"ARAW"
Ikaw ang liwanag,
Nalilimutan ang bumabagabag.
Nag bibigay kulay,
Sa paligid kong walang kulay.Ikaw ang hanap hanap,
Tila munting nangangarap.
Dahil sayo ay nakakakita,
Likha ng diyos ang makikita.Masakit sa mata kung ikaw ay tititigan,
Mga halaman, hayop, at tao ay iyong natutulungan.
Paligid mo'y nag aapuyan,
Araw ang iyong pangalan.
BINABASA MO ANG
Tinta
RandomNagawa ko ang mga tulang to batay na din sa mga karanasan sa aking buhay, hindi naman masyadong perpekto ngunit ito ay galing sa kaibuturan ng aking damdamin. Enjoy! Sana magustuhan niyo :) N I K O L E T A ✒✒✒