(Cedrick's POV)
Ano bang dahilan mo sa pagpasok mo sa eskwelahan? Ako, gusto kong matuto. Gusto kong magkaroon pa ng mas maraming kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay. Gusto kong maging mabuting mag-aaral na magiging kapaki-pakinabang sa ating bansa. Yan ang gusto ko, DATI. Oo, dati dahil hindi na ngayon. Ganun ba talaga kapag lumalaki na? Nag-iiba na ang pananaw mo sa buhay? Nag-iiba na ang mga pananaw mo sa mga bagay-bagay?
7:00 am. Tumingin ako sa wall clock ng klasrum namin sa likod. Saktong-sakto talaga sa pagpasok si Mam Bermudo. Siya ang first period teacher namin, slash, adviser ng IV-6. Kaya naman hindi na ako magtataka kung siya na rin ang magpapakilala sa dalawang bago naming mga kaklase para sa huling taon namin dito sa eskwalahang to.
"Her name is Lira B. Acosta." mala-fluent na pag-iingles ni Mam Bermudo habang ipinapakilala niya samin yung babaeng blonde and curly ang buhok tapos nakasuot ng malaking geek eyeglasses. Yung totoo? Anong klaseng style yan?
"Good morning~" masaya pero may pagkamahinhin na bati nung transferee na Lira B. Acosta ang pangalan habang nagrereflect sa kanyang malaking geek eyeglasses yung sikat ng araw. "You may call me Lira and I hope we guys could get along this school year."
"And by the way class, Lira is from America. She just got here last week and still a bit unfamiliar with the places, customs, and etc. regarding with the Philippines. So class I hope you would help her coping up in her new environment." dagdag ni Mam Bermundo sa isa pa niyang mala-straight english na pagsasalita. Nagtaas siya ng kilay sabay ngiti kay Lira. Tapos nagsalita ulit siya ng isa pang straight english.
"So Ms. Go, why don't you introduce yourself to the class?"
"I'm Minzy Go." sabi nung isa pang transferee na may isa ring kakaibang style. Ang buhok? Purple-grayish short hair tapos naka-cap pa. Buti nga hindi nagsalamin eh. Pero ang pinakakapansin-pansin sa mukha niya ay ang mga mata niya. Singit kasi eh. Tapos dun ko narinig ang sinabi ni Mam Bermudo.
"Obviously, Minzy is a Korean but she's fluent with Filipino so you class need not to worry."
Oh wow~ Isang Amerikano at isang Koreano ang mga bago naming kaklase. Si Lira B. Acosta mukhang happy vibes ang meron. Kanina pa ngumingiti eh. Ang kaso parang binagsakan ng kamalasan si Minzy. Nakabusangot eh. Atsaka yung mga mata niya na kahit maliit lang mukha namang nanlilinsik sa inis. Kung pagmamasdan mo ng mabuti, parang opposite ang personality ng dalawang 'to. Yung isa extrovert, yung isa naman introvert. Opposite, di ba?
"Okay Ms. Lira, your seat is beside Mr. Turqueza, the guy holding a manga book."
Pagkatapos sabihin yun ni Mam Bermundo, lumakad papalapit sa lugar ko si Lira. Sa ilang segundong naglalakad siya, ang tanging alam ko ay nakatitig lang ako sa kanya. Blonde ang kulay ng buhok, fair lang ang skin tone, at kulay blue ang mga mata pero hindi siya mukhang Amerikana.
"Hi." bati niya sa akin sabay ngiti. Tapos umupo siya sa upuan sa bandang kaliwa ko. Lumingon ako sa kanya, at dun ko pa lang na-realize na ako pala si Mr. Turqueza -Cedrick Turqueza. At si Lira B. Acosta naman ang bago kong seatmate.
"A.. a..." mahabang 'a' ang nasabi ko. "Hello, I'm.. I'm.. I'm.. Cedrick.. Ced.. Cedrick Turqueza."
"I like the way you talk." ngumiti siya. Nagsitawan naman ang mga kaklase ko. Biglang umingay ang buong klase at napuno ng tawanan ang bawat sulok ng silid-aralan.
Nanahimik lang sila nung bigla akong tumayo. Tinitigan ko si Lira nang mabuti. Hindi ko rin ma-imagine ang itsura ko habang tinititigan siya. Basta ang alam ko medyo naiinis ako sa tawanan ng mga kaklase ko. Isa na ito sa mga most embarassing moments ng buhay ko.
"Cedrick S. Turqueza, that's my name!" malasundalong pagsasalita ko.
Litung-lito namang nakatingin si Lira sa akin. At pagkatapos ng ilang minuto, siya naman ang biglang tumayo. Ramdam ko ring nakatitig ang lahat sa aming dalawa.
"Lira B. Acosta, that's my name!" panggagaya niya sa akin. "Is that how you introduce yourself here? I'm sorry. I didn't know."
