Chapter 6: Ang Tungkol kay Lira

25 0 0
                                    

(Lawrence's POV)

Kanina pa ako pa-ikut-ikot sa Lory High School. Nasaan na ba talaga kase si Jasmine? May tatanong ako sa kanya eh. Napakahalaga ng tanong na'to kaya kailangang ngayon ko na mismo marinig ang sagot mula sa kanya.

 "Nakita ko siya kanina sa Mapeh Club room." sagot ni Lira nang itanong ko sa kanila kung nakita nila si Jasmine. Napatitig ako ng matagal kay Lira. Hindi ko alam pero may namumukhaan ako sa kanya.

"Bakit mo pala tinatanong kung nasaan si Jasmine?" tanong niya ulit.

"May itatanong ako sa kanya." sambit ko. "Ano pa lang ginagawa ni Jasmine don, Lira?"

"Sports festival?" hindi siguradong sagot ni Lira.

Tumango naman ako. Tapos bigla na lang akong nawala ng parang hangin. Narinig ko naman ang pagtatatalak ni Olive sa may corridor. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa MAPEH Club room.

Pumasok ako. Wala namang tao eh. Saan na ba nagsisisuot si Jasmine? Nakakapagod ang ganitong klaseng hanapan!

"Anong ginagawa mo dito Lawrence?" isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Lumingon ako sa likod kung saan ko narinig yung boses. Si Jasmine, at yes naman sa wakas! May hawak-hawak siyang dalawang bolang pang-volleyball at apat na chessboard.

"Hinahanap kita. Saan ka ba nagsisipunta?"

"Alam mo naming busy ako sa Sportsfest, di ba?" pumasok siya sa rum. Sumunod naman ako saka siya tinulungan sa mga dala niya.

"May gusto akong itanong sayo."

"Alam mo naman kung anong isasagot ko, di ba?" binaba ni Jasmine yung mga bola sa isang kahon tapos pinatong ko sa mesa yung mga chessboard.

"Hindi yun ang gusto kong itanong." humarap ako sa kanya. "Totoo ba?"

"Ha? Anong totoo?"

"Ang tungkol kay Lira?"

"Ah. Yun ba? Oo naman. Bakit? Ngayon mo lang nalaman? Nung Friday ko pa sinabi sa klase ang tungkol diyan eh."

"Absent ako nung araw na yon."

"Ay, oo nga pala." napatango siya. "Naku naman! Bakit ba laging late na lang kayong dalawa ni Cedrick sa mga balita?"

"Hindi rin alam ni Cedrick?"

"Absent din siya nun."

Tumango ako. Nakakatawang isipin. Si Cedrick napansin niyang absent pero ako, hindi. Napangiti ako.

"Sabihan mo na lang siya, okay?"

"Bakit ako pa? Di ba pwedeng ikaw?"

Umiling siya. "Hindi eh. Tsaka busy ako."

"Sabihin mo nga sa akin. Ano bang nangyari sa inyong dalawa ni Cedrick? Bakit parang bigla kayong nag-iiwasang dalawa?"

Hindi sumagot si Jasmine. Bagkus, iniba niya ang usapan nang tanungin niya ako.

"Ano bang meron kay Lira? Bakit interesadong-interesado kang malaman kung totoo o hindi yung tungkol sa kanya?"

Naramdaman kong ayaw na talagang pag-usapan ni Jasmine ang tungkol dun. Kaya naman bilang respeto sinagot ko na lang yung tanong niya sakin.

"Dahil kung totoo yung tungkol sa kanya..." putol ko. "Hindi malabong mahanap ko na rin ang matagal ko nang hinahanap."

"Anong ibig mong sabihin?"

"May matagal na akong hinahanap na tao."

"Tao?"

Napabuntong-hininga ako. Ayoko kasing ikwento ang tungkol don kay Jasmine. Hindi rin naman niya maiintindihan. Bahagi yun ng nakaraan kung saan hindi ko pa siya nakikilala. Kung kailang hindi pa ako umaasang mag-iba ang tingin niya sa akin bilang kaibigan.

"Oo." sagot ko sabay ngiti. "Salamat sa pagsagot. Una na ko."

"Teka." pigil ni Jasmine nang buksan ko na ang pinto para makalabas.

"May sasabihin ako at sana pakinggan mo tong mabuti." tuloy niya. Humarap naman ako sa kanya. Ramdam ko ang kaba at malakas na pag tibok ng puso ko. Natatakot kasi ako eh –takot na marinig yung mga salitang ayokong sabihin niya.

"Wag mo na kayang ituloy."  sambit ko.

"Layuan mo na ako." at yon ang mga katagang ayaw na ayaw kong marinig mula sa kanya.


Lira B. AcostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon