Chapter Four
Lord, tulungan niyo po akong kontrolin ang sarili ko.
Naiinis na po ako ng sobra sa aking Nanay.
Pinipilit po akong magsuot ng croptop at skater skirt.
Hindi ko po talaga kaya ito. Pasensya na po kayo.Huhuhu
Napuyat ako ngayong araw na ito dahil sa nanay ko! Pumunta kami sa party kagabi,pinag suot ako ng high heels at inutusan niya yung anak ng friend niya na i-ikot-ikot ako sa bahay nila. Ang laki kaya ng bahay nila. Napaka ew! Ang baho ng hininga niya, ang daldal pa. Ang sakit tuloy ng paa at katawan ko, idagdag mo pa yung ulo ko, sa sobrang pagtitiis dun sa anak ng friend ni Mommy. Nakaka migraine! Nag totootbrush ba yun? Nakakaloka!
Pumasok ako ng meron pa'kong dark circles.Para akong naka drugs na rockstar! huhuhu. Nakita ako ni Cedric pati na din ni Kath. Nagtinginan sila at tumakbo papunta sakin.
"Okay kalang?" kalmadong tanong ni Cedric
"ANONG NANGYARI SAYO?!" tarantang-tarantang tanong ng malandi kong bestfriend.
Kwinento ko sakanila na nakarating na sila Mommy,pati na din yung nangyari kagabi. Nandidiri padin ako pag naiisip ko yun.Naka-make-up pa ako. Ang kati sa mukha! bvvvv
Nakita ko yung lalaki na masungit, naglalakad papunta sa library. Naiirita padin ako pag naalala ko yung tinanong ko siya nung nakaraan. Matalino siya,kahit loner siya sa room. Madami din daw nag kakagusto sakanya. Oh Romeo....ay no! Erase!!! Erase!!
"It's rude to stare bestfriend!" bulong sakin ni Cedric mula sa likod.
Medyo nagblush ako kasi nahuli niya akong natulala. Haller, babae padin ako no. Malambot padin ang puso ko. Hindi lang talaga ako umiibig! :)
"h-ha?! Puyat lang ako no!!!!!" sabi ko. At nag lakad na ako papunta kay Kath na nauuna na saamin
Nag smirk lang siya. Hinawakan niya yung wrist ko at hinila ako papunta sa . . . . . . . .
PARKING LOT?!?!?!?!?!?!??!?! HALA NA'KO!!!!! ANO KAYA GAGAWIN NITOOOOO!!!
Lord. binabawi ko na po yung prayer ko tungkol sa Nanay ko.
Inaamin ko po na nagkamali ako.
Patawarin niyo po ako please!
Hindi ko po talaga sinasadya. huhuhu
"S-san tayo pupunta?" may halong takot kong tanong.
"Sa bahay." sabi niya habang nakasmile at nakahawak sa monobela.
"Sa b-bahay?! N-niyoooo?!" pasigaw kong sabi.
"Yup." matipid niyang sagot.
Sabi niya, papatulugin niya daw ako sa bahay nila at papahiramin ng t-shirt. Hindi daw bagay saakin mag croptop. Ang pangit daw tignan na pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi daw siya sanay. Pagkasabi niya nun, nakahinga naman ako ng malalim hahaha.
Pagkagising ko hapon na.Nakita ko si Cedric,nakahiga sa sofa, tulog din. Bumangon ako tapos inayos ko yung kama na hinigaan ko. Bumaba ako, wala masyadong tao...mga 5 katulong lang na paikot-ikot sa bahay nila. Nasaan naman kaya ang parents nila Cedric?
Nagpaalam ako kay Manang na lalabas lang ako saglit. May bibilhin lang ako, bibili ako ng toothbrush! Badbreath na e, ahaha.
Pagkadating ko, chineck ko yung phone ko. 15 messages? 20 missed call? Nag toothbrush muna ako tsaka nag naghilamos tapos chineck ko na yung mga text nla sakin.
From: Katthhyy
Precious! Nasaan ka?
From: Katthhyy
Hoy! Wala ka bang load?
From: Katthhyy
Nagtext daw sayo si Tito!
From: Katthhyy
Kasama mo ba si Ced? T_T
From:Katthhyy
Iniwan niyo ako! Walangya ka talaga.
From: Dad
Prinsesa ko, mg-iingat ka.
From: Dad
Nak,wag mo na ibibigay kay Kath yung
mga damit. Itabi mo lang sa cabinet
mo, okay? Miss you anak. I love you.
Yung missed call na 20, puro kay kath lang. Na-touch naman ako kay Dad :"( Hindi pa kami nagkikita e. Busy kasi sa work e. One day,mararanasan ko din yan! hahaha
Umuwi nalang ako mag-isa. Nahiya naman ako kay Cedric kung gigisingin ko pa siya. Nag dikit nalang ako ng sticky note sa noo niyang malapad at nagpasalamat ako sa mga katulong niya.
Bukas ko nalang ipapaliwanag ang lahat kay Mommy, kay Daddy at LALONG-LALO NA KAY KATH!

BINABASA MO ANG
Parekoy
Roman pour AdolescentsNagtatago ako sa likod ng kasuotan ng mga lalaki. Lahat ng ginagawa nila, ay kaya ko din gawin. Isa lang ang hindi, Ang umibig ako sa kapwa ko babae. May dahilan pero hindi ko kayang matanggap! Sabi nga diba, Truth hurts!