6

1.9K 17 4
                                    

Jessey's POV

'May narinig akong nakanta kahapon... Hindi ko alam kung panaginip or what basta.. naakit niya tenga ko kahit sintunado... kaya ko naiisipang kantahin to. diba ito yung storya nung I gotta find you sa camp rock hinahanap niya kung sino kumanta nung narinig niya.. siguro pag nalaman ko kung sino yung kumanta nun ma~Mapapatay ko. HAHAHA' Hala mapapatay naman brutal.

'Bakit mo naman papatayin?' Tanong ko.

'Nakakasira ng Tenga kasi haha!' tumahimik ng saglit. matapos niyang sabihin yun..

*Krooo.kroooo*

Tapos bigla siyang tumingin saken.

'Ganda mo pala noh hahaha!' sabe niya tapos nilagay niya yung buhok ko sa likod ng tenga ko. *tugdug..tugdug...* angbilis ng tibok ng puso ko shet!

'Alam ko yun matagal na. bakit inlab ka saken noh?!' pabiro kong tanong dito at ito ay ikinagulat niya.

'Loka! Pero seryoso ang ganda mo' sabe niya tapos tumungo siya. ang seryoso ng mukha niya.

'Tama na pambobola haha!'

'Bakit ba lahat ng sinasabe ko hindi mo sineseryoso tsss..'

****

Ilang Buwan naren ang nakalipas. at ito. Ngayon ay mag bestfriend na kami ni Mika. Samantalang dati noh? Binubully ako kahit ngayon binubully paren ako haha. Fourth Yr. na kami ni Mika. ang bilis ng panahon no? andito kami ngayon may laban ng volleyball. magaling din un makakalaban namen. kaso di ako makakalaro kase na injured ako. tanga eh no? HAHA minor lang naman. habang lutang ang isip ko ay palapit si Mika saken.

'Di ka talaga makakalaro?' tanong nito saken.. Umupo siya sa tabe ko.

-________- nice question mika! kaya ko naman ikaw lang tong ayaw ako paglaruin tapos tatanungin moko. Kfine.

'Hindi. Ayaw mo eh tsss.' pagtataray ko dito

'Eh baka lumala yan..' sabe niya saken sabay hinalikan ako sa noo.

Tapos tinatawag na sila ni Coach para mag warm up.

'Tawag kana ohh' sabay ginagalaw ko yung left shoulder ko kasi nakalean yung ulo niya.

'Cheer moko ah?' sabe nito.

'Yung kabilang team ichecheer ko'

'Geh..' sabay tumayo na siya.. habang nagwawarm up nakasimangot siya..

Nagsisimula na ang laro. at ang galing nung isang player dun. simula palang naka 2 straight points na. 0-2 na 0 kami -.- Daming nagchecheer kay mika pero halatang wala siyang gana. bigla akong siniko ni Niks. nagpabangko kasi siya..

'Cheer mo si Mika!' sabe nito saken

'Ayoko nga!'

'Bahala ka pag natalo tayo sisisihin ka namin' sabe nito tapos nagpa sub ulit. tapos lumabas si Ian. at kinausap din

'Halimaw yung team captain nung kabilang team! saket nung braso ko kakablock at kakarecieve ng mga hampas niya! si Mika lang talaga pagasa' sabe ni Ian

magchecheer na sana ako saktong service nung captain nung kabilang team at biglang nagtilian at nagsigawan ang mga tao. parang UAAP lang? HAHA infairness ang gwapo nung galang i mean,. magandang gwapo :) Love at first sight ang PEG? konti lang. crush ko na ito.. galing niya kasiiii...

'GO GALANG!!!'

'We Love you Victonara!'

Sigaw ng mga tao.. Nung pagkaserve ni Galang hindi narecieve ng maayos ni Niks. Palakpakan ang mga tao at napa palakpak din ako... nakita pala ni Mika yon at kita ko sa mga mata niya ang inis.. Sa pag kaserve ulit ni Galang. si Mika na ang sumalo nito at sinet ito ni Niks kay Mika at inispike niya ito at pinatama ito kay Galang. Hindi na recieve ng maayos ni Galang kaya nagoutside. Napasigaw ako.

