Chapter Two

34 3 0
                                    

Friday!!! Friday!!! Yehet!!! After ng pasok ko ngayon.HAYAHAY NA ANG BUHAY KO!! Kahit pang dalawang araw lang, Masaya na’ko. Nakakapagod pala talaga maging College. Kung gano kaarte yung mga teacher nung highschool, sobrang maarte naman ‘tong mga prof! Daming kailangan ipasa. Kung di lang talaga kami mayaman baka nung 2nd day palang nag drop out na’ko.

English ang first class ko ngayon. Masaya ako kasi English lang ‘to. Yakang-yaka ko to! Accountancy pala yung course ni Kath, para lang malaman niyo. Baka hanapin niyo siya sakin pag nasa klase ako e -_- joke ehehehehe

Naglalakad na’ko papunta sa Room E-347, bigla kong nakita yung isa kong blockmate.Malapit na mag start yung klase ahh.

“Excuse me, blockmate kita right? Bakit ka andito? Diba mag s-start na yung klase?”

Tinignan niya lang ako tapos umalis. “Bastos” bulong ko, tapos umalis na’ko. Pupunta na nga ako sa room. Nakakabwesit siya ah, panira ng araw. Well, ano nga ba yung pakialam ng school na ‘to pag may nag cutting class? College na nga pala.

“Miss, may nakaupo na ba dito?” sabi nung isa ko pa sigurong blockmate or ewan.

“Wala.” Nakabusangot lang ako dun sa upuan ko.

“HAHAHAHAHAH”

“Bakit ka tumatawa?” sinabi ko, habang hindi ko padin tinitignan yung kumakausap sakin. Wala ako sa mood! “Oh! Ikaw nanaman pala. Sinusundan mo ba ako?”

“Hahaha. Miss, di kalang pala matapang, assumera ka din pala hahahaha!” Tawang-tawang sinabi ni koya.

“Alam mo Mr.Cedric, hindi ako ASSUMERA”Tumayo ako. “Wala sa bokubularyo ng mga katulad natin yan diba?” Nginitian ko siya tapos umupo na ako.

“Natin?” bulong niya,tapos umupo siya sa tabi ko.

Natatawa ako, pinipigilan ko lang. Ganito ba ka-slow ‘to? Hindi ba halatang T-boom ako? Well, sabagay bawal kasi mag suot ng mga dress dito. Di lang siguro halata!

Natapos na ang klase ko. Andito ako ngayon sa Caf, hinihintay yung magaling kong bestfriend. Nagpapasama kasi magpalinis ng kuko. Pumayag na’ko, siguro oras nadin para mag unwind from this first week of classes. Medyo matagal pa yung babae na yun. Ewan ko lang kung bakit, makikipaglandian pa siguro…jokes hahaha.

Inaantok n’ko………………tapos may biglang umupo sa may table ko. Si Cedric lang pala, etong lalaki talaga, napaka KAPAL NG MUKHA.Kanina pa’ko ginugulo ng lalaki na ‘to ah.

“Pare, ano bang problema mo?” hinamapas ko yung mesa at tinignan ko siya sa mata.

“Gusto ko lang makipagkaibigan. Wala kasi ako---“ hindi natuloy yung sinasabi niya kasi dumating na ang prinsesa!

“Hi Precious. And you are?” nag wave siya sakin, at tinignan niya si Cedric,na nagpapahiwatig na siya yung tinatanong ni Kath, Sino pa nga ba yung tatanungin niya. E kaming 3 lang naman kasi sa table na’to.

“Hi, ako si Cedric Perez, bestfriend din ako ni Precious.” Nag wide smile siya kay Kath.

“Ako pala si Kathlyn Sanchez. Pupunta kami sa Mall ni Precious, sama ka na samin!” inabot ni Kath yung kamay niya kay Cedric para makipag shake hands, sinagot naman yun ni Cedric. Nag smile siya na parang nag papacute kay Cedric. Malandi talaga tong bestfriend ko!!!

So dahil sa ka-kapalan ng mukha ni Ced, sumama siya samin ni Kath. Kinukulit niya ako ng kinukulit, nakakairita, binabatukan ko nalang siya pero inaartehan padin ako. Nag punta kami sa Nail-a-holics, nagpalinis kami ng kuko, foot spa at nail art. Pati si Cedric nag palinis at nag pa footspa. Lalaki ba talaga to O_O Ako black na nail polish lang.

Nag stroll at nag foodtrip pa kami after naming mag relax. Ang saya ko lang,feeling ko kapatid ko yung dalawa. Kahit medyo naiilang padin ako kay Cedric.Isang linggo nalang pala……dadating na sila Mommy.Ano naman kaya ang gagawin nila ditto? Business matter nanaman? Tapos mag p-party nanaman? Tapos papasuotin ako ng dress tapos high heels? NAKO LANG AH. NANDIDIRI AKO PAG INIISIP KO PALANG. It’s been ages since I last wore a dress. It sucks and I really don’t like it.

Lahat ng binibili na dress sakin nila mommy binibigay ko kay Kath. Si Daddy, okay lang daw na ganito ako. Wag lang daw ako mag sobrang bihis lalaki at magpapagupit. Maging desenteng t-boom daw ako. Maging maarteng t-boom daw ako. Ayaw niya daw na makakita ng Fix sa kwarto ko. Buti pa si Daddy, naiintindihan ako. Si Mommy kaya, kalian ako iintindihin?

Will she ever ask me the reason why I’m like this?

Will she even care if I tell her?

will she even cry?

-------

A/N: 

Hello, mag suggest nga kayo ng pwedeng mangyari tas isa or dalawa pang character! :"> meehehehhe ♥☺☺☺

Salamat sa pagbabasa, sa susunod uli :">

ParekoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon