Talukap

41 1 0
                                    

"TALUKAP"

Ako sa oras ay mag titiis,
Mag aantay hanggang sa ikaw ay makilatis.
Pinag kaabalahan mo ang aking tanging nais,
Simula pag mulat hanggan sa pag alis.

Mabigat man kung papakiramdamin,
Ito'y hindi hadlang upang ako ay humimbing.
Presensya mo ang ikangingiti,
Ngunit tila mali.

Gabing pag bati ang ibig,
Salubong mo sakin ay nakaka kilig.
Lahat aking pipigilan,
Pag bagsak ng talukap ay aking hahadlangan.

nikoleta

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon