mahal, sa susunod na tingin mo saking mata…
NAG BABAKASALING babanggitin mo’y hindi pag papaalam.
Mga aral na sayo ay napulot,
Nangangakong hindi ibabaon sa limot.
Mahal kung iyong mararapat na mapag bibigyan,
Sa nabasa mo, ano ang iyong kaisipan?

Para sayo aking iniibig...

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon