(Jasmine's POV)
"Hi, I'm Jasmine Albiya." pagpapakilala ko sa sarili ko sa bago naming kaklase. Ang pangalan niya ay Lira B. Acosta. Kasama na siya ngayon sa mga kasabay kong kumain ng lunch. Kasama din namin sina Lawrence, Cedrick, Henry, Michelle, Sydney, at Mina -ang mga kabarkada kong mga kaklase ko rin. "Sila naman sina Michelle, Sydney, Mina, yung bumili ng lunch natin -sina Henry, Cedrick, at yung masugid kong manliligaw na hanggang ngayon hindi ko pa sinasagot -si Lawrence."
"Lira B. Acosta." sabi naman niya sabay ngiti.
"Ano nga palang pinagusapan niyo sa principal's office at sinamahan mo pa si Lawrence?" tanong naman ni Michelle. Sasagot na sana si Lira kaso nauna na si Lawrence.
"Kung ano man yong pinagusapan dun, wala ka na don Michelle. Bakit ba napaka-tsismosa mo?"
"Bakit masama bang magtanong?" hirit naman ni Michelle.
"Hindi, para sa iba. Pero sayo, oo." sagot ni Lawrence. "Yang mga tanong mo kasi nagbubunga ng mga kwentong hindi totoo."
"Tama na nga yan!" pinahinto na ni Henry ang dalawa nang ilapag na niya sa mesa yung mga pagkaing binili nila ni Cedrick. "Heto na lunch niyo."
Buti nga at hindi na humirit si Michelle eh. Kung hindi, away na naman ang kahihinatnan nito. Ewan ko ba kung bakit sobrang init ng dugo ni Lawrence kay Michelle. Sa totoo lang kasi, mas una kong naging kaaway si Michelle bago naging kaibigan. Kakaiba rin kasi ugali nito eh. Buti nga at nakuha niya pang magbago kahit papano. Pero ang sabi naman ni Lawrence, hindi pa raw siya nagbabago.
"Lira, bakit ka nga ba bumalik dito sa Pilipinas? Atsaka bakit sa Lory High School mo pa napagdesisyunang mag-aral? Marami namang ibang mga eskwelahan dyan eh. Nga pala, kanina ko pa gustong itanong sayo to eh. Natural hair color mo ba ang pagka-blonde mo? O nagpakulay ka lang?" nagsimula na naman ang mga sunud-sunod na mga tanong ni Sydney. Sa amin kasing pito, si Sydney ang pinakamadaldal lalo na kapag may bagong mga kakilala.
"Hindi mo kailangang sagutin lahat ng tanong niya." biro ni Henry kay Lira.
Sumimangot kay Henry si Sydney. Kami naman nagsitawanan. Maging si Lira nga, napatawa sa sinabi ni Henry.
"Nagtanong pa ako kung hindi niya rin sasagutin no!" depensa ni Sydney.
"Eh sa dinami-dami ba naman kasi ng mga tinanong mo, sa tingin mo naalala niya lahat yun?" sagot naman ni Henry.
"Wag na kayong magtalo. I've remembered everything. At sasagutin ko lahat ng tanong mo Sydney." sumingit na sa usapan si Lira. Ngumiti siya at nagsimula nang isa-isahing sagutin ang mga tanong ni Sydney.
"First question: Bakit ka bumalik sa Pilipinas? Answer: Pinadala ako ni dad back here in the Philippines para magpakatino. You know, I was a b**** girl in America."
"Second question: Bakit sa Lory High School mo pa napagdesisyunang mag-aral? Answer: I was not the one who made the decision to study here. It was my dad who fixed everything. I guess he has connections in this school that's why. Para siguro mabantayan din nila ako."
"Third question: Natural hair color ba ang pagka-blonde mo? O nagpakulay ka lang? Answer: No, my natural hair color is black. Told you, I was a b**** girl back then. Out of curiousity, I want to try everything, ANYTHING."
Yun ang mga sagot niya. Gaya ng mga sagot na sinabi ko sa kanya kapag tinanong siya ng mga bagay na ganon. Lahat ng mga sagot niya, puro KASINUNGALINGAN. Maliban na lang dun sa natural hair color dahil nagpakulay talaga siya ng blonde. Pero ang katotohanan? B***** talaga siya dati pero hindi yung mga pagkakataong nasa Amerika siya kundi nung mga araw na nag-aaral pa siya dito sa Pilipinas. Bakit ko alam ang mga bagay na to? Simple lang. Dahil ako si Jasmine Albiya -ang dahilan ng pagpasok ni Lira B. Acosta sa eskwelahang ito.
"I'm here to apologize." nakaupo sa may sofa sa sala namin si Jane Fernandez. Si Jane ang isa sa mga taong hindi ko makakalimutan nung nag-aaral pa ako sa Elite Academy. Siya kasi ang dahilan kung bakit ako na-kick out sa eskwelahang yun. At ngayong nandito siya sa pamamahay namin, hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya.
"Apologize for ruining my future? What the hell?!" ang nasabi ko sa kanya. Sa totoo lang, matagal ko na siyang napatawad sa kasalanang ginawa niya. Nagpapasalamat din nga ako dahil nangyari yun. Mas umayos kasi ang buhay ko pagkatapos kong lumipat sa Lory High School.
"I know forgiving is not as easy as 1, 2, 3. But I hope there could still be a way for you to accept my apology." tumayo siya at kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niya talagang mapatawad ko siya.
"Yes, there is still a way." sabi ko pagkatapos sumulpot ng isang ideya sa utak ko. Ideya na hindi lang ako ang mag-bebenefit kundi pati ang mga tao sa Lory High school, at maging siya.
"What is it?" tanong niya.
"Study at Lory High School..."
"Well, that seems complicated."
"I know. And we'll make it more complicated."
"What do you mean?"
"You will study at Lory High School not as you but as LIRA B. ACOSTA."
"I will fake my identity?"
"Yes, obviously. Why? Can't your connections do that? "
"Well, surely they can. But why can't I just study at Lory as me? Why even fake my identity?"
"Knowing that you're from Elite Academy, everything will start to crumble by the time they have learned the truth."
"What are you saying?"
"For these past few years, there had been a conflict between Lory High School and Elite Academy because of Victoria and her friends."
"But does it matter to me? I'm not attending at that school anymore. I told you I just arrived from America these past few days. I had stayed there for years." napaisip bigla si Jane. Ako din naguguluhan sa sinasabi niya. Anong hindi na pumapasok? Nakita ko pa nga siya nung isang araw na naka-uniporme ng Elite Academy sa may Ministop eh. Tapos sasabihin niyang hindi na siya pumapasok? Wag mong sabihing hindi siya yun!
Saka naman biglang napatingin si Jane sa akin. Parang may biglang pumasok na kasagutan sa utak niya. "It's not me, Jasmine. It's Jean."
"Who's Jean?"
"JEAN FERNANDEZ."
BINABASA MO ANG
Lira B. Acosta
Roman d'amourShe's BLONDE. She got CURLS. She wears GEEK BIG EYEGLASSES. She's ONE OF A KIND. She's LIRA B. ACOSTA. PROLOGUE: But as Lira B. Acosta Chapter 1: She's one of a kind Chapter 2: Sa Principal's Office Chapter 3: Lunch Buddies Chapter 4: Ang Usapan Cha...