Face-palm. Nakakamurit pa lang katabi ang ganitong klaseng tao eh. Kaya naman mas lumakas pa ang tawanan ng mga kaklase ko. Lahat tumatawa maliban lang sa akin, kay Lira, at kay Mam Bermudo. Parang di nga alam ni Lira ang ginagawa niya eh. Nakatingin lang talaga siya sa akin.
"Nanggaling ka ba talaga sa Amerika?" natanong ko tuloy sa kanya out of nowhere.
"Oo naman." sumagot naman siya.
Teka, teka, teka, teka! Marunong siyang mag-tagalog? I mean mag-Filipino?
"O bakit marunong kang mag-tagalog?!" napasigaw ako sa gulat.
"Obvious naman sa mukha at kulay ko di ba? Pilipino ako. Tumira lang ako sa Amerika pero hindi ako Amerikano."
"Mababaliw ako sayo! Ano bang klase kang tao?"
"Uhm, tulog kapag discussion?" sabay ngiti.
"Oh, nagagawa mo yun?"
"Kaya kong matulog ng dilat ang mata."
"Ano???"
Hindi ko alam kung saan na napunta ang usapan namin. Kakaiba siya. Kakaibang mag-isip. Kakaiba ang sense of humor. Kakaiba ang aura. Kakaiba ang personality. She's one of a kind, ika nga.
"Gusto niyo sa labas an lang kayo magchikahan?" nahinto usapan namin nang sumingit si Mam Bermudo.
Lumingon si Lira sa akin at sinabing, "Tara, sa labas tayo mag-usap."
Another face-palm. Hindi ko alam kung special child ba siya or sadyang ganyan lang talaga siya. Pero sigurado akong seryoso siya sa sinabi niya eh. Makikita mo kasi sa mukha niya.
"Ano ka ba? Ibig sabihin nun manahimik ka na. Magtuturo na si Mam Bermudo." sabi ko atsaka umupo na. Nakatingin lang sa amin si Mam Bermudo habang si Lira naman lumingon sa kanya. Nang mapansin niyang seryoso ang mukha ni Mam Bermudo, umupo na rin siya. Tapos nanahimik na ang buong klase hanggang sa may isang bagong dating na sumira sa katahimikan.
"I'm sorry I'm late." humihingal na humingi ng paumanhin si Lawrence kay Mam Bermudo habang nakatayo sa may pintuan.
"What happened Mr. Brion? Bakit parang hinabol ka ata ng aso, ha?" nagtaas ng kilay si Mam Bermudo. "Why are you late? Another grandmother story na tinulungan mong tumawid sa kalye?"
"This time Mam hindi lola kundi high school girl na blonde ang buhok." sagot ni Lawrence sabay ngiti. Pumasok siya ng klasrum. Sinarado ang pintuan. Lumapit sa upuan niya atsaka umupo. Pinagmamasdan siya ng buong klase gaya ng dati. Maging sina Lira at Minzy nagtataka sa ibang klaseng pag-uugali ni Lawrence.
Nang makaupo na si Lawrence, natigilan ang lahat nang pumasok sa klasrum namin ang prinsipal ng Lory High School. Nakasimangot siya. Nanlilinsik ang mga mata. Nakakunot ang noo. Atsaka galit na sinabi, "Nasaan si Mr. Lawrence Brion?!!"
Tumayo si Lawrence. "Yes sir?"
"In my office, now!" sumigaw si Mr. Principal at maging ako, kumabog ang dibdib at sumakit ang tenga. Lumabas na ng klasrum pagkatapos si Mr. Principal. Habang nakatayo si Lawrence at inihahanda ang sarili sa mahahabang sermon, kinalbit ko siya sa likod. Kaharap ko lang siya ng upuan. Lumingon naman siya at pagkalingon niya, nanlaki ang mga mata niya.
"Oh! Si high school girl na blonde ang buhok!" sigaw niya pagkatapos napangiti siya. "Sa dinami-dami ng mga seksyon, dito ka pa napunta? Welcome!"
Ngumiti naman si Lira. Tapos tumayo siya. Nagtaas ng kamay at sinabi, "Mam Bermudo, I need to go to the principal's office with Mr. Lawrence Brion. Excuse me for a while." Hinablot ni Lira ang kamay ni Lawrence atsaka sila lumabas ng classroom. Litung-lito naman ang lahat sa mga nangyari. Pati nga si Mam Bermudo hindi alam ang gagawin eh. Natulala na lang siya sa paglabas ng dalawa.
Ako naman na isang ordinaryong estudyante lamang na pumapasok dahil sa baon, kinuha ang manga book ko atsaka ipinagpatuloy ang pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Lira B. Acosta
רומנטיקהShe's BLONDE. She got CURLS. She wears GEEK BIG EYEGLASSES. She's ONE OF A KIND. She's LIRA B. ACOSTA. PROLOGUE: But as Lira B. Acosta Chapter 1: She's one of a kind Chapter 2: Sa Principal's Office Chapter 3: Lunch Buddies Chapter 4: Ang Usapan Cha...