Chapter Six
Goodmorning! August na! Sobrang daming nangyari sa buhay ko. Kahit hindi padin nakaka move-on si Irish Lopez sa nangyari nung nakaraan. Kontrabida padin siya, pati nadin ang Nanay ko. Baka nawawalang kapatid ko si Irish? Joke lang syempre, ayaw niya akong maging kaibigan. Satingin niyo gugustuhin kong maging kapatid si Irish? NO WAY.
Buhay padin naman ang tatlong taong mahalaga saakin. Si Daddy, na sobrang coolet, kasi ang cool niya tapos ang kulit niya! Grabe. Si Kathlyn and Cedric,ayun! Kalog padin! ahahaha.
Medyo maingay ngayon sa school. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang meron at busy silang lahat.
--
"PRECIOUUUUUSSSSSSSSS!!" sabi nung babae, at kumakaway pa.
WHO YOU??
"Hello, remember me?"
"Ahhhh, hehe. Oo, ikaw si Carmela Rosario, yung president ng Business Ad Department at yung nagsabi sakin na ako yung sa c......." at bigla kong naalala yung sinabi niya saakin dun sa may bulletin.
"Yes! I'm glad you remembered! Eto na pala yung details para dun sa Search! Goodluck! Si Seann Smith pala yung partner mo. I'll talk to both of you soon!" Inabot niya sakin yung papel at tumalikod na siya.....humarap ulit siya."See you later! madami pa akong gagawin. Paki-abot nalang nitong papel kay Seann! Thanks!" at umalis na ng tuluyan si babaeng madaldal!
Na-speechless ako. Nagulat ako sa mga pnagsasabi niya. HINDI AKO PUMAYAG PLEASE LANG!!! Nilagay ko nalang sa bag ko yung papel. Si Seann Smithhh? E snobbers yun e. Kala mo kung sinoong pogi, kapal ng mukha. MAS POGI AKO SAYO PARE!
"Hey wassup bro!" sabi ni Cedric kasama si Kath.
"hindi ata maipinta yung..." sabi ni kath, bigla akong sumingit.
"Nakita niyo ba si Seann Smith?" tanong ko.
"H-hindi,O-oo" sabay na sabi ni Cedric at kath.
"BAKIT?" sabay ulit na tanong nila.
"Saan?" binalewala ko lang yung sinabi nila.Tapos hinanap ko na yung Seann Smith na yun. Nako! subukan niya lang talaga na snobin ako. Kapal ng muka niya.
Nag tanong tanong ako sa mga tao dun sa campus. Wala na akong pakialam kung hindi ko sila kilala,besides campus king naman daw si Seann Smith na yan. Pero halos lahat ng pinag tanungan ko hindi daw nila nakita si Seann Smith!!
Ako na yata yung pinaka haggard sa lahat ng haggard. Salamat kay Carmela at Seann! Pagod na pagod na talaga ako. Umupo nalang ako sa bench malapit sa isang malaking puno. Ang saya lang dito, refreshing! ang lilim pa. Thank you big tree!! :"> The next thing I know is black.............
--
Nagising ako kasi feeling ko may tumitingin sakin. Alam mo yung mga kwento na, nagigising ka ng alas tres ng madaling araw? Diba may nakatingin daw sayo nun?
Pagkamulat ko ng mata ko, may nakita akong lalaki.Pamilyar yung mukha niya, pero di ko siya matandaan. Nagulat ako, kasi malapit na yung lips niya sa lips ko!!!!! sumigaw akooo,natumba siya.
"Rapist! manyakis! walang hiya ka!!!" sigaw ko habang hinahampas ko siya.
Inirapan niya lang ako at hinawakan niya yung kamay ko. Nag inhale at exhale siya."It's not what you think okay?" kalmadong-kalmado niyang sinabi.
Tumingin ako sa paligid ako. Ang sama ng tingin ng mga babae sakin. Puzzled naman yung mga lalaki. Nakakahiya, pero nag iinit talaga dugo ko dito sa lalaking 'to. Nag walk-out nalang ako
Ang kapala talaga ng mukha nung lalaking yun! Sino ba siya para mang istorbo ng natutulog na pagod na tomboy? E loko pala siya e! 'It's not what you think' pwe! grrr
nakasalubong ko si Kath. Nagkatinginan kami. PArang alalang-alala siya at nagulat. Bigla niya akong hinila.
"Hoy! ikaw babae ka, bakit hindi mo manlang sinabi sakin na ikaw na talaga yung ipanlalaban nila sa search? Ang pangit pangit mo oh!" galit na galit na sabi niya. "Hindi ko naman sinasabi na pangit ka talaga. Ang pangit mo kasi di ka nag aayos!"
"ARAY KO! ANO BA!!! SAN BA TAYO PUPUNTA?!" badtrip ana nga ako,pagsasabihan pa ako ng ganito. putek!
"SA PARLOR AT SA MALL. MAG M--MAKEOVER KA!!!!"
Natigilan ako. WOW?! MAKE-OVER? GANUN NA BA AKO KAPANGIT? GRABE NAKAKA OFFEND.
![](https://img.wattpad.com/cover/14580494-288-kdaec9e.jpg)
BINABASA MO ANG
Parekoy
Teen FictionNagtatago ako sa likod ng kasuotan ng mga lalaki. Lahat ng ginagawa nila, ay kaya ko din gawin. Isa lang ang hindi, Ang umibig ako sa kapwa ko babae. May dahilan pero hindi ko kayang matanggap! Sabi nga diba, Truth hurts!