(Cedrick's POV)
Nanaginip ako. Kainis nga dahil panaginip lang. Mas maganda kasi kung ibabalik na nga talaga ni Sir David yung manga book ko. Akala ko pa naman totoo na! Nakakatamad na tuloy matulog ulit. Nakakasira lang ng realidad.
"Cedrick nakita mo ba si Lira?" tanong sa akin ni Cecile.
Lumingon ako sa upuan niya pero wala siya dun. Lumingon-lingon din ako sa kaliwa't kanan at sa iba pang sulok ng klasrum namin. Nakakapagtaka lang at wala siya.
"Hindi eh." sagot ko sa kanya.
"Sige." sabi niya sabay alis.
Yung totoo? Saan ba nagpunta yun? Baka napano na yun. Di ba hindi pa siya gaanong pamilyar sa lugar na to? First day niya pa lang dito. Itong si Lira na talaga, hindi ko maintindihan!
"Bawal lumabas." humarang sa pintuan si Olive. Tumayo na kasi ako at naisipang lumabas nang klasrum. Baka kasi naligaw na si Lira.
"Magsi-C.R. ako. Bawal na ba yun ngayon?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako naiihi. Yun lang naman kasi ang naisip kong paraan para makalabas dito eh.
"Alam mo naming may patakaran tayo, di ba? Hindi pa bumabalik si Lawrence galing C.R. Hintayin mo muna siya at dun ka pa lang makakalabas."
"Ang strict mo naman masyado." sinungitan ko tuloy si Olive. Tapos may biglang kumatok sa pintuan. Binuksan yun ni Olive. Habang ako, agad napalingon sa pumasok. Si Lira yun! Siya lang mag-isa. Hindi niya kasama si Lawrence. Akala ko kasi magkasama na naman sila eh.
"Saan ka nanggaling?" bigla kong natanong kay Lira.
"Sa principal's office. Dumating kasi si dad. May mga pinag-usapan lang na some important matters with the principal." atsaka siya ngumiti. "Bakit? May kailangan ka ba sa akin?"
"O Cedrick, mag-c.r.ka na!" malakas na tawag ni Olive sakin kahit na alam naman niyang malapit lang ako sa kanya. Saka ko naman napansin na pumasok si Lawrence. Napatingin kaming dalawa ni Lira sa kanya.
"Nakita niyo ba si Jasmine?" tanong ni Lawrence samin. Umiling ako. "Hindi eh. Bakit?"
Bigla naman sumagot si Lira. "Nakita ko siya kanina sa Mapeh Club room."
"Cedrick, magsi-c.r. ka ba o hindi? Magsi-c.r. din kasi si Gab." sumingit ulit si Olive.
"Hindi na! Umurong na ihi ko." sagot ko kay Olive.
"May itatanong ako sa kanya." seryosong sinambit ni Lawrence. "Ano pa lang ginagawa ni Jasmine don Lira?"
"Sports festival?" hindi siguradong sagot ni Lira.
Tumango naman si Lawrence. Tapos bigla na lang siyang nawala ng parang hangin. Si Olive naman, hayun, nagsisitalak sa may corridor. Saka ko naman binaling ulit ang tingin ko kay Lira. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Ngumiti siya bigla.
"Pasensya kung mukhang napahiya kita kanina sa klase ni Mam Bermudo." sabi niya tapos may inabot siyang libro sa akin. "Pwede na siguro yan bilang reconciliation gift no?"
Tinanggap ko naman yung libro. Tapos pagkatingin ko dun, nagulat ako! Yung manga book ko yon na naka-confiscate sa klase ni Sir David. Grabe! Paano niya na bawi yun? Nanlaki ang mga mata ko at umabot hanggang tenga ang ngiti ko.
"Paano mo nabawi to?" tawa ako. "Thank you!"
"Ginamitan ko ng magic si Sir David." atsaka siya ngumiti. "Fairy Tail pala yang binabasa mo. Akala ko nung una One Piece eh."
"Oo, Fairy Tail. Buti alam mo? Manga-reader ka rin?"
Tumango siya. "Oo naman. Anime-lover din!"
Wow. Kaiiba siya. Akala ko mga pa-kikay ang alam nito eh. Di ko akalaing may hilig din pala siya sa manga at anime. Kadalasan kasi, mga lalake ang mga kakilala kong may hilig dito eh.
"Naruto, Death Note, Katekyo Hitman Reborn, Fairy Tail at Koroko's Basketball." sinabi niya sa akin yung mga paborito niyang mga anime. Yan daw ang top 5 niya. Nagkwentuhan pa kami ng mas matagal tungkol sa mga anime at mangas na nabasa na namin. Kahit nung umupo na kami sa mga upuan namin, daldalan pa rin kami tutal magkatabi lang naman kami. Hanggang sa dumating na ang sunod naming titser. Dun lang kami natahamik at nakinig na sa klase.
BINABASA MO ANG
Lira B. Acosta
RomansShe's BLONDE. She got CURLS. She wears GEEK BIG EYEGLASSES. She's ONE OF A KIND. She's LIRA B. ACOSTA. PROLOGUE: But as Lira B. Acosta Chapter 1: She's one of a kind Chapter 2: Sa Principal's Office Chapter 3: Lunch Buddies Chapter 4: Ang Usapan Cha...