Chapter 9: The Twin Sister

10 0 0
                                    

(Lawrence's POV)

Isang buwan na lang ang natitira sa akin. Malas nga lang dahil ang isang buwan na 'to, sa paglilinis ko gugugulin. Dahil sa insidenteng nangyari kamakailan lang noong una kong nakilala si Lira, heto isang buwan kong pagtitiyagaang linisin ang Math Garden at Science Park. Dapat nga kasama ko si Lira sa paglilinis ngayon! Ang kaso nasuspinde siya nang isang linggo. Pambihira! Nakakainip na 'to.

"Hindi ko akalaing masipag ka pala." isang pamilyar na boses ang narinig ko. Pagkalingon ko, si Lira ang nakita ko.

"Lira?" ngumiti siya.

"No." umiling siya. "It's me Jean. Remember? Jean Fernandez?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Totoo ba 'to o panaginip lang?

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.

"Teka lang." sabi ko naman. "Totoo ba to? Ikaw ba talaga yan, Jean?"

Tumango siya sabay ngiti. "Oo ako to. Totoo ako, Lawrence C. Brion."

Napatawa na lang ako sa pagbanggit niya sa buong pangalan ko. Niyakap ko siya agad. "Ang laki mo na!" sabi ko sabay halakhak.

"Sira. Parang ikaw hindi."

Alam kong hindi tamang iwan ko na lang basta ang nililinis kong Math Garden. Pero nahila ako agad ni Jean e'. Atsaka pitong taon na ang nakalilipas noong huli kaming magkita. Sa ospital sa Amerika kami nagkakilala ni Jean. Sa ospital ding yun ang huli naming pagkikita. Ang kwento niya malala raw ang sakit niya kaya napagdesisyunan ng pamilya niya na sa Amerika siya ipagamot. Kapag daw gumaling na siya, babalik na rin daw sila sa Pilipinas. Sabi niya rin, mayroon siyang kambal. Hindi nga lang sumama papuntang Amerika dahil sa pag-aaral niya. At syempre, ayaw ni Jean na makita ng kambal niya ang hirap na pinagdadaanan niya. Mas matanda kasi ng ilang mga minuto si Jean.

"Kung hindi lang dahil sa kapatid ko, hindi ko malalamang matagal ka nang bumalik ng Pilipinas." sabi ni Jean.

Nasa Mcdonald's kami dahil gustong kumain ni Jean dito. Malapit lang din kasi ito sa Lory High School kaya okay lang sa akin.

"Sinong kapatid?" tanong ko naman.

"Hindi ko alam kung anong pangalan ang ginagamit niya sa school niyo. Pero I think it's Lira since yun ang tinawag mo sa akin nung makita mo ko."

"Kapatid mo si Lira B. Acosta? Yung bagong transfer?"

Tumango naman si Jean. "It's Jane Fernandez, actually."

"Jane?" napaisip ako bigla. "Ah! Jane Fernandez. Oo, siya nga!

"Buti alam mo agad?" kumunot ang mga noo ni Jean.

"Sinabi sa amin ni Jasmine yung tungkol sa pagpapanggap ni Lira."

"What? She did?" pagtatakang tanong ni Jean. "Kung ganon, ano talagang balak niya sa kapatid ko?"

"Gusto lang ni Jasmine na bigyan ng pagkakataong magbago si Jane."

"Pwede ba?" naiinis na sambit ni Jean. "Ang taong talagang marunong magpatawad, walang hinihinging kapalit sa pagpapatawad niya."

"Ngayon, sabihin mo sa akin. Wala pa bang nangyayaring pangaapi sa kapatid ko?" tuloy niya.

Umiling ako. "Wala naman."

Bigla namang hinawakan ni Jean ang mga kamay ko. "Please kindly protect my twin sister. Kung may nangaapi sa kanya, ikaw na mismo ang magtanggol sa kanya. Dahil simula nung nangyari yung insidenteng yon, hindi na muling lumalaban si Jane kapag inaaway siya."

"Anong insidente?" tanong ko naman sa kanya.

"Two years ago, may isang school competition na sinalihan ang kapatid ko. Nang malapit na ang oras na siya na ang magpeperform, walang Jane na lumitaw sa stage. Hindi alam nang lahat na ako ang nagperform."

"Ano? Ikaw ang nagperform? Akala ko ba nasa Amerika ka?"

"Bumalik ako para sa performance na yun ni Jane. Request niya."

Tumango naman ako. May sense nga naman kahit papano. "Kung ganon, bakit ikaw ang nagperform?"

"Bago kasi magsimula ang program, may sinabi sa akin si Jane." patuloy ni Jean. "Kung oras na at wala pa raw siya, ako na ang bahala."

"Nung una, hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Nagsimula lang nagkaroon ng mga kasagutan ang mga katanungan ko nang siya na ang magpeperform pero wala pa siya. At mas lumiwanag pa ang lahat nang malaman kong nasa ospital ang kapatid ko." dagdag niya.

"May sakit din ang kambal mo?" singit na tanong ko sa pagkukwento niya.

Umiling naman siya. "Hindi. Bugbog-sarado nang dalhin si Jane sa ospital. Si Seth ang nagdala sa kanya sa ospital. At ang sabi niya, biktima daw ng bullying ang kapatid ko."

"Bullying? Hindi ba't si Jane ang nambubully?"

Ngumiti muna si Jean bago tumango.

"Yes. In fact, she's in a group kung saan sila mismo ang nagsimula ng pambubully."

Tumango-tango naman ako. "Oo. Naaalala ko pa yung grupong Zone na nakilala ko lang dahil sa pambubully nila kay Jasmine."

"And yes, it's the Zone who did that brutal incident to my twin sister!" may halong galit sa tono ng boses ni Jean.

"Any idea kung bakit nabiktima ng bully ang kambal mo?"

"It's nothing but the stupid FAME." sagot niya. "My sister is gaining popularity sa school at that time. She's talented, pretty, smart, an athlete, and everything that a girl could be jealous of. The Zone's leader can't just accept the fact na may isang baguhan na sisira sa popularity niya."

"So ganun pala yun. Anong nangyari pagkatapos?"

"Well, lumipad si Jane papuntang Amerika. Habang ako, nagpanggap bilang siya."

"Ano?!" sa pagkagulat ko sa sinabi niya, muntikan ko nang maitapon yung Mcfloat na iniinom ko. "Para saan? Mahilig kayong magkambal na magpanggap no!"

Ngumisngis si Jean. Akala niya siguro biro yung sinabi ko. Kung alam lang niya, seryoso ako  dun!

"Hindi mo ko masisisi dahil gusto kong ipaghiganti ang kapatid ko na nauwi naman sa isang malaking pagpapatawad sa mga nambully sa kanya."

"Talaga? Kwento mo nga."

"Mahabang kwento. Saka na lang. Hanggang dito na muna ang mga kailangan mong malaman. Basta sikreto lang natin to. Gaya ng dati, wala sanang bulgaran."

Ngumiti si Jean. Nilabas niya ang isang envelope na kanina niya pa dinadala. Sa loob nun, kinuha niya ang isang papel –isang papel na naglalaman ng kontrata namin. Kulay ng buhok niya lang ang nagbago. Ang pag-iisip niya ganun pa rin –parang isang bata.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lira B. AcostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon