Mika's POV
Andito ako ngayon sa kwarto. nagaantay ng tawag nila Kim para yakagin nila akong gumimik ngunit hindi nagyakag.. Iniisip ko. Na siya pala ang dahilan ng lahat. pero bakit ganun. kahit hindi ko maalala na siya pala ung mahal ko. ay naiinlove paren ako sakanya. Wow. just wow. Ganun ba kalakas ang tama ko dun sa stick na yun?
Well. simple siya, attractive at yung ngiti niya pamatay. ewan koba basta ang alam ko mahal ko siya. Biglang pumasok na kwarto si Ara.
"Hindi ka galit sakanya?" tanong ni Ara saken sabay upo sa side ng kama ko.
"Hindi ko kayang magalit sa taong mahal ko.." sabe ko dito. hindi ko naman talaga kaya yun eh. parang may something si jessey na nakakapag palambot ng puso ko na ne isang tao wala pang nakakagawa.
Well maybe meron.. si Kuya kasi understandable yung taong yun eh. kaya mahal ko yun talagang mapang asar lang.
"Pagibig nga naman oo" sabe ni Ara at humiga naren.
May nagtext saken. at dahil dun napangiti ako. tutal maaga pa naman. Nag shower ako ng mabilis.
"Vic alis lang ako.." sabe ko tapos bumaba nako hindi ako naintindi ng bullies dahil nanunuod sila ng tv ewan ko kung ano pinapanuod. 500 days of summer ata yun malay.
dumaretso ako ng dorm ng mga tigre at nadatnan kong kausap ni Jessey si Jeric Teng sa may labas ng dorm. Bigla akong nabatrip ah. Napaclose fist tuloy ako.
Mika.. Calm down kaya ako pumunta dito para igala si Jessey. Lumapit na ako at napansin ako ni Jessey na palapit na.
"Sige Jeric thanks sa flowers!" sabe nito kay Jeric at ngiting tagumpay ang loko. Hindi pa ako tuluyang nalapit pero rinig ko na usapan nila. Nakita ako ni Jessey at ibinaling niya ang tingin kay Jeric.
"walang anuman hahaha.." sabe ni Jeric na may pahawak hawak pa sa batok. pshh..
"Cge mauna kana Jeric may bago akong bisita eh hahaha..." sabe ni Jessey sabay tingin sa gawi ko. napangit naman ako sa sinabe nito dahil may kasunod nakakainlove na ngiti. napagisip isip ko na hindi ko muna sakanya sasabihin na naalala ko na ang lahat dahil magugulat ito.. at isipin niyang magagalit ako sakanya.. at first oo sumama loob ko pero narealize ko hindi ko kayang magalit sa taong sobra kong minahal..
"Huy!" bati nito saken kaya bumalik ako sa katinuan. hindi ko alam napatunganga ako sakanya dahil sa aking iniisip..
"ahhh he hahaha! Ganda mo kase kaya na ano.. na.. napatunganga ako.. hahaha." pautal utal kong sambit. magsasalita pa sana siya ngunit hindi ko na siya pinagsalita dahil niyakap ko siya ng mahigpit. hindi ko akalain na mamimiss ko siya ng sobra. nagpumilit siyang kumawala sa yakap ngunit hinigpitan ko pa at wala siyang nagawa kundi yumakap din...
"Ano sumapak sayo at niyakap moko.. parang di tayo nagkita ng tatlong buwan ah..." bigla siyang napatahimik sa sinabe niya.. tatlong buwan ang nakalipas nung nacomatose ako.. kumalas ako sa yakap at hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at hinawi ko ang buhok na sagabal sa mukha niya..
"namiss lang kita hahaha." Sabe ko dito at yung mga mata niya ay puno ng pagtataka kung bakit ako nagkakaganto. bigla niya nalang pinisil ang ilong ko..
"Baliw kana kamo hahaha. tara pasok.." sabe niya. papasok na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Ehh. kaya ako nandito magpapasama sana ako sayo.." sabe ko dito at isinilid ko ang kamay ko sa aking bulsa para kuhanin ang cp niya.. "Cellphone mo nga pala.." dugtong ko pa. agad niya naman itong kinuha haha. nahiya kasi ang wallpaper niya ay picture naming dalawa.