(Cedrick's POV)
Pangalawang araw na nyan ni Lira dito sa Lory High School. Nakakatawa ngang isipin ang mga kahihiyan na nangyari kahapon sa akin dahil sa kanya. Tapos hindi rin ako makapaniwalang nabawi ni Lira mula kay Sir David ang manga book ko. Kakaibang mga pangyayari talaga ang nangyayari sa buhay ko.
"Anong nakuha mo?" nakangiting tinanong ni Lawrence sa akin kung anong score ko sa Quiz naming sa Math.
"20? Out of 50, 20 ka lang? Naku naman Cedrick! Hindi ka pa rin nagbabago." umiling-iling si Lawrence.
"Bakit? Kaw ba, ilan?"
"49 lang naman." may halong pagmamalaking sagot ni Lawrence.
"Nangopya ka no" biro ko naman sa kanya.
"Nangopya ka dyan!" depensa naman niya. "Skills 'to, tol!"
"Sige na, skills na yan. Sabi mo eh. Pero may mas gagaling pa sa skills mo. May naka-50 daw eh."
"50? Oh? Sino daw?"
"Ewan ko. Tanong mo."
Tumayo bigla si Lawrence. Kahit kailan talaga, padalos-dalos ang kilos ng lalakeng 'to. Buti na lang lumabas saglit si Mr. Punzalan, titser namin sa Math. Kundi, siguradong mapapagalitan to. Swerte siya at pinamimigay lang ng mga ibang kaklase namin ang mga test papers namin.
"Hoy! May tatanong ako. May naka-50 ba sa inyo?" sigaw ni Lawrence sa buong klase. Napatingin naman ang lahat sa kanya dahil sa lakas ng boses niya tapos 'hoy' pa ang tinawag sa mga kaklase namin. Ang kaso, wala namang sumasagot o nagtataas ng kamay. Tahimik ang lahat na nakatingin sa kanya. Hanggang sa may sinabi bigla si Aya, isa sa mga nagbibigay ng mga test papers.
"Aaahh. Si Lira ata, 50 ang score."
Napanganga kaming lahat. Oo, hindi lang ako. Maging ang iba naming mga kaklase. Namangha sila sa narinig nila. Hindi lang pala sila, ako rin pala. Paano ba naman kase. Nag-test si Lira na hindi man nai-discuss sa kanya yung lesson. Kaya naman ibinaling naming lahat ang tingin kay Lira. Gusto naming itanong sa kanya kung totoong naka-50 siya. Ang kaso, tulog siya.
"Kung 50 talaga siya, malamang matalino si Lira." sabi ni Jiya, seatmate ni Lawrence.
Nakapatong sa isang libro ang ulo ni Lira. Kita ang isang side ng mukha niya. Tapos naiisip ko kung hindi pa siya nahihirapan sa pagtulog dahil suot niya salamin niya. Pero kahit ganun, mukha namang masarap ang tulog niya. Nakakatawa ring isipin na nakangiti siya habang natutulog. Napangiti din tuloy ako. Napansin naman yun ni Lawrence. Bumulong siya sa akin.
"Mukhang kahit tulog si Lira, napapangiti ka niya ah."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. Ngumingisngis naman siya na parang may ibig sabihin siya sa binulong niya.
"Iba talaga utak mo." sabi ko saka ako tumawa.
Buti na lang dumating sina Sydney, Michelle, at Henry. Nararamdaman ko kasing may patutunguhan ang usapan namin ni Lawrence eh. At ayoko sana yung mangyari.
"Woy Lawrence! Ano tong balita na lilipat ka na raw ng eskwelahan?" tanong ni Henry kay Lawrence sabay upo sa upuan sa tabi ni Lawrence.
"Ha? Sa'n nanggaling yan?" may pagkagulat na tugon ni Lawrence.
"Balita ko kasi sumuko ka na kay Jasmine eh."
Ngumiti naman si Lawrence saka tumango. Nagulat naman kaming lahat sa pag-amin niya.
"So totoo nga?" nanlaki ang mga mata ni Henry.
"Ha? Anong nangyare?" tanong naman ni Sydney.
Ngumiti ulit si Lawrence. Umiling siya saka sinambit, "Pinapalayo na niya ako sa kanya."
BINABASA MO ANG
Lira B. Acosta
RomanceShe's BLONDE. She got CURLS. She wears GEEK BIG EYEGLASSES. She's ONE OF A KIND. She's LIRA B. ACOSTA. PROLOGUE: But as Lira B. Acosta Chapter 1: She's one of a kind Chapter 2: Sa Principal's Office Chapter 3: Lunch Buddies Chapter 4: Ang Usapan Cha...