(Troy's POV)
Paano ba ang maging isang mabuting ama? Ang tumayo bilang ama at ina? Ira, matagal na ang nakakalipas nung huli mo akong iwan. Kasabay nun ang pagsilang mo sa kambal nating anak. Sa kanila ako humugot ng lakas at hanggang ngayon, humuhugot ng lakas para magpatuloy pa sa buhay. Nakikita ko sila sayo. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo sila? Ang kaso nga lang, mukhang hindi ko sila napalaki ng maayos. Dahil ang kambal natin, lumaking layo na ang loob sa isa't isa.
"Why are you still pretending as Jane Fernandez? Didn't I tell you to stop already?" pagkapasok ko ng pintuan sa bahay namin, sumalubong sa akin yung kambal kong anak na nagsasagutan.
"Jane, I can't stop pretending."
"But why? You're investing for a life that is not even yours. Don't you want to live as you?"
"I want to live, Jane. And this is how I want to live."
Umiling si Jane. Tapos nag-walk out naman si Jean. Lumingon naman si Jane at nakita niya ko. Nakasimangot na lumapit sa akin ang anak ko.
"Dad! I thought Jean had already stopped with this stupid idea." may halong pagpipigil na galit sa boses ang nasambit ni Jane sa akin.
"Jane" mahinahon kong tinawag ang pangalan niya. "Jean had reasons. And I find those reasons reasonable naman."
"Stop bugging off dad." hindi ko napansing biglang sumingit si Jean. Nandito pa pala siya at narinig niya ang usapan namin. "Nakiusap ako sa kanya na wag ipaalam sayo ang tungkol dun. Kaya wag na wag mo siyang pagbuntungan ng galit mo."
"Can't I trust anyone in this family anymore? So now everyone is lying all this time?" hirit ni Jane.
"Tama na ang usapan na 'to." sabi naman ni Jean. Nagsimula na siyang umakyat sa taas. Pero bago siya tuluyang makapasok sa kwarto niya, sinigaw niya 'to.
"Pwede ba Jane? Wag kang mag-ingles dito! Wala ka na sa Amerika! Pilipinas na 'to!"
"Sorry. I still have a jetlag. I just got here from America." sagot naman ni Jane.
At ang pag-aaway na yun ay nangyari nung nakaraang linggo sa mismong araw na dumating si Jane galing Amerika. Tapos, heto na naman sila. Nagsasagutan ulit.
"Paano pag nahuli ka? Delikado yang ginagawa mo! You know, I've been there." unti-unting tumataas ang boses ni Jean.
"Please Jean, para sa ikatatahimik to ng konsensya ko. Wag ka nang manggulo pa."
"Hindi ako nanggugulo. I'm just concerned. Besides, mahirap magpanggap. I've been there."
"Oo na, you've been there." nagbuntong-hininga si Jane. "Pero kung sinasabi mo mismo na delikado 'to, eh bakit hindi mo pa itigil din yang pagpapanggap mo?"
"Itinigil ko na. Para sa ikatatahimik ng bibig mo." at nag-walk out na naman si Jean. Gaya ng dati, lumingon si Jane at nakita niya ko. Kaiba lang ngayon, hindi na siya nakasimangot. Expressionless lang nga.
"Hi dad." bati niya na walang emosyon. Bumuntong-hininga siya. "Dad, tama pa ba tong ginagawa ko?" at dun na tumulo ang mga luha ng anak ko. Agad ko naman siyang niyakap.
"Sundin mo kung anong sinasabi ng puso mo." yun ang naipayo ko sa kanya.
"Pero paano kung yung gusto ng puso ko, mali pala?" tuloy siya sa pag-iyak.
"Eh di, matuto kang itama yon. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, tama ang mga nagiging desisyon natin. Di ba? Ang mahalaga, marunong kang manindigan at tanggapin na nagkamali ka."
Ira, hanggang kailan? Hanggang kailan kailangang magpanggap ng mga kambal natin? Hanggang kailan nila kayang mabuhay ng ganitong klaseng pamumuhay? Pasensya ka na, Ira. Dahil naging ganito ang kinalabasan ng kinabukasan ng mga anak natin. Hindi ko alam kung paano maging ama at ina. Hindi ko alam kung paano maging isang mabuting ama. Ang alam ko lang kase, mahal ko ang mga anak natin.
BINABASA MO ANG
Lira B. Acosta
RomanceShe's BLONDE. She got CURLS. She wears GEEK BIG EYEGLASSES. She's ONE OF A KIND. She's LIRA B. ACOSTA. PROLOGUE: But as Lira B. Acosta Chapter 1: She's one of a kind Chapter 2: Sa Principal's Office Chapter 3: Lunch Buddies Chapter 4: Ang Usapan Cha...