Ganito kasi yun, isa akong High School Student actually incoming 4th year na ako sa pasukan. Lalaki po ako pero kung mayroon sanang tinatawag na sub-gender, kabilang ako dun, as a GAY. Yes I'm a gay and I'm proud of it. Iilan lang sa lipunan natin ang may lakas na umamin na bakla sila. Ewan ko nga ba, para sa akin pare-pareho naman tayong mga tao eh kaya hindi ko kinakahiya kung ano ako.
Ayun nga, okay na sana ang simula ng buhay ko bilang isang high school student, kaso, tong puso ko ayun, nagsimula ng lumandi at ang masaklap pa, sa kauri ko pa! Sa kapareho kong lalaki, ayos na sana kaso hindi talaga maiiwasan ang mga mapang matang mga tao na akalain mo parang nakakadiri pag may karelasyon kang kaparehas mo ng gender. Kaya ayun, itong puso ko, nauwi na lamang sa pasulyap sulyap sakanya.
Pero sa tingin niyo ba, dapat ba niyang malaman ang nararamdaman ko para sakanya? O itatago ko nalang at baka sakaling mawala rin ito?
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (Completed)
Teen FictionUso na naman ngayon ang same sex relationship diba? Moderno na naman tayo ngayon. Tsaka isa tayong democratic country at nakasaad sa konstitusyon natin ang mga salitang tinatawag na "KARAPATANG PANTAO".