'Go MIKA!!!!!!!' napatingin sila saken.. Habang si Mika. nakangiti habang naglalaro. tinuloy tuloy ko ang pagchecheer kay Mika hanggang matapos ang laro. Agad siyang lumapit saken. yayakapin niya na sana ako.

'Ewwww. dun ka nga BF ang baho mo!' sabe ko sabay takip ng ilong ko.

'Ay.. ipinanalo ko panaman para sayo tss.' sabe niya niya habang inaayos yung gamit niya dahil magshoshower na siya. bigla ko siyang niyakap sa likod. Kahit naman pawis tong kapreng to. Amoy baby paren HAHAHAHA. Ang bango niya.

'Huy.. wag mabaho ako.. intayin mo nalang ako sa shower room' sabe niya sabay kinalas niya mga kamay ko sa bewang niya at hinawakan niya kamay ko.. ng biglang dumating yung mga player ng kalaban namin. nilapitan kami ni Mika..

'Congrats sainyo mika..' sabe nung isa tapos pinat ang ulo ni mika.

'Nice game!'

'Next time ulit'

'MVP!'

'Salamat.. Good game!' sabe ni Mika

At yung huli.. ay si Vhic? ba yun? Ayun Victonara Galang.. :'>

'Congrats miks. sayang di nakalaro team captain nio' sabe ni Vic sabay nakipagshake hands kay Mika. tapos tumingin saken.

'Galing ng team mo. sayang di ka nakapaglaro.' sabe niya tapos nakipagshakehands.

'Ara Galang nga pala.' sabe niya saken nakatitig paren siya saken shet kinikilig ako :'>

'Je...Jess..Jessey De Leon nga pala' sabe ko

'Sana sa susunod na paglalaban naten makakapaglaro kana ah!' sabe niya saken sabay kindat ^.~

'Sige mauna na ako' pag papaalam nito samin,

'Mauna na ako sa shower room bf baho ko na' cold ng voice niya sabay dumeretso na siya ng shower room, problema nun?

tapos bumalik si Ms. Galang... :') nagmamadaling lapitan ako..

'Uhmm.. Ito oh para sayo' sabe niya sabay abot ng baller na green.. plain siya

'Sana suot mo paren pag nagkita tayo' dugtong nito.

'Sure' sabe ko sabay sinuot ko yung baller.

'Pwede mahingi number mo?' tanong nito saken

'su---' naputol sasabihin ko ng biglang may sumigaw..

'JESS! Tawag ka ni Coach!' sigaw ni Ian.

'Aww.. next time nalang. mukhang mainit ulo ng coach ko eh. bye!' sabe ko dito sabay pumunta ako kung nasan si Coach..

Mika's POV

Urghhhh... Hind ko alam kung nagseselos ako o ano. tch... yung mga tingin ni Jessey dun kay Galang, urghhh, mukhang mabait naman eh pero nagseselos ako! madami man nagchecheer dun mas marami paren saken. Saka mas hamak na magaling ako dun no! joke hindi magaling talaga yung Galang haha!

Antagal ko dito sa shower.. nakababad sa tubig ng biglang pumasok si Jessey.

'Hoy dalian mo daw bf maiiwan kana!' sabe nito. 'May kakausap pa sayo' masayang sabe nito tapos. nagbihis nako.. palapit na kami kay Coach ngayon na may kasama.. o.o kasama ni Coach yung Galang! saka may iba pang kasama...

'Miss Reyes.. i have a good news for you'

~~~~~~~

Sorry for the lame update. bawi ako^.^ congrats DLSUST! :) Hindi ako makagetover sa dig ni Mika dun sa spike ni Dindin hehe! vote then comment po ^.^

YOU'RE MINE FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon