(Lawrence's POV)
She's one of a kind, I think. Kasabay kong naglalakad ang isang high school girl na blonde ang buhok. Parang kanina lang, sabay kaming tumatakbo habang hinahabol ng aso. Hindi ko akalaing mapapahamak ako dahil sa kanya. O baka naman sadyang malas ako dahil nung naghiwalay na kami ng landas dun sunud-sunod na pumasok ang mga disgrasya. Ewan ko pero ramdam kong kakaiba ang babaeng to. May HINDI TAMA sa kanya.
"I'm sorry I got you in trouble." sabi ng mahina niyang boses at humarap sa aking nakayuko.
"Sige. Apology accepted." sabi ko naman.
"Don't worry I'll explain to the principal what had really happened."
Napataas ang kilay ko sa kanya. Nairita na kasi ako eh. Bakit ba siya ingles ng ingles? Marunong naman siyang mag-tagalog eh.
"Pwede bang mag-tagalog ka na lang? Nasa Pilipinas tayo oh."
Ngumiti naman ulit siya. "Okay sige."
"Atsaka wag mo na akong samahan."
"Ha? Bakit naman?"
"Kaya ko na 'tong mag-isa." sabi ko atsaka mabilis na pumasok sa principal's office. Ni-lock ko na rin yung pintuan para di na siya makapasok. Pagkatapos lumingon ako at nakita ko ang prinsipal na kanina pa naghihintay sa upuan niya.
"Mr. Lawrence Brion, maupo ka." ang sabi ng malalim na boses ni Mr. Principal habang tinititigan ako ng masama. Umupo naman ako at humarap sa kanya. Nakuha ko pa ngang ngumiti eh.
"Sa apat na taon mong nandito sa Lory High, laging reklamo ang dumadating sa akin mula sa mga tao sa Barangay Lory dahil sayo. At ngayong ito na ang huling taon mo dito, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot." paliwanag ni Mr. Principal. "Tanungin mo ako kung bakit."
"Bakit po Mr. Principal?" mabilis na tugon ko.
"Dapat ba akong matuwa dahil sa wakas at wala ng mga taong magsisidatingan dito sa opisina ko para magreklamo dahil sa mga kalokohang ginawa mo? O malulungkot ba ako dahil may isang estudyante na nag-graduate sa paaralang to na hindi ko man nakuhang baguhin ang ugali? Na hanggang sa huling taon niya sa hayskul, parang wala siyang natutunan sa pagpasok niya sa eskwelahan. Ano sa tingin mo Mr. Lawrence Brion? Dapat ba akong matuwa o malungkot?"
Napaisip ako sa sinabi ni Mr. Principal. Hindi naman ganun kasarado ang isip ko para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. Hindi rin naman ako manhid para hindi maramdaman ang tunay na saloobin ni Mr. Principal. Hindi ko tuloy nasagot ang tanong niya. Kaya siya na lang ang sumagot.
"Yung totoo, Mr. Brion? Hindi ako natutuwa. Nalulungkot ako."
"Nalulungkot din ako Mr. Principal." bigla ko na lang nasabi sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit ako pa yung estudyanteng magga-graduate sa paaralang to na hindi man lang makuhang baguhin ang ugali, na hanggang sa huling taon niya sa hayskul, parang wala siyang natutunan sa pagpasok niya sa eskwelahan. Sa tingin niyo, bakit ako pa Mr. Principal?"
Kitang-kita sa mukha ni Mr. Principal na hindi niya inakalang masasabi ko yon. Sa unang pagkakataon, wala siyang masabi na di tulad ng dati laging may sagot sa mga tanong ko kapag sinesermon niya ko. Siguro ganun talaga kahirap ang tanong ko para hindi niya masagot. Ako kasi hindi ko rin alam ang tamang kasagutan eh.
"Mr. Principal!~" sigaw ng isang boses pagkatapos mabukas ang pintuan. May hawak-hawak na susi ang high school girl na blonde ang buhok. Dali-dali siyang lumapit sa amin atsaka sinabi, "Please don't expel Mr. Lawrence Brion! It's not his fault, it's mine! I am the one who's responsible for the damage that had done, Mister..."
BINABASA MO ANG
Lira B. Acosta
RomanceShe's BLONDE. She got CURLS. She wears GEEK BIG EYEGLASSES. She's ONE OF A KIND. She's LIRA B. ACOSTA. PROLOGUE: But as Lira B. Acosta Chapter 1: She's one of a kind Chapter 2: Sa Principal's Office Chapter 3: Lunch Buddies Chapter 4: Ang Usapan Cha...