CHAPTER EIGHT
Hindi padin ako makapaniwala sa isang malaking change na nangyari saakin. Isang malaking pasasalamat talaga to sa ulitmate body guard ko. He's the one!!! Hmm....ano kaya babagay na mga damit sa new look ko?
Pumunta ako sa closet ko para tignan yung mga damit ko. Ang laman lang ng damitan ko. Skirts,dress, croptops, t-shirt, pants. Triny ko lahat ng pwedeng i-try pero hindi ko alam kung bakit walang bumabagay sakin. I need you bestfrienddddd. Tinext ko si Kath para pumunta dito sa bahay.
-
Dumating si Kath na haggard na haggard. Ano kaya nangyari dito.
"Oh ano mer.....BAKIT ANG KALAT!?" nagulat siya dun sa mga nagkalat na damit. "NINAKAWAN BA KAYO? NAPASOK KAYO NG MAGNANAKAW? ANOOO?"
"Ikaw....anong nangyari sayo?" natatawa kong sagot.
"Ayun, napuyat kakareview sa long quiz namin." matamlay niyang sinabi. Actually, hindi pala-aral 'tong bestfriend ko inspired nanaman yata.
Kwinento ko sakanya kung ano yung nangyari sa kwarto ko. Parang binagyo kasi pala yung kwarto ko. Ang hirap talaga maging isang babaeng walang alam sa fashion. Babae..este tomboy. Bakit ganun? E yung nanay ko sikat sa fashion world. Tas ako ganito? Kaya siguro galit saakin si Mommy.
"Anoooooooooooong meron? Bakit ngayon mo lang napansin na ganyan ka?! Ang ganda-ganda mo bestfriend!! Tara dali shopping tayoooooooooooo!!!!"may kasamang palakpak at talon na sabi ni Kath.
"Tara? Hahaha."
--
Dumating kami sa Mall, at wala akong idea kung saan talaga kami pupunta. Naawa ako sa card ko....sana buhay pa siya after nito.
Hinila ako ni Kath papunta sa isang sikat na bilihan ng damit....WOW JUST WOW. Ang gara ng mga damit ano ba yan!! nag lakad ako palayo pero hinila ako ni Kath!
"Alam mo best, dahil TOMBOY ka. Hindi pa bagay sayo ang mag dress,skirt at croptops. WAG KA LAGING MAG P-PANTS!HINDI KA LALAKI, BABAE KA BEST. BABAE. BA-BA-E."
"Tomboy pa?" nagtatakang kong tanong sakanya.Hindi talaga kami mahilig mag usap sa mga ganitong bagay.TOMBOY AKO, TOMBOY. Sa tingin niyo maiintindihan ko yung mga sasabihin niya kung ganto pag uusapan namin? Syempre hindi diba?!
"Oo best, kaya puro shorts,flats, muscle tees or shirts muna ang bibilhin natin" sabi niya habangtumitingin sa mga damit at i-tiniry sakin.
Ang daming kinuhang damit at short ni Kath.Mga something na di ko pa natry suotin. I usually wear maong shorts and muscle tee or plain t-shirt. Yung mga kinuha niya....It's something cool.
"Alam mo best, ang taste ko sa fashion ay Hipster dahil para ito sa lahat.Sa babae,lalaki,TOMBOY,bakla,baboy mga ganun. Paminsan-minsan classy para sa mga formal attires na party or lakad.Okay nag-gets mo ba?" Wala akong naintindihan kaya umiling lang ako.Busy na busy siya sa pamimili ng damit. Kumuha siya ng tig isang White at red dress, Triny niya saakin.
BINABASA MO ANG
Parekoy
Teen FictionNagtatago ako sa likod ng kasuotan ng mga lalaki. Lahat ng ginagawa nila, ay kaya ko din gawin. Isa lang ang hindi, Ang umibig ako sa kapwa ko babae. May dahilan pero hindi ko kayang matanggap! Sabi nga diba, Truth hurts!