"Bulaklak"Sayo ay naka sulyap,
Nag niningning aking mata sayong harap.
Kilos mo aking minamasdan,
Bawat pag silay ng ngisi mo saya aking nararamdaman.Ugali mo aking hinahangaan,
Ang makausap ka, loob ko ay gumaan.
Saya na iyong naidudulot,
Isipan ko iyong sinasakop.Ikaw tinitingala,
Hindi lang ng aking sarili kundi lahat ng humahanga.
Damdaming nahulma ng hindi sinadya,
Aking iingatan sa pagkat sayong tabi ako'y masaya.
BINABASA MO ANG
Tinta
RandomNagawa ko ang mga tulang to batay na din sa mga karanasan sa aking buhay, hindi naman masyadong perpekto ngunit ito ay galing sa kaibuturan ng aking damdamin. Enjoy! Sana magustuhan niyo :) N I K O L E T A ✒✒✒