Chapter Three

22 0 0
                                    

Chapter Three

Monday nanaman. Nakakatamad gumalaw ng gumalaw,gusto ko lang matulog sa kama ko. An gaga masyado ng pasok ko ngayon….sana lagi nalang Wednesday!

Nag suot ako ng cardigan na black, yung paborito kong suotin na white muscle tee,ripped skinny jeans at ang mahiwaga kong sneakers na itim. Next week daw ang start ng pagsuot naming ng uniform para daw i-promote yung school naming.Ano ba yan!! Andami nilang arte sa buhay. Sa tingin niyo gusto ko magsuot ng maikling saya na ganun? Tapos black shoes? Ang cornyyyy! Makikita mo yung mga maarte mong blockmates or schoolmates na nakasuot ng mga close shoes at mga 3 inches heels na black shoes.

“Hello bestfriend! Gooooooodmorning!” sabi ni Cedric na masayang-masaya dahil nakita nanaman akong nakabusangot.

“Kanina lang, Good ang morning ko!” pasigaw kong sabi sakanya.

“Ang sungit mo naman.Cute ka pa naman sana” tapos nag pout siya.

Alam ko namanang cute ako, no need to mention. At isa pa, baka lang naman isang Rivera ‘to! HAHAHAHAHAHAHAH

“Tara na, punta na tayo sa klase natin. Ilang minutes nalang mal-late na tayo” sabi ni Cedric tapos tumalikod siya, at nag pout uli.

Ang cuteeee! Pero sorry pare,di akko mag kakagusto sayo. Hindi nga kasi tayo talo, ano ‘to? Bromance? Lalaki nag kakagusto sa lalaki? Yuck!

Kinalabit ko si Cedric. “Uy pare, sorry na” sabi ko, bababaan ko nalang yung pride ko. Kaysa naman maging loner ako sa room mamaya.

Hindi niya padin ako pinapansin. Nagtatampo siguro,huuhuu. Oh well, paper.

Dumating kami sa room at nakasabay naming sa pagpasok si prof. Henares na mukhang Goodvibes. Lahat yata ng tao ngayon ay Masaya, except lang samin ni Cedric. Ang awkward tuloy,di kasi siya nag sasalita e. Nakakapanibago.

“Ms.Rivera?” tawag  ni Prof.

“Yes Prof?” nagtataka kong sabi, ano ba ginawa kong masama? Wala naman diba.

“Pinapatawag ka sa Dean’s Office. Urgent lang daw” sabi ni Prof at tumingin uli sa libro niya.

Nag bago yung mga emosyon sa mukha naming ni Cedric. Nagulat siya ako naman kinakabahan na ewan na hindi ko talaga maintidihan kung ano nararamadaman ko. Naglalakad ako sa hallway, nakita ko si Kath sa may bench malapit sa caf. May kausap na lalaki, nakikipag-landian nanaman. Hay nako, nakaka-ano lang talaga. BAKIT BA BADTRIP AKO NGAYONG ARAW!!

Sabi ni Dean sakin, dumating na daw sila Mommy. Pinapauwi daw ako at sasabihin niya nalang daw sa mga prof ko na Urgent lang at excused ako sa lahat ng Activity ngayon.Friend pala ni Mommy si Dean…..kaya pala wala nang naganap na pagtatalo na gusto ko dito mag aral…at ang bilis ng process ng enrollment ko!

Hala, lagoooooot.Ano ‘tong suot ko. Papagalitan ako ni Mommy, masyadong malalim yung iniisip ko kanina. Cedric kasi e, di ako pinapansin.

Pagpasok ko ng bahay. Nakita ko agad si Mommy, nakaupo sa may sala at mukhang galit. Tumingin siya sakin at nakataas ang isang kilay. Hindi ko siya matignan ng diretso sa mata. NAKAKATAKOT YUNG NANAY KO.

“Mom….” Hindi ko natuloy yung sasabihin ko.

“Anong nangyari sa mga damit mo? Puro Muscle tees, t-shirt, pants? Sinusuot ba yun nag isang desenteng babae? Nasaan yung mga heels at dress mo? Anong tawag diyan sa suot mo?” Sunond-sunod na tanong sakin ng Reyna.

“Ma, nag role play kasi kami kanina. Ako daw yung HS Grad lang….kung hindi mo’ko pinatawag edi sana nakapagbihis pa’ko” Phew! Palusot-dot-com-dot-ph :D Galing!

“Anak, kailangan ba natin ulit-ulitin na hindi pwede yang ganyan sa pamilya natin? Mag bihis ka dun at mamimili tayo ng damit mo” Tumalikod siya at umakyat papunta sa kwarto. Narinig ko nalang yung pag sarado niya ng pinto.

Sabi sainyo e.Ang reyna lang ang nag-iisang tao na kaya akong pagsuotin ng dress at heels. Ang reyna talaga ang makapangyarihan sa lahat.5 years na akong ganito, hindi padin ako tinatantanan ng reyna. Mapapagod ka din, tiwala lang.

Mga 11 PM nadin kami nakauwi galing sa mall. Ang dami naming pinamili. Heels,dress,shirts, croptops, shorts at skirts. Nako, mukhang madami nanaman ang matatanggap na Advance Christmas Gift ni Kath sakin ah or ipapatago lang ni daddy itong mga ito. Wala e, Junior  to ni Dad!!:”>

Pagod na pagod ako, pero si Mommy? Mukhang kulang pa yung pinamili niya. Buti nalang talaga hanggang 9 PM lang yung mall. Kumain pa kami, hindi ako makakain ng madami. Pinapalo ni Mommy yung kamay ko pag kumukuha ako ng madami. TT___TT THIS IS WHAT YOU CALL HELL.

Hindi ko pa nakikita si Daddy,tulog na daw e. Matutulog na din ako.

---

A/N:

Medyo corny ba? :3 MAG COMMENT KASI KAYO HAHAHA, SORRY PALA SA MGA TYPOS, SA WORD KO KASI INEDIT TO E. KAYA GANON HEHEH :)

ParekoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon