Chapter 4: Ang Usapan

20 0 0
                                    

(Sydney's POV)

Pagkatapos ng lunch kasama si Lira B. Acosta –ang bago naming kaklase, tumambay muna kami ng mga kaibigan ko sa Math Park at syempre kasama, si Lira. Si Jasmine kasi ang presidente ng klase namin. Kaya naman nakiusap si Mam Bermudo na siya na rin ang umalalay o tumulong kay Lira habang hindi pa siya gaanong sanay dito sa bago niyang paligid. Parang bata lang ba? Eh ganon talaga, isa yun sa mga habilin ng kasalukuyang prinsipal ng Lory High School. Pakisamahang mabuti ang bawat kapwa. At dahil kabarkada namin si Jasmine, kasama na rin sa grupo si Lira.

"Saan nga pala si Minzy? Di ba hinabilin din siya sayo Jasmine?" tanong ni Henry kay Jasmine na abalang-abalang nagsusulat.

"Ah. Si Minzy? Kasama sina Ara, Cherry, at Maby. Childhood friends daw silang apat kaya sabi niya sa kanila na lang muna daw sila sasama." paliwanag ni Jasmine samantalang ang mata niya nakatuon pa rin sa sinusulat niya. Tumango naman si Henry.

"Alam mo hawig kayo ni Minzy. Sigurado ka bang wala kang nawawalang kapatid?" natanong ko tuloy kay Henry nang pumasok bigla sa isip ko yung mga mukha nila Minzy at Henry. Umingay na naman sa tawa yung mga kasama ko. Malamang akala nila biro yung tinanong ko. Pero hindi naman biro yun eh. Nagtatanong naman talaga kasi ako.

"Oo nga Henry. Baka naman mala-telenovela pala yang buhay mo, hindi mo lang alam." nakisali naman si Michelle. At dumagdag pa sina Mina at Lawrence,

"Siguro hindi mo lang kapatid si Minzy, baka kambal talaga kayo!"

"Masaya ako para sayo bro! Sa wakas at nahanap mo na ang twin sister mo."

Nakisali na rin ako sa mga halakhak ng mga kumag na to. Si Lira naman mahinhing tumatawa. Si Jasmine nakikitawa rin pero busy pa rin siya sa pagsusulat. Naki-ride na lang din si Henry kaya nakikitawa na rin. Lahat nagsisitawanan maliban lang kay Cedrick, nakatingin siya sa malayo.

"Hoy Cedrick! Anyare sayo?" tawag ko sa kanya sabay pisil sa pisngi niya. Nilipat naman niya ang tingin niya sa akin. Sumimangot siya atsaka sinabing,

"Tanggalin mo nga yang kamay mo sa pisngi ko. Masakit eh."

Tinanggal ko naman. Napangiti ako. "Malalim ata iniisip mo?"

Tumango siya.

"Yung manga book ko kasi na kay Sir David. Hindi ko alam kung paano ko babawiin." tapos ngumuso siya sa tinitignan niya kanina. Si Sir David yun! Akala ko nung una yung estudyanteng babae yung tinitignan niya. Hindi pala! Siguro nga, matagal pa bago maging interesado sa mga babae ang lalakeng to. Hanggang ngayon kasi hindi niya pa rin nakakalimutan yung first love niyang namatay. Kaya naman hanggang ngayon, limang taon na akong may unrequited love.

Sasagot sana ako sa sinabi ni Cedrick eh. Kaso nag-ring na ang bell. Gusto ko pa sana siyang makausap ng mas matagal pa. Malas nga lang dahil kailangan na naming pumasok para sa susunod naming sabdyek. Kainis! Bakit kasi pag yung crush ko na yung kausap ko hindi gumagana yung pagiging madaldal ko?

Lumipas ang isang oras na inaantok ako sa mga pinagsasabi ng titser namin. Hindi ko naman talaga kasi hilig ang mag-aral. Ang gusto ko ay maging singer. Malas lang ulit dahil hindi suportado ng mga magulang ko ang gusto ko. Kaya naman para wala nang argue-argue pa, heto pilit akong pumapasok nang eskwelahan. Buti nga kaklase ko si Cedrick at kahit papano nagkakagana akong pumasok minsan.

"IV-6, wala si Mam Jenny. Nagkaroon kasi ng emergency. Ang bilin naman niya, wag lalabas ng classroom at wag masyadong mag-iingay. Kaya sana, maki-cooperate kayo kung ayaw niyong sumagot ng sangkaterbang math equations." announcement ni Jasmine sa klase namin. Tapos kinausap niya si Olive, bise presidente ng klase namin. Lumabas na nun siya ng klasrum pagkatapos.

Lumingon ako sa likod ko. Hinanap ko si Cedrick. Nagbabaka-sakali kasi ako na pwede pa naming ituloy yung usapan namin kanina. Problema nga lang, mukhang malabo. Nakayuko na kasi siya eh! Malamang uubusin na naman niya ang oras na to para matulog. Lagi na lang siyang ganyan! Wala ba siyang balak maki-socialize sa mga kaklase namin? Kaya nga nung kinausap niya si Lira, sobrang nagselos ako eh.

"Sydney tara C.R. tayo." yaya sa akin ni Michelle. Tumango naman ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Nagpaalam muna kami kay Olive bago lumabas ng klasrum. Siya muna kasi ang in-charge eh. Inaasikaso daw kasi ni Jasmine yung mga events para sa Sports Festival ng eskwelahan namin. Bukod kasi sa presidente siya ng IV-6, club officer din siya sa Mapeh Club na siyang humahawak ng Sports Festival.

Sinamahan ko si Michelle hanggang sa labas ng C.R. Hindi na ako pumasok tutal hindi naman ako naiihi. Naghintay ako sa may upuan sa labas ng C.R. Habang naghihintay, napalingon ako banda sa kaliwa sa may Science Garden. Dahil 20-20 ang vision ko, napansin ko sina Jasmine at Lira. Nag-uusap silang dalawa. Mukha ngang masinsinan ang pag-uusap nila eh. Kaya naman dahil masyado akong mausisa sa mga bagay-bagay, lumapit ako malapit sa kanila. Nagtago sa isang malaking puno at nakinig sa usapan nila nang hindi nila namamalayan.

"You're here to help me. At hindi para sirain ulit ang buhay ko."

"Don't overreact, Jasmine. Lawrence helped me so I don't want him to get in trouble because of me. For sure, you don't want him to get expelled. Right?"

"Hindi yan ang tinutukoy ko!"

"What do you mean?"

"Start making a distance with Cedrick, or else he'll fall for you."

Naramdaman ko ang sobrang pagtibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala. Tama ba lahat ng narinig ko? Ito ba ang katotohanan? Ano bang klaseng usapan tong napakinggan ko? Ano? Ano!


Lira B. AcostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon